Madaldal talaga ako. Di lang halata. Ang tahimik ko kasi sa personal pero kung titingnan mo blog ko mawiwindang at mabubuang ka sa sobrang daldal ko. Lahat nalang kinikwento. Wala kasi akong makakausap o mapagbubuhusan sa personal at medyo nahihirapan akong magbuhos kasi inuunahan ako ng emosyon ko.
Pero bago maging emosyonal 'tong mga pinagsasabi ko gusto ko lang sabihin na eto'y isang random na entry. Char. Di lang ako sa blog ko dadaldal kundi pati na 'rin dito sa Wattpad kasi PIOLO.