Di pa kasi posted and Paper Planes so, ito muna in-update ko hahaha! Enjoy😉
xxx
Kabanata 3
"Ma'am Winter! Okay ka na?" Nakasalubong ko si Ate Linda pagkalabas ko ng kwarto kinabukasan.
"Naman!" I giggled and placed my hand on my waist. "Super ayos!" Kumendeng pa ako sa harapan n'ya.
"Saan ka galing, Ate?"
"Ay, naglinis lang ng guestroom at may tutuloy." Aniya at tumango nalang ako, nagtataka.
May bisita?
"Ay, s'ya nga pala, Ma'am, nasa baba na ang Mommy at Daddy mo." Aniya at nanlaki ang mata ko at na-excite.
"Oh my God! Thank you!" I giggled happily and almost ran downstairs.
Nasa hagdan palang ako ay rinig ko na ang boses ni Mommy at Daddy na nag-uusap. Lumaki ang ngisi ko, taas noong bumaba sa hagdan at papunta na sana sa kusina nang mahuli ng paningin ko si Warrion na nakasandal sa hamba palapit sa hagdan na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan.
He was wearing a plain white shirt with his dog tag on his neck, nakamaong na pantalon rin s'ya at ang berdeng mga mata ay malamig ang tingin.
I saw him took a glance at my knees and I froze, my poise faded, biglang nagkunwari akong nanakit ang tuhod at kumapit sa pader.
"A-Aray... Hindi pa pala ako magaling." Parinig ko.
Pasimple pa akong sumulyap sa kanya na nakatingin lang at walang-imik.
Nang masalubong ko ang mata n'ya ay mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumikhim.
"Grabe... Sobrang sakit talaga." Tikhim ko pa at pinaringgan s'ya.
"Your parent's there, eat." He said timidly, not minding my pretending.
"Yeah, medyo ano e..." I pouted. "Medyo masakit ang tuhod ko, hindi ako makalakad, can you help me?"
His brow raised at me. "I saw you almost jumped down the stairs."
"Because my knees hurt!" I insisted.
"Stop it, go eat." Aniya.
Ngumuso ako at humalukipkip.
"Mommy o--" Sumbong ko sana pero hindi ko na natuloy nang nakasimangot s'yang lumapit at anabot ang braso ko.
I grinned, paika-ika akong naglakad habang hawak n'ya at pasimpleng inamoy s'ya! He smells aftershave and fresh! I even noticed his wet hair.
"Ay, hala, Ma'am Winter, masakit ulit ang tuhod mo?" I froze upon hearing Ate Linda's voice.
Oh...God! No! No!
Nanlaki ang mata ko nang magtungo s'ya sa harapan namin kaya natigil kami ni Warrion.
"Hala, e, Sir Warrion, maayos na 'yan kanina si Ma'am, kumekendeng pa nga e." Aniya at nanlaki ang mata ko.
Warrion cleared his throat, pinanlakihan ko naman ng mata si Ate Linda pero hindi n'ya ako napansin at ngumisi-ngisi pa.
"Naku, ganyan talaga 'yan si Ma'am. Wala kasing boypren kaya naghahanap ng mga haplos at aruga." Aniya.
Bigla akong naubo, I heard Warrion cleared his throat and I saw him glance at me kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Ate Linda! Hanap ka na ni Mommy!" I exclaimed and she panicked.
"Ay, oo nga pala!" Dali-dali s'yang tumakbo papasok sa kusina at nang mawala s'ya ay saglit akong sumulyap kay Warrion na pirmi lang ang labi.
BINABASA MO ANG
Heart of Darkness
Narrativa generaleLost Island Series #3: "Some people have no idea how beautiful the darkness is." Winter Andromeda Almedarez is in danger. Her father believes that, she really is in danger but does she? She says, yes but can handle herself. She knows how to defend h...