Yangyang's POV
Ang tagal naman ni Sandra. Hindi ko talaga siya maiwan mag-isa. Baka mamaya lumapit si Yeonjun sa kanya! Kaya naman tumakbo ako agad at agad na inabangan si Sandra sa labas ng room nila.
"Sandra, sabay na tayo." Narinig kong sabi ni Yeonjun kay Sandra.
Hindi ko alam pero nag-igting ang bagang ko at hindi ko na namalayan na lumapit na ako sa kanila.
"Babe, diba sabi ko sayo ako lang tatawag ng Sandra sayo?" Sabi ko sabay akbay kay Sandra.
Napansin ko namang nanlaki ang mga mata niya at tinignan ako.
"A-alexa, if you don't mind. Boyfriend mo ba siya?" Tanong ni Yeonjun.
"Hi—"
"Oo. Boyfriend niya ako kaya wag na wag kang magkakamaling agawin siya sakin!" Sabi ko at agad na tumakbo si Yeonjun.
Tinignan naman ako ni Sandra ng masama at inakbayan ko parin siya hanggang sa makarating kami sa cafeteria.
Agad akong umupo sa pwesto namin ni Sandra at nag-antay. Tumayo ako.
"Ako na ang oorder." Sabi ko pero hindi ako pinansin ni Sandra
Napansin kong may tinitignan siya at nakatingin siya kay Joyce at Mark na sabay pumasok. Agad naman akong tumingin kay Haechan at hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang siya tumingin kila Joyce. Nagseselos ba siya kasi si Joyce ang kasama ni Mark? Bakla naman yun kaya posibleng nagseselos siya kay Mark.
Pumila na ako at mabilis naman ang pila ngayon.
"Oh kain na." Sabi ko kay Sandra pero mukhang wala siyang gana.
"Yang, everytime talaga na lalapit si Yeonjun kailangan ganon ka?"
Napakurap naman ako sa tanong niya.
"I don't care but you're being rude Yang! Wala namang ginagawa yung tao na masama tas gaganyan-ganyan ka? What is your problem?"
Napatahimik ako. Mukhang nagalit na talaga siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Wrong Guy | l.yngyng
Romance[ NCT EPISTOLARY SERIES #6 ] A Liu Yangyang ff In which a girl mistaken a boy from someone else. "Bastos ka! Akala mo hindi kita mahahabol!" "Huh? Kakapasok ko lang." "Ayy sorry, may kamukha ka kasi." Started: 5/10/19 Ended: 5/25/19 BOOK 1 OF ONCE...