Chapter 15 Waiting For Nothing Part II
Gerald's Pov
Hindi na tumatawag si Ayan sakin simula noong puro "ok" lang ang sagot ko sa mga sinasabi nila, ewan ko ng a at parang tamad na tamad na ako eh. Alam kong mali to pero hindi ko din alam kung bakit ginagawa ko pa din ang bagay na to. hays
Naglalaro ako ngayon ng Idate .. yung nilalaro namin ni Ayan palagi, kaso ngayon iba yung kalaro ko .. iba din syempre yung ka hunting ko, kilala ko siya taga dito siya saamin at sakto din namang ka schoolmate ko siya.
Ewan ko nga kung bakit nawiwili akong kalaro siya kesa makipag tawagan kay Ayan na siyang girlfriend ko. Haaays naguguluhan na talaga ako.
Ang sama ko na siguro sa mga kaibigan niya.
Sinantabi ko muna ang pag iisip sakanya at mag focus na lang sa nilalaro ko. Basta hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya o sadyang may nagugustuhan lang akong iba, pero alam kong mahal na mahal ko siya kaso ewan ko kung bakit ako umiiwas sakanya .. tsss di talaga siya mawala sa isip ko hays.
"Focus men .. focus .." sabi ko sa sarili ko .. parang tanga lang.
After kong maglaro shinutdown ko na ang pc , kinuha ko na yung cellphone ko para itext si Angel . Siya na kasi nakakatext ko malimit simula nung nagka chat kami sa Idate at lagi na kaming naglalaro ng sabay. Hindi yung magkasamang naglalaro ha, alam niyo naman yun diba yung tipong nagkikita yung character niyo sa isang game.
Hindi ko din alam kung bakit tinetext ko si Angel eh halos kakakilala lang namin, hindi ko naman tinetext si Ayan dahil sa ginawa ko alam kong galit sila tsaka walang sariling phone si Ayan nakikitext lang kaya hindi ko siya ma personal message.
Iniisip ko nanaman siya ? sabi ko diba wag muna na g-guilty kasi ako tss.
—————————————-
Linggo ngayon mga ilang araw ng wala kaming communication ni Ayan at nagpapalagayan na kami ng loob ni Angel, parang gusto ko na siya kaso paano si Ayan ? parang gusto ko pa siya na parang ayoko na ? wala naman kasing mabigat na dahilan para sabihin kong ayaw ko na sakanya.. pero parang kasing madami siyang pagkukulang eh. Ay hindi mali mali ...
Madami pala talaga. Gaya ng hindi kami malimit magkita kasi medyo malayo yung kanila sa bahay namin, tapos kapag naman pupunta naman ako sakanila maglalaro lang kami .. Haha kaya nakikisakay na lang ako sa trip nila .. Hindi ko alam kung bakit ganun siya hindi siya showy? showy diba? basta yung ayaw niya ng holding hands.. kahit kiss nga lang sa cheeks wala eh , hindi naman sa yun ang habol ko ha pero nakakatampo kasi parang hindi niya ako mahal diba , kahit yun man lang okay na ako eh alam kong masyado pa kaming bata . Kita ngang naglalaro kami ng tumbang preso ? patintero, high jump at iba pa .. natatawa na lang ako eh bata pala siyang talaga .. hindi naman sa matured ako pero normal ba yun ? oo hindi kami legal kasi nga bata pa kami kaya siguro inintindi ko na lang siya .. tsaka napaka conservative niya , kahit kiss man lang sa pisnge ayaw niya nahihiya daw siya ? O_o
Sa dami ng pagkukulanng niya siguro , sa pagtrato niya sakin ng ganun na ffall-out of love na ako. Meron palang ganun. Ayoko mang maramdaman to para sakanya kasi siya yung first Love ko .. ay hindi hindi siya yung "TRUE LOVE" ko yan ang sabi ko sakanya eh kasi may first love na ko.. siya naman daw may First Puppy Love pang tinatawag tapos ako daw yung True Love niya haha. Mahal ko naman siya kaso parang ayoko na.
Nakahiga ako ngayon katext ko ulit si Angel, masaya kasi siyang katext ang daldal niya kahit sa text pa lang naman kami nagkakausap pati na din sa tawag. Narerealize ko tuloy na kung si Ayan na nga ba o may iba pa ? kasi napapasaya pa ako ng iba ehh ng hindi dahil sakanya , kasi noon makita ko lang siya sobrang saya ko na mapangiti ko lang siya napakasaya ko na. Ang hindi ko lang alam kung ngayon .. masaya ba siya ? matapos ng ginawa ko ? pinaramdam ko sakanya na ayoko na? ang sakit nun alam ko pakiramdam nun. Kaya siguro ito na yung tamang panahon para tapusin na ang namamagitan saamin, madami pang ibang lalaki na deserving para sakanya .. hindi kagaya kong naghahanap pa ng iba. Alam ko sa sarili ko na mali yung ginawa ko pero tinutuloy ko pa din kahit alam kong may nasasaktan ako .. pero hindi ko naman din masisisi ang sarili ko tao lang din naman kasi ako.
BINABASA MO ANG
The Choosy One (TO BE CONTINUED)
NonfiksiDi naman mali ang maging CHOOSY diba ?? wala akong pakialam sa mga taong mapanghusga ! basta ako , Kaya ako ganito para di ko na ulit maranasan pa ang masaktan ng todo, gusto ko piliin yung deserving sa pagmamahal ko, yung tipong hindi masasayang la...