Chapter 9

9 0 0
                                    

Nakapanguso na lamang ako habang iniisip na aalis na kami. Bakit naman kasi ang bilis ng oras? Nandito ako ngayon sa likod ni Nikks upang magpapirma ng mga poster at magazine kay Jhackier My Love.

Nag-unahan kasi ang tatlo na sina Nikks at ang dalawang babae, kaya ito nasa hulihan ako. Sila Nikks pa naman ang unang binibigyan ng autograph ni Jhackier My Love kaya pinapaupo muna ako nila Tanya pero hindi ko sila pinakinggan. Excited lang naman akong mapirmahan ng mga magazine at poster ko e, pero mas lamang pa rin talaga ang lungkot dahil ilang oras nalang ay aalis na kami.

Nang matapos na silang magpapirma ay naglakad naman ako palapit kay Jhackier my love na nakaupo sa sofa, umupo naman ako sa sahig.

Nakayuko kong inabot kay Jhackier My Love ang mga mgazine, nang tignan ko siya ay pilit na lamang akong napangiti sa kaniya.

"Don't worry. Paniguradong magkikta 'uli tayo," sabi niya at nginitian ako. Pilit muli akong napangiti sa kaniya.

"Sana," sabi ko at humugot na malalim na paghinga.

Mahigit dalawang taon na ata siyang hindi nag mall show, at wala pa akong balita na magkakaroon siya ng bagong pelikula. Kaya papaano mangyayari ulit ito? Panigurado naman ako na matagal pa bago muli siya magkaroon ng fan day. Mami-miss ko ang mukha niyang guwapo, pati ang pagtingin niyang seriyoso pero kapag ngumiti ay makalawlaw boobs, kahit flat daw ako sabi nila.

"Hindi ka ba masaya?" tanong niya ngunit inilingan ko siya.

"Masaya ako sobra, kaso nalulungkot lang ako. Ay basta, kainis naman kasi e," sabi ko. Ginulo ko ang aking buhok na animoy ako ay nababaliw na.

Napanguso ako nang makita kong tumawa siya, hindi ko na rin naiwasan ang mapangiti sa kaniya. Nakakahawa kasi ang ngiti at ang pagtawa niya dahil sobrang nakakatuwang makita sa kaniya 'yon.

"Basta, kapag may' chance 'uli na makita ka ay hindi ko na papalampasin pa 'yon. Lalo na kapag may' mall show ka, kahit saan pa 'yon ay pupunta ako," nakangiti kong sabi. Tinaasan baba ko siya ng kilay, nakangiti naman niya akong inilingan.

"Aasahan ko' din 'yan, na makikita kita 'uli," sabi niya.

Pinirmahan na niya ang mga magazine at poster ko. Nang matapos 'yon ay hindi ko naiwasan ang mapatayo at mapatalon sa tuwa. Another check sa pangarap ko na magkaroon ng autograph mula sa kaniya.

Napawi ang ngiti sa aking labi nang makita ko sina Daira na nag-aayos na ng mga gamit. Wala na akong nagawa kung hindi ang ayusin na lamang din ang gamit ko habang ako ay nakabusangot.

Nang matapos kaming lahat mag-ayos ay nag kaniya-kaniya na kaming paalam sa isa't isa.

"Makikita 'uli kita," nakangiti kong sabi kay Jhackier My Love, tinanguan naman niya ako. " Thank you sa pagkakataon na 'to. Ay! Bago ko pala makalimutan, jacket mo pala. Thank you." Inabot ko sa kaniya ang jacket niya ngunit inilingan niya ako.

"Gabi na. Just take it, it's too cold outside," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa dahil sa kaniyang sinabi.

"Akin na ba 'to? O, ibabalik ko kapag nakita 'uli kita? Sana akin na lang, remembrance, please," pagmamakaawa ko pang sabi. Kakapalan ko talaga mukha ngayon, sayang 'tong jacket.

Hindi ko naiwasan ang mapalundag sa tuwa nang siya ay tumango bilang tugon sa akin.

"Thank you, thank you," sabi ko pa.

"Tara na, Casi. Andiyan na ang sundo natin," sabi ni Daira at lumapit sa akin, tinanguan ko naman siya bilang pagsang-ayon, inakbayan niya ako at tumingin siya kay Jhackier My Love. "Thank you Jhackier, see you again," nakangiting sabi ni Daira.

Im just a FanWhere stories live. Discover now