62 NR

260 6 28
                                    

(Yung vid sa taas ehh yung sa talent portion ni Yang and Alexa.)

Alexa's POV


"LADIES AND GENTLEMEN! MAKE SOME NOISEEEE!!" Naririnig kong sigaw ng emcee sa mga audience pero mas naririnig ko talaga yung boses nila Lucas saka Lele. Grabe talaga yung boses ng mga yon!

"So alam ko naman na exctied na talaga kayo dito sa susunod na program natin para sa Intramurals 20xx!!!! So hindi na natin patatagalin pa!"

"Handa na ba kayo?" Sigaw muli ng Emcee at mas lumakas ang sigawan ng mga tao.

Kinakabahan na nga ako ehh. Super kabado. Tapos naramdaman ko yung kamay ni Yang sa kamay ko. Pinagsaklob niya ang mga daliri namin at ng tignan ko siya, ngumiti siya sa akin. At iyon ang dahilan kaya't kumalma ako ng konti.

"Andito na ang mga nag-gagandahan at nag-gagwapuhang muse and escorts ng bawat klase! MAKE SOME NOISE FOR CANDIDATES NO.1! Juliana Kim and Samuel Park!!!!" Sigaw ng emcee at lumabas na sila. Pang-number 4 kami ni Yang at kasunod lamang namin si Renjun at si Yuna.

Hanggang sa sunod-sunod na nga yung tinawag at kami na ang susunod.

"SIYEMPRE HINDI NAMAN MAGPAPAHULI ANG MGA ESTUDYANTE NI MS. DELOS SANTOS!!! MAKE SOME NOISE FOR CANDIDATE NO. 4, ALEXANDRA KIM AND LIU YANGYANG." Lumabas kami ni Yang at naririnig ko ang sobrang lakas na sigawan ng mga tao pero rinig na rinig namin sila Lucas at Chenle.

Kagaya nung pinractice namin, rarampa kami hanggang sa gitna, tapos hahapitin ni Yang yung baywang ko at hahalikan ako sa noo. Nung matapos iyon ay mas grabe pa ang sigawan ng mga tao. Para bang aalog na yung buong gymnasium namin. Tapos may nakita pa akong banner na hawak si Lele and Luca na may nakalagay na 'Sandra and Yang nation, RISE!!' Parang mga baliw talaga ito. Pero siyempre, may pakilala chuchu muna ganon.

"Hi! I'm Alexandra Kim! At ako ay naniniwala sa kasabihang, kung hindi man ako para sa kan'ya, kawawa naman siya!" Sabi ko at biglang nagtawanan yung mga tao pati yung judges.

"De joke lang. eto na talaga. I believe in the saying that Elegance, is the only beauty that never fades. And I thank you!!" Sabi ko at lumakas na naman ang sigawan lalo na sila Lucas at Lele.

Sumunod naman si Yangyang.
"Hi! I'm Liu Yangyang, at naniniwala ako sa kasabihang, hindi porket nag-text sayo, namimiss ka na. Hindi porket malambing sayo, gusto ka na. Hindi porket nagce-care sayo, mahal ka na. Pero kahit anuman ang sabihin nila, mahal kita Sandra." Sabi ni Yang at pinigilan kong kiligin sa sinabi niya.

"Pero take 2, hehe. I believed in the saying that Practice like you never won, perform like you never lost. And I, Thank you!" Pagkatapos noon ay unti-unti ding nagpakilala yung mga ibang candidates at bumalik na kami sa loob para magbihis kasi susunod na ang pagmomodel ng jersey namin.

After 10 minutes ay nagbabalik na kami hihi. Naglabasan na naman na pero this time, solo. Puro girls muna ang lumabas and hindi naman na kailangan iretouch ang make-up ko kasi hindi naman ganon kainit. Hanggang sa iyon, model-model and lola niyo diyan at grabe. Super supportive and nakakawala talaga ng kaba kasama si Yang. And thankful talaga ako kasi siya yung kapartner ko.

Natapos na ang pagmomodel namin ng jersey at kapag talaga turn namin ni Yang, mas lumalakas yung sigawan. Baka naman mamaya ehh magtampo na sila Renjun at Yuna niyan. Natatawa na lang talaga ako. AHAHAHA

Hanggang sa nagtalent portion na at ang pinractice namin ni Yang ay Serendipity ni Jimin ng BTS. Ang ganda kasi non ehh hihi.

(Click the vid above kung gusto niyo makita yung talent portion nila hihi.)

Agad-agad din naman kaming bumalik kasi after non, question and and answer portion na. Eto talaga yung pinaghandaan ko hehe. Nag-aral pa ako ng grammar, wag kayo. Charot! Yung suot naman namin is jersey ulit hihi.

Tinawag na nga ulit kami, at magkakatabi kami kasama ang mga partners namin. Unti-unti kaming tinawag at nung turn ko na ay pinabunot ako.

"Ms. Kim, kumusta?"

"Eto, medyo kabado pero keri yan!"

"Mabuti naman kung ganoon at ito na ang nabunot mong question!"

Nanatili ang katahimikan ilang sandali at muling nagsalita ang emcee.

"What are the traits should one possess in order to win as Miss Intrams?"

"Uhmmm, thank you for that wornderful question. Faith in God will be the first trait to win in any endeavor. Looking at Manny Pacquiao, the world's people's champ always does the sign of cross every time he enters the ring; and he has gone far because of this. The rest would be intelligence, beauty, and confidence to complete a real beauty queen, or as Miss Intramurals. And I, thank you!" Sagot ko at nagpalakpakan ang nga tao.

"The next is Mr. Liu Yangyang! Kumusta naman?"

"Okay lang po."

"Kabado ka ba?"

"Hindi po."

"Bakit?"

"Well, not to brag but I have self-confidence."

"Ayun naman pala. And now, ito ang question na nabunot mo Yang!"

"What is the essence of intramurals?"

Sandaling napatahimik si Yang at tumingin sa akin. "The best trait you can develop in it is sportsmanship. The ability to gain the respect of everybody, to win the hearts and accolades and be able to become a friend to everyone as you engage yourself in that particular sport, regardless of winning or losing the game. Thank youu."

Agad na bumalik si Yang sa gilid ko at hindi ko alam kung tatawa ba ako dahil same question lang ang nabunot ni Renjun at Yuna sa amin.

Nung tinanong na si Renjun ay napakamot na lang siya ng ulo. Ganon din si Yuna. Hindi ata sila prepared sa q&a jusko. AHAHAHAH!


may part 2 mga babies hihi

Wrong Guy | l.yngyngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon