Chapter 21 YanYan's Pov

5 0 0
                                    


(HALOS Point of view na lang to ni YanYan para mapabilis ang kwento hehe ang haba pa kasi eh kaya magkukwento nalang ako haha!)

Parati na kaming magkatext at magkatawagan nun ni Isnabero na halos nakakalimutan na namin ang clan.

Ganito na siguro yun dahil nakahanap na ata ako ng lovelife sa Clan? Ang bad ko ba? Haha siguro naman naiintindihan yun ng founder namin. Hehe pero parang kasi nagseselos siya at naging close din kasi ako kahit papaano sa founder namin.

Nung una kasi kami lagi ang magkausap. Mas matanda siya ng dalawang taon sakin so mas ahead siya saamin. Graduate na siya ng High school eh, kami naman e kasalukuyang nag-aaral pa. Third year high school ako at si Isnabero naman ay Fourth year so mas ahead siya ng isang taon saakin.


Medyo nalungkot ako kasi nga bakit ngayon ko lang siya nakilala? Tapos nalaman ko pa na kung saan ako grumaduate ng elementary ay doon din pala siya? So ka batch niya ang Kuya ko. Pero si kuya naman kasi mas matanda sakanya.

Bakit ganun no? Tadhana nga naman.
Tapos matindi pa rito ay kilala niya ang Ex ko. Mapapakanta nalang talaga ako ng "Its a Small World After all" nito haha!


Same lang kasi ng Barangay eh. Well magkakilala talaga nga sila.


Sa araw-araw na nagkakatext kami at tawagan parang nahuhulog na ang loob ko sakanya, kasi naman ngayon lang ulit ako kinilig ng ganito. Hehe nagpapasalamat talaga ako at nakilala ko siya sa clan, na di ko inaasahan na sasali ang kagaya niya, diba Science class nga siya at malay ko ba na nasali rin siya sa mga ganung bagay dahil akala ko nga ay puro aral lang sila.
Normal lang din silang estudyante na nakikihalubilo sa mga lower sections na gaya ko.


Alam niyo naman siguro ang pakiramdam ng kiligin diba? Este KILIGIN ULIT! pagbigyan niyo na ako, siguro naman siya na yung sagot para magkaroon naman ng buhay ulit ang high school life ko. Parang ang boring na kasi diba .. maaga ako nasaktan doon sa Ex ko tapos nagkaroon ng manliligaw na umatras din .. UMASA AKO at masakit saakin yun. Tapos kaklase ko pa rin siya hanggang ngayon, parang hangin nalang tuloy pag nagkakasalubungan kami.


Buti nalang may mga tropa ako sa room at sila rin ang nagpapasaya saakin sa loob.

----


Dumaan pa ang ilang araw ,linggo at buwan ay nagkakamabutihan na kami nitong si Isnabero, Tinatawag ko siyang Mikmik ko ❤️ pero ako lang natawag niyan siyempre di niya alam haha! Landii hahhaha



Na-aattach ata ako ngayon sa mga brainy people ah! Isip-isip ko hehe. Maraming beses na rin kaming nagkikita kahit saglit lang hehe masyado kasing busy ang section nila. "Madami talagang ganap yang Science class" sabi ni Bevs . Oo nga ang dami nga, pero naisisingit naman niyang itext ako hehe kahit nga minsan may klase sila, este parehas kaming may klase pero nagkakatext kami minsan. Di kase ako makapagtext at nasa second row ako. Siya ewan ko nakakapagtago siya ng malupit siguro nasa dulo siya banda. Lalo tuloy ako kinikilig.



Naalala ko tuloy nung unang mga araw kaming nagkatext at nagkakilanlan kahit di pa man kami gaano nagkikita eh ang gaan ng loob ko sakanya. Kaya eto hulog na hulog na pero di ko pa siya pinapayagang manligaw kahit na nagpapaalam na siya. Hahanap pa ako ng right time medyo patagalin ko siguro mga.. ilang araw? Hahaaa char! Basta sasabihin ko rin sakanya ng paunti-unti nakakahiyang gumawa ng first move para sabihing "Ok na payag na ako" eh paano?



Recess ngayon at heto nanaman ako cellphone ulit. Madami nanaman akong babasahin. Ay onti lang pala kasi may mga pasok ang halos saamin.





Malapit na ang Foundation day ng School namin at nagbabalak na mag Eyeball ang Clan sabi ni Kuya Sammy founder namin. Sakto at halos kasi ng member ay dito sa school nag-aaral, tsaka pwede kasi pumasok ang mga outsider kapag Foundation day kaya naeexcite ako. Magkikita-kita na kami at magkakabonding.


First time ko lang na makikita sila Kuya Sammy at ilang mga kaibigan niya pagdating ng araw ng Foundation day, kaya  napapangiti ako hehe.

----

Ilang araw na lang at Foundation day na!
Naghahanda na ang lahat, may mga nagpapractice na lalo na ang mga teacher namin, dahil kapag foundation day ng school namin ay mga teacher ang mga Candidates, kaya swerte nung ibang room at section kapag isa sa mga teacher nila ang kasali, it means wala silang klase sa oras na yun.

Nagbabalak 'tong mga tropa ko dito sa room na magpa-print sa damit para sa Foundation day. Nakagawa na ng Design si Palma para sa tshirts namin na sinang-ayunan naman ng lahat. Kulay purple ang mga designs at may malaking number sa likod. Number 26 ang akin dahil birthday ko iyon tapos nickname naman sa ibaba.



Bukas Foundation day na at naghahanap na ako ngayon ng isusuot kahit pantaas lang tapos nakapalda nalang ako ng uniform namin, tinatamad kasi ako magdala ng pamalit na pang-ibaba.
Kulay itim na blouse ang inilagay ko sa bag ko para bukas. Ganito kasi ako kapag may gagamitin para bukas ay inaayos ko na one day before para di ko makalimutan, dahil makakalimutin ako kapag sa araw na iyon na mismo ko dadalhin ang isang gamit na gagamitin ko.


Excited na ang lahat sa pagkikita-kita naming mga magkaka-clan, dahil sa mga Gm's pa lang namin ay masaya na kami, paano pa kaya pag sa personal na? Medyo patawa kasi tong founder namin at napaka creative para maging masaya ang clan. Kaya araw-araw akong may load. Pero hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko, kumbaga dagdag inspirasyon na rin sila para sipagin ako pumasok ng nakangiti na rin, Kahit na medyo napupuyat ako hehe.


Kukunin na rin pala namin ang pina-print namin na tshirts. Anim kaming kukuha ngayong lunch at lalakarin lang namin ito mula sa school,  malapit lang daw sabi nila. Kabisado kasi nila dito, ako kasi hindi at di naman ako nakatira dito. Nang malaman ko na malapit lang daw ito sa Barangay kung saan nakatira si Isnabero eh parang ginanahan lalo ako sumama hehe, mainit ang panahon at wala akong dalang payong pero ok lang! Hihi.



Naglalakad na rin kami ngayon papunta doon sa tshirt na pinaprint namin, pero dadaan daw muna kami sa bahay ni Kate isa sa mga tropa ko may kukunin lang daw siya saglit. Napag-alaman ko rin itong school namin at ang Barangay kung saan nakatira si Isnabero ay iisa lang. Haha tanga ko naman! Pero malayo-layo kasi ito sa school namin medyo dulo na ng Barangay.




"O dito na tayo" sabi ni Kate at tsaka kami pumasok sa medyo maliit na eskinita papasok pero hindi naman mukhang delikado. Nakabukas ang gate na at may bahay na katapat ito na may mga Love birds na alaga? Ewan ko kung alaga ba yun o binebenta, ang dami kasi, pero nilampasan lang namin iyon at akala ko ay bahay na nila yun, pa-compound ang style ng tinitirhan ni Kate, may binati rin siyang cute na batang chinito na naglalaro sa tapat nung bahay na malapit sa gate kung saan kami pumasok.

"Hi dedey! Naglalaro ikaw?" Sabi niya sa bata habang kinukurot-kurot ng bahagya ang pisngi nito. Ang cute naman kasi talaga.

Nagtanong pa ako kung kaninong anak yun o kung sino yung batang yun at kung kaano-ano niya yun. Dami ko tanong diba. Sasagutin niya raw ako pag nakapasok na kami sa bahay nila. Apartment style maliit na bahay sa loob ng isang compound ang tinitirhan nila ngayon ng mama at ng kapatid niyang bunso, na sakto lang ang laki para sa kanilang tatlo nakiupo naman kami saglit sa upuan nila.


"Nangungupahan lang kami dito dun sa Mama ni Carl." Sabi niya pa, habang kumukuha ng maiinom namin. Ha? Carl?

"Sinong Carl?" Tanong ko pa

"Si Carl, yung crush mo! Ka clan mo! Weeeh at pamangkin niya yung nakita nating bata doon kanina anak ng ate niya." Sagot naman niya na kinagulat ko.

"Oh?! Di nga? Haha! Kaw naman di mo agad sinasabi na dito ka sa compund nila nakatira!" Nakangiwi ko pang sagot

"Hala sinabi ko sayo! Nakalimutan mo lang siguro! Tsaka sus kunwari ka pa! Eh kinikilig ka na ngang sumama dito haha" asar pa niya.

"Yieeeee" asar pa nila Palma. Kasama ko nga pala sila.

"So yung bahay na nasa harap ng gate kanina bahay nila yun?" Curious kong tanong.

"Oo! Bahay nga nila yun"

The Choosy One (TO BE CONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon