20 NR

340 8 22
                                    

Alexa's POV

Nandito talaga ako sa likod ng school hehe. Wala lang. Bakit ba?! So ayun hehe, ano na naman ba trip netong ulupong na yangyang na to!! Kanina pa siya ha!

Bahala siya! Manigas siya don!!! Nandito na ako sa may bus stop, si manong kasi ehh!!! Sira pa yung service car ko huhuhu. Super nakakainis. Huhu.

Pero bakit parang may mali? Parang may nakatingin sa akin? Oh well, baka guni-guni ko lang. Bahala na. Ang tagal kasi nung bus!

After 5 minutes, wala parin yung bus kaya napagpasiyahan kong pumunta muna sa park. Nararamdaman ko parin na parang may sumusunod sa akin! Nakakainis na ha! Uupo na sana ako sa isang bench ng may humanlot sa akin at tinakpan yung bibig ko.

"Kung ayaw, mong masaktan, tumahimik ka ha?!" Sabi ni mamang manyak!!

Kinagat ko yung kamay niya at napa-aray naman siya. Tama lang yan sayo! Manyak!! Tatakbo na sana ako ngunit nahablot niya na naman ako at umakto na siyang sasapakin ako.

Nakapikit ako pero bakit ang tagal? Unti-unti akong dumilat at nakita kong hawak-hawak ni Yang yung kamay nung mama.

"Ehh kung ikaw kaya saktan ko?" Sabi ni Yang at agad na pinulupot ang kamay ni manong kaya napadapa siya sa simento.

"Sa susunod, galawin mo na lahat 'wag lang siya!"

Teka, ano daw?

"Sa susunod, galawin mo na lahat 'wag lang siya!"

"Sa susunod, galawin mo na lahat 'wag lang siya!"

"Sa susunod, galawin mo na lahat 'wag lang siya!"

"Sa susunod, galawin mo na lahat 'wag lang siya!"

"Sa susunod, galawin mo na lahat 'wag lang siya!"

Paulit-ulit iyong tumatak sa utak ko at nabalik lang ang diwa ko nung hawak-hawak na ako ni Yang.

Huminto kami sa kotse niya at ikinulong niya ako sa mga braso niya.

"Sabi ko kasi sayo Sandra diba ihahatid na kita?! Bakit ba kasi hindi ka nakikinig?!"

Napayuko na lang ako at nagsabi ng sorry. Teka nga, bakit ako yung nag-sosorry ha?!

"Hoy! Para sabihin ko sayong ulupong ka! Wala na sayo yun kung ayaw kong sumabay sayo!! Naiintindihan mo ba?!" Sabi ko at padabog na hinawi yung kamay niya at pumasok na ako sa likod na upuan.

"Hoy, dito ka sa harap. Ano ako driver mo?!" Sabi niya.

"Oo, bakit? May angal ka?" Sagot ko at inirapan niya lang ako.

"Oo na, lilipat na nga ho ako diba?"
Sabi ko at nagsimula nang lumipat sa harap.

Wrong Guy | l.yngyngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon