Chapter 6 EWAN KO

26 2 2
                                    

Chapter 6  EWAN KO.

JAY-JAY’S POV

Katatapos lang naming mag recess ngayon, at buti naman nag recess na din tong Yan-yan na to. Di kase yan nagrerecess ehh , di ko naman siya mayakag na magrecess kase may mga kasama ko puro pa lalaki baka ma- op lang siya di pa naman to magsasalita hanggat di mo inaaproach. Grabe ano VIP pero basta siya okay lang.

Yan-yan na tawag ko sakanya , siguro sapat na ang 3 weeks niyong pagiging magka-seatmate diba kaya ang saya lang dahil close na kami.

Natutuwa nga din ako kase LOVETEAM daw kami hahahahaha. At di lang ako natutuwa, kinikilig din kahit ang gay tignan pero talagang nakakaramdam din pala ako nun ? XD haha.

TAO KASI AKO .. ay hindi pala .

BAGAY KAMI . BAGAY …wooooh grabe amats ko sa babaeng yun ! tinamaan ako ng matindi dun.

Kahit masungit yun , okay lang .. atleast napapatawa 'ko siya ,at nakita ko na din sa wakas ang totoong  siya..

Madaldal siya.. SOBRA . at para siyang bata haha.

Ang hilig niya sa Butter Cream ba tong biscuit na to ? tsaka juice na plus, ayaw niyang nagssoftdrinks daw eh. Pero minsan nakikita ko nagssoftdrinks pero sure akong napilitan lang siya kase yung tatlo niyang kasama eh mahilig bumili ng ganoon. Tsaka mga piatos minsan napipilitan lang siyang bumili kase nga may kasama siya , pero minsan talagang biscuits lang or cupcakes,  Di ko alam kung maarte siya sa pagkain o health conscious siya ? ewan ko sakanya haha basta kung ano siya okay lang sakin.

Pinapalipat na ako ng mga katropa ko dito na dun daw sa upuan nila ako lumipat para tabi-tabi kami, pero AYOKO, EWAN ko ba kung bakit parang naka magnet ako sa kinauupuan ko, o sadyang ayoko lang na hindi ko siya katabi. Awwwwwww ang gay talaga ng ganito bakit ganun hahaha di ko na maintindihan.

Ganito siguro kapag inlove, naranasan ko na to pero hindi yung gaya samin na kahit hindi pa naman kami , ni hindi ako nanliligaw ni wala kaming commitment netong babaeng to pero ang ganito kami close na close. Or sadyang friendly lang ako.. Siguro nga friendly lang ako.

Pero speaking of ligaw ..

Kung manligaw kaya ako dito sa babaeng katabi ko.

May Pag-asa kaya ako ?? wala naman daw siyang boyfriend eh wala din manliligaw, sa ganda niyang yan wala ? pontoy din eh. Pero mukhang wala naman nga .. mga bestfriend niyang usi lang ang nakikita kong lagi niyang kasabay so .. talagang pwede nga siguro ako.

Magt-try ako, kaso kelan ko sasabihin ? ngayon na ba ? bukas ? sa makalawa ? arrrrrrrrrgh. Ang hirap mag-tapat !

-------------------------------------------------------------------------------

Lunch na .. gutom na din ako dito 'ko sa tropa ko nakain twing lunch.

Habang nakain kami , napapaisip talaga ako kung magtatapat na ba ako kay yan-yan o hindi pa muna.

Nagtry akng magtanong dito sa mga kasama ko.

Kinantyawan lang naman ako nila -_- …

“Ang torpe mo pre ! hahahaha”

“Wag na patagalin yan .. bahala ka uunahan kita :P” abat gago to si Biboy ahh seryoso ba to ?

“Gago ! syempre parang tropa na kami diba tapos biglang liligawan ko !”  sabay subo ulit ng kinakain ko.

“Ah bahala ka nga Jay, kapag inunahan kita .. liligawan ko yun !”

“Seryoso ka ?"

“Ako pa ba tinatanong mo ng ganyan ?” Seryoso ba 'tonh Biboy na 'to?

The Choosy One (TO BE CONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon