Kabanata 48

20 3 6
                                    

Ang Bitiwan

Kabanata 48

Hindi ko alam paano ako napunta sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. My head was already too preoccupied with the things that have happened in the past days and now this?

Gulantang na nakatayo si Ethan at Kuya Aiden sa hamba ng dining area namin. Sabay silang pumasok at sabay ring nagulat nang masilayan ang set-up sa la mesa.

Nakaupo si Kyle sa tapat ko, napapagitnaan ni Mommy at Tita Gwen. Si Mommy ay nakaupo sa gilid ni Daddy na nasa kabisera naman. Si Tito Keihl ay nasa tabi ng asawa.

Clarizza is situated beside me, katapat ni Tita Gwen. Ang upuan sa tabi ko at tabi ni Clarz ay parehong bakante.

Naupo ako sa karaniwang pwesto ko kapag sumasama si Aiden at Ethan sa pagkain namin dito sa bahay noon. Madalas si Kuya makipag-usap kay Daddy tungkol sa trabaho at korporasyon ng pamilya kaya sila ang magkatabi. Ang inuupuan naman ni Clarizza ang karaniwang pwesto ni Tan-tan.

Ngayon, pinagsisihan kong dito ako naupo sa tapat mismo ng lalaking ayaw kong makita. Sinadya niyang sa harap ko talaga siya pero hindi ko naman siya nililingon.

Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang boses ng dalawa pagkapasok pa lang nila sa bahay. The urge to puke everything in my empty stomach got worse.

Nanginginig ang labi kong bumaling sa kanila.

Kuya Aiden's eyes immediately found mine before he stopped moving completely. Ako kasi ang unang makikita kapag nasa hamba.

He slowly scanned the room. May sinasabi si Ethan sa kanya pero natigil din si Ethan nang matulala si Kuya sa amin.

Kung tensyunado na ang buong kwarto kanina, mas lalo lang naging tensyunado nang dumating sila. I can feel just from Clarizza's movement every now and then that she is tensed too.

"Wha–" Naguguluhang nilipat-lipat ni Tan-tan ang tingin sa mga kamag-anak niya at sa amin ni Clarizza.

I am a bit relieved that of all circumstances, ngayon sila nagkasabay ni Aiden dumating. I do not think I could handle it if they arrived separately.

Tumayo si Daddy at nilapitan ang dalawa.

May ibinulong siya sa kanila. Dad's voice was too soft for any of us to hear. Namumula ang mga mata ni Ethan habang tinititigan ang likod ng kanyang pinsan. Si Aiden naman ay seryosong nakatingin sa akin. I pursed my lips and softened my tense expression as I stared back at him.

Kuya nodded to Daddy without removing his eyes from me.

Dad patted Kuya Aiden's shoulder before letting him pass through. May sinabi pa siya kay Ethan.

Seryosong dumiretso si Aiden sa tabi ko.

Nang maupo siya ay inabot ko ang nanginginig at pawisan kong kamay sa kanya. Kinuha niya iyon.

Sinilip ko sa ilalim ng aking mga pilik-mata ang lalaking nasa tapat ko. He was looking in the direction where Kuya's and my hand are under the table. His face was unreadable.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at muntik magtama ang tingin namin kung hindi ko iniwas ang akin. Pinili kong panoorin si Daddy maupo.

A pat on my head made me whimper. The gesture is so familiar and warm.

I twisted my head to find Ethan walking past me. Tinanggal niya ang kamay niya sa ulo ko at tumabi na kay Clarizza.

My eyes transferred to Clarz who was immediately holding Ethan's arm in worry as he sat down beside her. May ibinulong siya kay Ethan at si Tan ay hindi mapakaling ibinulong din ang sagot sa tanong ni Clarizza.

Dream Chaser [Chaser Trilogy Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon