Kabanata 31

22 3 5
                                    

Sa Duyan

Kabanata 31

"Aray! Ano ba?!" Iniwas niya ang braso niya sa akin at hinarap ako. Napanguso ako sa bayolenteng reaksyon niya. Nang magsalubong ang kilay niya ay lumayo ako at binelatan siya.

"Sungit!" Tumalikod ako at nagpadyak palayo.

"O-Oy!" narinig ko ang natataranta niyang pagsuot ng tsinelas at paghabol sa akin. Napangisi ako habang papasok ng bahay nila.

Biglaan akong huminto at umikot. Napahinto at napaatras din tuloy siya dahil sa lapit namin.

"Ano?!" Balik kong sigaw.

"Anong 'ano' ka diyan?! Ikaw nangungurot diyan, eh!" Lumapit siya sa akin at dahil sa inis ay humakbang din ako papalapit. Mas matangkad siya nang kaunti sa akin kaya bahagya akong nakatingala

"Kanina pa kasi kita tinatawag, hindi mo ako pinapansin!" sigaw ko sa mukha niya.

Ito laway ko para sa kasungitan mo!

"Eto na, pinapansin na kita! Bakit ba?" Humina na ang boses niya sa huling sinabi. Hinapit niya ang siko ko pero nilayo ko iyon sa kanya.

"Hoy, ang liliit niyo pero ang iingay ninyo." Napalingon kami nang sabay sa pinanggalingan ng boses. Tinagilid ko ang ulo ko nang masilayan ang isang mas matangkad na lalaki kaysa sa kanya pero bata rin kagaya namin.

"Tsk. Doon ka na nga, Chase," pagsusungit na naman ng katabi ko.

Nilingon kong muli si Forest at hindi na mapigilan ang pagkirot ng puso. Napanguso ako at wala sa sariling humikbi. Ang mabababaw kong luha ay lumabas na. Halata sa itsura niya ang pagkakataranta at bigla niya na lang ako niyugyog habang humahagulgol ako.

"B-Bakit ka umiiyak?! Huwag ka nga umiyak!" Patuloy niyang pagyugyog sa akin. Inangat ko ang kamay ko para mapalis ang mga luha pero nauna na niyang punasan ang pisngi ko gamit ang palad niya.

"U-Uy, Sinclair." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, wala nang pakielam sa kung ano pang sabihin niya.

"Kyle..." Nang tawagin siya ng lalaki ay napalingon din ako.

Bahagya akong kumalma pero patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa mukha ko. Sunod-sunod na singhap ng hangin ang aking ginawa. Inabot ni Forest ang isa kong kamay at pinagsalikop ang aming daliri.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko bago ulit sumigaw at pumadyak ng isang beses. "Ikaw kasi kuya, eh!"

With blurry eyes, I saw the boy's face crumple into a frown.

"Hala, anong ako? Kayo diyan nagsisigawan kanina!" nalilitong sagot ng Kuya.

Oo nga, bakit siya? Nandadamay pa 'to!

Hinampas-hampas ko ang braso ni Forest gamit ang bakante kong kamay. Hinila ko ang isa paalis sa hawak niya pero humigpit pa lalo ang pagkapit niya roon.

"Ano ba kasi?!"

His voice boomed making me stop. Kung kanina naaasar lang siya, ngayon sigurado akong galit na talaga siya. I exhaled shakily and my arms turned weak.

Naramdaman niya iyon. Lumambot ang kanyang ekspresyon but the frustration was still evident.

Ipinantay niya ang tingin namin pero agad kong iniwas. Ang isang patak mula sa aking mata ay pinalis niya. I looked at both of our feet with a pout. Bahagyang nahihirapan pa rin ako sa paghinga.

Dream Chaser [Chaser Trilogy Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon