Kabanata 14
"Okay! Candidate number two!" Inilahad sa akin ni Macarena ang larawan ng isang gwapo lalaki.
"Ezekiel Salazar," She showed me the infos. "Owner of a Salazar ranch in Batanes, twenty-nine years old, single. Ateneo graduate of business administration."
"Gwapo," I nodded. Nanatili akong nakatitig roon.
"I know right," She said. "Nanligaw nga sa'yo diba?"
"That was way back in college, Macarena. I totally forgot his face. Saan mo nga pala nakita itong lalaki?" My brow raised.
"Sa listahan mo, 'yung dalawang page." Aniya at bumilog ang bibig ko at napatango roon.
"Ang galing, huh. Saan mo nahalukay?" I asked her.
"Sa laptop mo! Babaeng 'to talaga." Tawa n'ya at napanguso ako at pinakatitigan ang mukha 'nung lalaki.
"Hmm, feeling ko Mama's boy pa rin 'to." I said. Macarena chuckled, nakatitig rin s'ya sa litrato at tumango.
"Yeah, look at the red ribbon on his neck. Good boy, huh?" Ngisi n'ya. "Di mo ba bet? Kung ayaw mo marami pa 'to, let's proceed to candidate number three?"
My forehead creased.
"Why candidate number three kaagad? Ezekiel is the first one you showed me, right?" Gulong sabi ko.
"Syempre, may candidate number one na ako!" Aniya at nagtaka ako roon at nangunot ang noo.
"Who?"
"Sino pa ba edi 'yung manok ko!" Aniya. Mas nangunot ang noo ko roon, napairap s'ya sa akin at ngumiwi.
"Si Major, Winter! Slow naman nito." Aniya at nanlaki ang mata ko.
I cleared my throat, taas noong umiling sa kanya.
"No freaking way, ekis na 'yun sakin!" I sulked.
"I know, medyo ekis na rin sa'kin pero s'ya first choice ko sa'yo e." Aniya. "Pero syempre hindi rin ako papayag na diligan ka 'nun, he still isn't allowed to come near you 'no! Kung didiligan ka nga lang, magandang choice pero sinaktan ka na so, no." Iling n'ya.
"See?" My lips protruded.
"Bakit nga ba 'di pa 'yan umaalis rito?" She asked me and I shrugged and shook my head.
"Ewan ko d'yan, nakakainis." Nguso ko. "Babantay daw sakin habang wala sina Mommy, like, ano ako, baby? I can handle myself! Lakas makasabi ng may buhay s'ya bukod sa akin pero ayaw pa rin umalis!"
"Tinry mo palayasin 'no?" Malisyosang sabi n'ya.
"Oo!" I answered. "Kulang na nga lang itapon ko 'yung damit sa labas."
"Galit ka sa kanya talaga?" Her brow raised at me, tila inoobserbahan ako.
"Syempre," I sighed. "But I understand him, na hindi lang sa akin iikot ang buhay n'ya at it's fine with me. Pero sana, umalis s'ya, naiirita ako sa mukha n'ya. Inaaway ko na nga pero ang gwapo pa rin!" I stomped my feet.
"Hay, ang marupok kong kaibigan." She sighed.
"I'm not!" I raised my brow. "Have I ever talked to him? No, right? S'ya itong papansin palagi, akala n'ya gwapo."
Ngumisi si Macarena at nanliit ang mata sa akin.
"Oo na, oo na, gwapo!" Irit ko.
Humagalpak s'ya at nang makitang palapit si Piglet ay tinanggal ko ang unan sa hita ko at hinayaang tumalon roon ang pusa ko.
BINABASA MO ANG
Heart of Darkness
General FictionLost Island Series #3: "Some people have no idea how beautiful the darkness is." Winter Andromeda Almedarez is in danger. Her father believes that, she really is in danger but does she? She says, yes but can handle herself. She knows how to defend h...