Kabanata 42

29 3 0
                                    

Ang Titigan

Kabanata 42


"What if... he is the one who needs chasing?"

Ang mga katagang iyon ang iniwan ni Ethan isang lingo nang nakakalipas. I only responded with a frown because of his notion.

It was already an unspoken rule for us to not talk about his cousin, Kyle Forest M. Romero.

Saka niya lang siya ulit nabanggit.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong.

Umiling lamang siya habang sinusuot ang coat niya.

"Ethan," I called sternly. That made him look at me. He sighed before walking closer to me. Like how he always does, he placed his hand on my head.

"Wala. Huwag mo na pansinin iyong sinabi ko," aniya.

Aalma pa sana ako pero tinakpan niya na ng isang palad ang bibig ko.

"Magsasabi ka ng ganyan tapos hindi ka magpapaliwanag," I mumbled in his hand. It made my words incomprehensible, even to me.

"Ha?" pang-aasar niya.

Hinampas ko siya, dahilan para matanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa akin.

"Nagiging bayolente ka na, Prinsesa!" pang-uungas niyang lalo.

Kinuha ko ang mga paintings na nabalot ko na nang maayos at inabot sa kanya.

"Umuwi ka na nga!" pigil-tawa kong sabi. Ang isa ay hinawakan niya at ang dalawa naman ay isiningit ko nang maayos sa mga braso niya.

"Huwag mo iipitin," bilin ko.

"Yes, ma'am," nakangisi niyang sagot. My lips curved with annoyance to which he just laughed at.

Nasa bukana na siya ng pinto at papalabas na nang muli siyang humarap sa akin. "Thank you sa food," pamamaalam ko sa kanya.

"I like all versions of you, " nakangiti niyang sabi. Ginapangan ako ng kahihiyan dahil sa bigla niyang sinabi. Naramdaman ko ang paggapang ng init paakyat sa aking mukha.

Nakatingala ako sa kanya na laglag ang panga bago nauutal na sumagot.

"T-Thank you... Dahil iyon sa inyo–the... good changes."

Napangiti siya na labas ang ngipin kaya iniwas ko ang mukha ko. Seemingly satisfied with my reaction, tuluyan na siyang lumabas ng unit ko.

"Sa susunod," pamamaalam niya.

"Bye."

Pinanood ko siyang dire-diretsong naglakad papunta sa elevator. Alam kong hindi naman na siya lilingon kaya sinarado ko na ang pinto.

Napasandal ako roon at napahawak sa dibdib, naaalala ang sinabi niya.

What if he is the one who needs chasing?

After all these years? Saka ko pa ba siya hahabulin?

Iba talaga mag-isip ang magpinsan na ito.

I know that they both keep in contact, but in the first year that Kyle went away, I always expected him to be the one to initiate an explanation–to call me or just leave a message for me.

May ilang pagkakataon na nasa bahay si Ethan at kausap niya sa telepono si Kyle. Agad na lumalabas si Tan-tan o hindi kaya ay papatayin ang tawag. Patay-malisya akong kakausapin kahit na alam ko naman na kung sinong nasa kabilang linya.

Dream Chaser [Chaser Trilogy Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon