F L A S H B A C K
1 day before the IntramuralsAlexa's POV
"So bali ang gagawin ninyo ni Yang, bali sabay kayo maglalakad kapag tinawag yung section niyo okay? Ang gagawin mo Yang, lakad nga kayo." Sabi ng trainer namin at naglakad naman na kami.
"Habang naglalakad Yang, hawak mo yung kamay ni Alexa. Tapos kapg nasa gitna na kayo ay hahawak ka sa baywang niya at hahapitin siya palapit sayo. Okay? Pampkilig factor din kasi yon. Tapos sabay halik sa noo ni Alexa. Wala ka namang angal diba Alexa?" Tanong ng trainer namin. Wala naman na akong magagawa na dahil iyon ang gusto ng trainer namin.
Muli naman naming pinapractice ang pagrampa. Para sa talent namin, siyempre bukas na! Joke! Basta! Tapos may question and answer din kasi ata. Pero yakang-yaka ng powers ko to!
"Break muna tayo guys." Sabi ng trainer namin at minessage ko si Mamc na pumunta sila dito ni Hyuck.
Inantay ko muna siyang magreply saka pumunta sa kusina ni Yangyang para kumuha ng tubig. Akala mo bahay ko no? Pero wala akong pake! Mainit kasi!
"Halika nga, mag-usak tayo." Sabi niya at naka-ilang lagok lang ako ng tubig dahil agad niyang kinuha yung basonat inilapg ito sa lamesa sabay hila sa akin malapit sa entrance ng bahay nila.
Inilagay niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko na naman! Ano na naman bang problema nitong lalaki ito?!
"Yang, nauuhaw pa ako. Please lang tumabi ka." Sabi ko at binigyan siya ng nakakamatay na tingin.
"A.YO.KO. Sandra, hindi ka ba talaga pwedeng magpalda ng mahaba or magpants bukas?" Sabi niya at nakita kong may halong pag-aalala ang mga mata niya.
"Yang, pageant yun. Hindi pwedeng magpants dun or palda. Baka mamaya katawa-tawa ako non no." Sabi ko.
"But—"
"No buts Yang. The descision is final. Kailangan kong magshorts." Sabi ko.
Bumuntong hininga naman siya.
"But, ayokong may makakakita sa legs mo. Baka mabastos ka. Ako lang dapat ang makakakita niyan. I might make those guys see stars if they do look at your legs." Sabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin or magalit.
Ilang sandali, katahimikan lang ang namagitan sa aming dalawa. Nagsusukatan kami ng tingin. Nang biglang bumukas ang pinto at nakita kong si Mamc pala iyon at si Hyuck. Nagulat naman sila at agad akong umalis sa pagkakatrap ni Yang sa akin at lumapit kay Mamc.
"Mamc!" Sabi ko sabay lapit sa kanya. Nginisihan niya ako pero pinandilatan ko lang siya ng mata.
"Mukhang nakakaistorbo kami sa inyo ahh." Pang-aalaska pa ni Hyuck sa amin ni Yang.
"Mama mo istorbo. Anong ginagawa niyo dito?" May pakamot-kamot pa siya ng ulo! Bwiset siya!
"Pinapunta ko sila."
"Ha?! Hindi mo man lang ako sinabihan!" Sabi niya.
"Ano naman ngayon kung hindi?!" Sagot ko rin sa kanya.
"Bahay ko to, Sandra. I make the rules."
Nakakainis talaga siya ha! Kanina pa siya! Hindi ko talaga alam kung anong problema ng ulupong na to!
Babatukan ko na sana siya ng awatin kami ni Mamc at Hyuck.
"Oh eto, palamig muna kayo." Sabi ni Hyuck sa amin sabay abot ng milktea. Tinignan ko ng masama si Yang at sabay hablot nung milktea saka yung straw. Sa garden na lang ako! Bahala siya diyan! Manigas ka sanang ulupong ka! Bwiset!
BINABASA MO ANG
Wrong Guy | l.yngyng
Romans[ NCT EPISTOLARY SERIES #6 ] A Liu Yangyang ff In which a girl mistaken a boy from someone else. "Bastos ka! Akala mo hindi kita mahahabol!" "Huh? Kakapasok ko lang." "Ayy sorry, may kamukha ka kasi." Started: 5/10/19 Ended: 5/25/19 BOOK 1 OF ONCE...