Chapter 2 ( Masarap maging Single Part II)
"Goodmorning Yan-Yan ! :D "
Bungad agad sakin ni Vince.
hinahaayaan kong tawagin niya ako sa Nickname ko total magkakilala na kami since kinder pa. Pero grabeng pagpapakabait to mai-nominate lang kakadiri -_-"Walang maganda sa umaga lalo na't ikaw ang babati"
"Aww badmood agad to , basta mamaya ha ! blah blah blah" –siya
Hindi ko na siya initindi pa alam ko naming ngakakaganyan siya para sa botohan mamaya, nag-ayos na lang ako ng gamit ko. Nagsasalita pa din siya. Kalalaking tao grabe makaputak eh NAPAKA DALDAL naman neto.
"Iboboto naman kitang muse tapos escort mo si Jay-Jay !"- siya
WHAT ?! o_O ?
"Anung sabi mo ?! sinong Jay-jay ??"- mausisa kong pagtatanong. Gago talaga to si vince balak pa ata akong ibugaw.
"Yung lalaking katabi mo sa kanan, mukhang type ka bagay nga kayo ni Jay-jay ehh"- pakilig kilig niya pang sagot saakin kasora na to ahh kalalaking tao makapang asar naman eh kaiba.
"Gago ka kamo Vince ! -_- hindi ka nakakatuwa"
"Crush ka kasi nun" siya , at aba ginatungan pa
"Wala akong pakialam"
"Wow choosy ka pa ! Matalino yun pogi pa !" siya parang babae talaga kung makapagsalita sabihan ko kaya ng bading to ? kaso baka halikan ako eh ganun diba kapag sinabihan mo anag isang lalaki na bading.
"Tsk Eh ano naman ?" – ako pero the fact is attractive talaga ako sa mga lalaking matatalino pero gaaahd ! ayoko muna ma-link sa mga boys ngayon jusko naman.
"Aysus ! kunwari ka pa, kaya nga pinagtabi kayo ni ma'am kasi parang bagay kayo "- siya seryoso pero pangiti-ngiti siya nagmumukhang aso eh? Sabihin na nating cute tong Vince na to chinito , di masyadong maputi makulit at higit sa lahat MATALINO din. Odiba ? Pero di ko crush to lalo na ngayon ? MAKAPUTAK NAMAN EH -_- Sarap niya ! sarap niyang begwasan napaka kulit.
"TANTANAN MO KO VINCE JAMES RAMOS ! HINDI TALAGA KITA INO-NOMINATE MAMAYA TANDAAN MO YAN !"-ako
Pagkasabi ko nun ? ayun tigil siya atras na siya di kase nakakatuwa pero hindi naman ako galit ganun lang talaga ako. Weirdo talaga ayun bait-baitan nanaman titigil na daw basta inominate ko siya wtf !? .. tapos lumabas na siya ng room ewan ko kung saan ang punta.
"Bwiset " pabulong ko sabay irap.
Tumunganga muna ko saglit sa upuan ko maaga pa kasi kaya wala pa masyadong tao kaya malakas loob kong manigaw .
Dahil sa sinipag ata ako at ewan ko kung anung dumapong kasipagansa katawan ko e dumampot ako ng walis tambo dun sa lagayan ng panglinis mukhang hindi inayos ng mga naatasang cleaners kahapon medyo makalat pa naglinis kaya talaga sila ?.
Sa pagwawalis ko nadadagdagan ng nadadagdagan nag mga dumadating na mga kaklase ko. Dumating na din tong si Carla na inasar pa ako may anung nakain daw ba ako at nagwawalis ako, pero agad niya naming binawi dahil naalala niyang mahina ako kumain lalo na kapag umaga wala talaga , kaya ayun nagkalikot na lang sa cellphone niya may katext siguro dun sa umupo sa may kaliwa ko pero di talaga dapat siya dun nakaupo.
Kahapon kasi inayos ng adviser naming yung gusto niyang sitting arrangement buti na lang at katabi ko pa rin tong si Carla kasi naman kahit pinalipat na siya dun pa din sa uupo sa may tabi ko ditto sa may kaliwa ko nauto kasi niya yung nakaupo dapat talaga dun palit daw sila yun nga pumayag naman ang tindi ano ? iling na lang ako ehh.
BINABASA MO ANG
The Choosy One (TO BE CONTINUED)
Non-FictionDi naman mali ang maging CHOOSY diba ?? wala akong pakialam sa mga taong mapanghusga ! basta ako , Kaya ako ganito para di ko na ulit maranasan pa ang masaktan ng todo, gusto ko piliin yung deserving sa pagmamahal ko, yung tipong hindi masasayang la...