60 NR

242 5 21
                                    

Yangyang's POV

Ang tagal naman make-upan ni Sandra! Napakatagal ba ehh! Akala mo naman may igaganda pa siya! Sa katunayan nga, hindi naman na niya kailangan mag-make-up kasi araw-araw naman maganda na siya sa paningin ko. Haysss.

"Don't worry Yang. I'm sure Alexa is in good hands. Anyway, handa ka na ba?" Tankng sa akin ni Hyuck.

"Noon pa ako ready no!" Sabi ko at tinawanan lang ako ng ugok.

Papasok na nga kami ngayon kasi nakakainip na! Unti-unti munang binuksan ni Hyuck ang pinto at unang humarap si Joyce. Sunod niyang inikot ang inuupuan ni Sandra.

"What the—" iyon na lang ang nasabi ko kasi naspeechless ako at mas lalo pa siyang gumanda sa paningin ko.

"Naks Alexa, naging babae ah." Sabi ni Hyuck at tinaasan siya ng kamao ni Joyce at nagpeace sign lang siya pabalik.

"Pangit mo Sandra." Sinabi ko 'yun pero hindi naman talaga siya panget sa paningin ko.

"Aba'y gago to! Mas pangit ka ulupong!" Sigaw ni Sandra sa akin at tinawanan ko na lang siya.

"Oh ano Mamc? Okay na ba tayo? Ready ka na?" Tanong ni Joyce kay Sandra at tumango lamang ito. "Sige Mamc, iiwan na namin kayo ni Yang dito ah? Fighting heyadwae!!!" Sabi ni Joyce at lumabas na sila ni Hyuck.

"Yang, pangit ba talaga ako?" Medyo nasamid naman ako sa sinabi niya at inabutan niya ako ng tubig.

"Hindi ka naman talaga pangit. Naniniwala ka agad. Tss." Sabi ko ng pabulong.

"Am I not that pretty talaga Yang?" Sabi niya sabay pose.

"Tss. Oo na. Maganda ka na." Sabi ko.

"Sus. Napipilitan ka pa ata. Pero thank youu." Sabi niya sabay ngiti.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha niya.

"Sus. make-up ka pa, ehh maganda ka naman na." Bigla-bigla siyang namula kaya naman hinalikan ko siya sa noo.

Unti-unti akong lumapit sa tainga niya at bumulong.

"Huwag kang kabahan Sandra, remember lahat ng pinractice natin. Basta I will be observing you. Good luck sa atin. " Sabi ko at tinanggal ko na ang pagkakahawak ng kamay ko.

May kumatok naman na at nakita kong isa ito sa mga crew dito sa event.

"Muse and Escort ng class ni Ms. Delos Santos. Mag-ready na kayo at mag-sisimula na tayo in 30 minutes. Good luck." Sabi niya at agad na isinara ang pinto.

Wrong Guy | l.yngyngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon