Alexa's POV
Andito pa ako sa bahay ko. Ang tagal kasi nila Yang! Naiinip na ako dito! To be honest, alam kong matutuwa talaga si mamc! Super effort ba naman ng lover boy niya hihi! Kailan kaya ako makakaexperience ng ganito??
After 10 minutes, may bumusina na sa labas ng bahay namin kaya naman sumilip na ako agad at nakita kong kotse na nga ni Yang iyon. Kasama namin si Haechan, bali 2 kotse kami. Yung isa, sila Chenle nakasakay at may sariling driver! Alam mo naman sila Chenle medyoo mas nakaka-angat sa buhay ko yon! Charot!
"Haechan, ano yan?" Tanong ko sabay turo dun sa may cage siguro 'to kasi may takip!
"Hindi mo na kailangan malaman Alexa. This is exclusively for Joyce only!" Sagot naman ng gago. Babatukan ko na nga sana pero napigilan ako ni Yangyang.
"Sandra, wag."
Napailing na lang ako at inirapan si Haechan. Nakakainis! Nag-tatanong lang ehh. Nag-simula ng mag-drive si Yang at medyo namagitan ang katahimikan sa aming tatlo ng may nadinig akong tahol.
"Arf arf!" I squealed! Ang cute naman non!
"Omg! Haechan patingin!"
"Alexa! Mamaya na! Nandito na tayo!" Sagot naman ni Haechan at napasimangot naman ako.
"Aray! Bakit ka namimitik sa noo?" Hinihimas ko yung noo ko at masamang tinignan si Yang.
"Kasalanan mo 'to Hyuck pati sakin galit na rin si Sandra!"
"Ulol. Gora na kayo besh! Bilisan niyo!" Sigaw ni Haechan sa amin at itinaboy kami palabas.
Wala naman na kaming nagawa at napilitan na lang kaming kumabas. Pero hinanda muna namin yung tarpulin saka mga confetti chuchu na yun.
"Okay na?" Tanong naman ni Yang at nagsi-tanguan kami.
"HAPPY BIRTHDAAAYY JOYCE KIM!!" Sabay-sabay naming sigaw at napatakip siya ng bibig. Nag-ring naman ang phone ko at nakita kong si Floreane iyon at nagbi-video call.
Binigay ko kay Mamc yung phone ko at matapos nilang mag-usap ay medyo naiiyak na si Mamc!
"Hala! Dali umiiyak na siya! Group huggggg!!!" Sabi ni Renjun kaya naman nag-group hug na kami! Sana lagi kaming masaya na ganito!
Pumasok na kami sa bahay at napansin ni Tita na mugto ang mga mata ni mamc kaya naman nagtanong si tita tungkol dito.
"Hala nak, anyare sayo?"
"Nasorpresa po ata, HAHAHAHAHA!" Sagot ni Yang kaya nagtawanan kami at pinag-papalo naman siya ni Mamc!
Nag-kakainan naman kami at nagkukwentuhan. Nauna si Jeno.
"Guys, naalala niyo ba nung 2nd year highschool tayo?"
"Marami akong naalala sa highschool!" Sagot naman ni Yangyang.
"Naalala ko nun, si Yangyang, papunta cafeteria kami nun, tas nagkukwentuhan kami, eh hindi siya tumitingin sa daan! Kaya ayun, nauntog siya sa poste! AHAHAHAHAH!!!" Kwento ni Jeno sabay tawa kay napakamot ng ulo si Yangyang at binatukan si Jeno.
"Si Jeno nga din may kagagawan nung high school kami! Naalala ko non, si Jeno. Inaantok siya sa klase ni Ms. Becky! Ehh nagtatawag si Ma'am non, natawag siya. Sabog pa naman, tas napatayo siya at sinabi niya asan yung beki! AYUN NAGALIT SI MA'AM TAS ISANG LINGGO SIYANG NAGLINIS NG CAMPUS AHAHAHAHAH!!" Kwento naman ni Yangyang kaya natawa na naman kami at medyo napasimangot na lang si Jeno.
"Si Joyce din meron non." Sabi ni Chenle.
"Shhhh!!!" Sabi ni Joyce Mamc pero wala na siyang magagawa!
"Si Joyce non, foundation day non, ehh maraming booths. Tas nagpunta kami sa horror house, edi lakas pa ng loob niya non! Sabi niya pa huwag kayong matakot at nandito lang ako, pero nung pumasok na kami at may nang-gulat, nagulat din siya kaya nasapak niya yung tao! AHAHAHAHAH!" Tawa naming lahat dahil sa mga kahihiyan na nangyari.
Masasaya yung kwentuhan namin pero kitang-kita mo yung pagka-peke ng ngiti ni mamc. Don't worry, 20 minutes na lang ang hinihintay mamc.
Kaya naman nag-iinuman na kami. Katabi ko nga si Jeno ngayon dahil busy din naman si Yang at medyo naka-dalawang bote na ako ng soju.
"Alexa, alam mo ba?" Tanong ni Jeno.
"Ang-hIk ano? hik" Sabi ko dahil medyo nanlalabo na rin ang paningin ko.
"May gusto si Yangyang sa'yo." Sabi niya ngunit hindi ko naintindihan.
"Anong shinabi mow?" Sabi ko.
"Lasing ka na agad?" Tanong niya.
Maya-maya ay namatay na yung ilaw at ito na ang simula. Kaya nung bumalik yung ilaw, ay biglang nagkarock music so sayaw-sayaw ang lola niyo!
"Jeno! Shayaw tayo! Tawag ko kay Jeno pero hindi ko na alam kung si Jeno pa ba iyon.
"Jeno! Hoy shandali! Shino ka? Bitiwan mow nga ako!"
"Sandra, lasing ka na. Tara na."
"Bitiwan mo shabi akow ey!" Sabi ko at hinaglit ko ang kamay ko sa kamay niya.
"Sandra, makinig ka sakin. Lasing ka na kaya uuwi na tayo." Sabi niya pero wala akong pake.
Yangyang's POV
Tangina talaga! Si Sandra lasing kaya hindi ko mapigilang mag-alala! Wala akong nagawa at binuhat ko na lang siya sa balikat ko pero pinag-papapalo niya yung likod ko pero wala akong pake!
Iuuwi ko muna siya sa amin. Kaya naman inihiga ko siya sa likod at agad-agad akong pumasok para mag-drive.
Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay namin. Wala naman sila Mom and Dad dito kasi nasa business trip yun. Kaya naman agad ko siyang pinasok sa kwarto ko at inihiga sa kama ko.
Pero tumayo ang gaga!
"Hoy! Ikaw! Wait lang! Ang dami mow! Isha, dalawa, tatlow! Shandali!" Sigaw niya at medyo napapout.
Cute—wait, Yang. Did you just call her cute? No way!
Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan kaya naman humakbang ako paatras. Hanggang sa naramdaman ko ang pader sa likod ko. Iniikot ko siya kaya naman siya na ang nasa pader ngayon.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa gilid niya para wala siyang takas.
"Why do you need to make me feel this? Damn you Sandra. Hindi kita titigilan."
"Ano bang shinashabi mo Jeno?" Sabi niya.
"Ano ba! Tumabwi ka nga!" Sabi niya pero idinikit ko na ang mga siko ko sa gilid niya para mas malapit. At unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Konti na lang at dadampi na ang labi ko sa labi niya pero bago pa kami mag-kiss ay bigla akong nakaramdam ng init at nakita kong sumuka na pala siya sa damit ko.
"What the hell Sandra! Mahal pa 'tong sinukahan mo!" Sabi ko pero napansin kong mahihimatay na siya kaya agad ko siyang binuhat pabalik sa kama. Pabibihisan ko na lang ito kila Manang. Makapagshower nga!
1080 words for you mamc hihihi METEORIGHTS
BINABASA MO ANG
Wrong Guy | l.yngyng
Romance[ NCT EPISTOLARY SERIES #6 ] A Liu Yangyang ff In which a girl mistaken a boy from someone else. "Bastos ka! Akala mo hindi kita mahahabol!" "Huh? Kakapasok ko lang." "Ayy sorry, may kamukha ka kasi." Started: 5/10/19 Ended: 5/25/19 BOOK 1 OF ONCE...