56 NR

260 5 24
                                    

Alexa's POV

Nagising ako. Ang sakit ng ulo ko! Nakakainis! Ano bang nangyari kagabi? Naalala ko na lang na nag-uusap kami ni Jeno. Tas...tas sinabi ni Jeno na may gusto daw si Yangyang sa akin. Agad naman akong napabangon at naramdaman kong umiinit yung pisngi ko ng biglang may tumawa sa gilid.

Pagkatingin ko sa direksyon non ay nakita ko si Yang!

"Bakit mo ko tinatawanan?! Ha?! Ulupong ka!" Sabi ko.

"Ang cute mo naman magalit Sandra." Sabi niya.

Namula na naman ako.

"Ang cute mo naman kapag nagpipigil ng kilig. Baka mautot ka pa Sandra ha." Asar niya na naman.

Napatayo ako at pinagpapapalo siya at nagulat ako dahil napansin kong iba yung suot ko. Malaking tshirt saka yung shorts na Nike pero pambabae.

"HOY! ULUPONG! NASAN YUNH DAMIT KO?!" Sabi ko sabay kuha ng kumot at itinakip sa katawan ko.

"Don't worry, pinalaban ko kila manang." Hinto niya at dahan-dahang lumapit sa may tainga ko.

"Don't worry. I saw it all already." Bulong niya kaya itinulak ko siya sa higaan at pinilipit ko yung dalawang kamay niya.

"Yangyang bakit mo yun ginawa sakin?! OMG HINDI NA BA AKO VIRGIN?! BAKA PAPATAYIN AKO NI MAMA HUHU! HINDI PA AKO HANDANG MAGING BATANG INA HUHU!" Sabi ko at napabitaw ako kay Yangyang.

"Huy, Sandra. Joke lang yon! Si Manang ang nagpalit ng damit sayo! Hindi ko gagawin yung iniisip mo kasi nirerespeto kita bilang isang babae Sandra." Sabi niya at hinaplos-haplos yung buhok ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinis kaya napaiyak na lang ako.

Nagulat ako at kinuha niya yung dalawang kamay ko at hinalikan niya yung pisngi ko.

WAIT—

HINALIKAN NIYA YUNG PISNGI KO?!

OMYGASH!

"Wag ka nang umiyak diyan Sandra. Mag-shower ka na at mamaya ay magpapractice na tayo para sa intrams. Pagkatapos mong magshower bumaba ka na at kakain tayo okay?" Sabi niya at lumabas ng kwarto.

ALEXA, ANONG KAGAGAHAN ANG GINAWA MO KAGABI?!

Wrong Guy | l.yngyngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon