Chapter 7

15 0 0
                                    

Titignan ko ba siya? Hindi ko na alam, sobrang nababaliw na ako sa nararamdam ko.

Hindi ko naman kasi inaasahan na ganito pala ang mararamdaman ko kapag nakita ko siya sa personal.

Pagkatapos ng unang beses niya ako tignan at hanggang ngayon na nakaupo na kaming lahat sa coach ay hindi ko pa rin siya magawang tignan 'uli. Bakit? E kasi ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa mga message na ibinibigay ko sa kaniya.

Nakakahiya dahil sa ganitong ka-guwapo ko pinapakita at pinapabasa ang mga salita kong walang kuwenta. Nakakahiya baka isipin niya baliw ako. Kainis naman kasi ang kamay ko ayaw magpaawat sa pagtype kapag kausap ko si Jhackier My Love.

"Good morning sa inyo. Lahat naman siguro kayo ay alam na hanggang seven ng gabi ang meet and greet ni Jhackier Krozt, right? Pero hindi nasabi sa inyo na sa loob ng 10 hours na iyon ay mananatili lang tayong lahat dito sa loob," nakangiting sabi ni Tanya.

Tanging kay Tanya ko na lamang binibigay ang aking pansin. Gusto ko nang kalimutan ang hiyang nararamdaman ko kay Jhackier My Love.

"Totoo 'yan, Tanya Ganda? Meaning makakasama namin kayo sa loob ng 10 hours? Kalerki," hindi makapaniwalang tanong ni Nikks

"Paulit-ulit ka? O, hirap ka maka-gets?" inis na sabi ni Daira. "Pasensiya na Tanya, sige tuloy ka na sa pag-explain. Pero, gusto ko palang sabihin na nagutom ako kakahintay sa inyo," saad niya pang muli.

Gusto kong kumamot sa ulo dahil sa sinabi niya, kaso baka isipin nila ma'y kuto ako. Nakakahiya naman kasi itong si DairaTheTarsier.

Nagtaka ako nang tumawa si Tanya at Fritz sa sinabi ni Daira, wala naman kasing nakakatawa doon. Si Witmer naman ay umiiling, at si Jhackier My Love naman ay hindi ko alam ang reaksiyon. Hindi ko pa rin siya kayang tignan.

"I like you, Miss. Ano ang pangalan mo? " tumatawang tanong ni Tanya kay Daira.

"Like mo ako kasi ang Ganda ko, 'no? Parehas naman tayong maganda. Ako nga pala si Daira Salas," nakangiting sabi ni Daira.

"Yes, mas maganda ka pa nga sa akin, Daira."

Nagbobolahan pa itong dalawang 'to.

"Ay, bago pa ako mag-enjoy sa pakikipagkuwentuhan sa inyo ay kailangan tapusin ko na agad ang sasabihin ko," tumatawang sabi ni
Tanya. Palatawa rin pala itong si Tanya. "For 10 hours, no one can go outside. Parang na sa PBB lang tayo,' yon na lang ang isipin niyo. Cool right? I like this idea, and I know all of you will, too. Magkakaroon kayo ng pagkakataon na makasalamuha ang iniidolo niyong si Jhackier Krozt sa loob ng napakahabang oras. Lastly, we want all of you to act and think that we're not celebrities. Gusto namin na maging friends namin kayong lahat. Feel free, guys. Do anything you want, except go outside. 'Yon lang."

"Saglit, paano 'yan nagugutom ako? Hindi manlang kayo nagsabi na bawal palang lumabas dito, e 'di sana nakabili ako ng mga pagkain sa labas bago pumasok dito. Puwede bang magpa-deliver na lang ako?" salubong na kilay na sabi ni Daira.

Oo nga, 'no? Medyo nakakaramdam na din kasi ako ng gutom, medyo lang naman. Hindi naman ako gaya ni Daira na gutumin.

"'Wag na. Nakapag-order na ata si Jhackier. Right, Jhackier?" tanong ni Tanya.

"Yes. Maya-maya lang ay parating na 'yon. I'm sorry pinaghintay ko kayo."

Nagsasalita lang siya pero kinikilig na ako, kahit pa hindi ko siya magawang tignan.

"Ay oks lang Jhackier. Ang mahalaga nakita ka namin," kinikilig na sabi ni Nikks. Napauwang ang labi ko. Nagseselos ako, dapat kinakausap ko rin si Jhackier My Love e.

Nakakainis naman kasi, siguro kung hindi ko nakausap si Jhackier My Love sa online ay hindi ako mahihiya nang ganito. Gusto ko na siyang tignan, ang kaso lang nahihiya talaga ako, paano kung sungitan niya ako? Kaloka na talaga.

Im just a FanWhere stories live. Discover now