This is the last chapter of Dream Chaser. It took me a long time to write this story. Thank you to those who pushed me to write this first story of mine. I strive to learn and be better at every word I write. Mayroon pang 'Wakas' pagkatapos ng kabanatang ito. Iyon ay nakasulat sa POV ni Forest. Salamat sa pagbabasa.
------------------------------
Sa Loob ng Isip
Kabanata 50
"I-I better go." Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Tatayo na sana ako paatras habang may kumot pang nakabalot sa hita ko kaso hinigit ni Kyle ang braso ko.
Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya. Mula sa kamay niya ay nilipat ko ang tingin sa kanya.
Nakatukod ang kabila niyang braso sa kama, binabalanse ang katawan niya sa pag-angat dahil sa pagpigil sa akin. Mulat na mulat siya kahit namumula ang kanyang mga mata at kahit na kagigising niya lamang. His broad chest underneath his shirt was falling and rising rapidly.
Was his dream... that bad?
"Sinclair," tawag niya ulit.
Ilang tikwas ng buhok ko ang dumapo sa aking mukha. I realized just how short his hair is because it did not look as unruly as it was before.
Bigla akong nakaramdam ng lamig pero kahit bago pa iyon, ay nanigas na talaga ako dahil sa pagkakahawak niya.
I pursed my lips into a grim line and furrowed my eyebrows. Ang titig niyang nakakapukaw ng mga emosyong matagal ko nang itinatago ay iniwasan ko ng tingin. Nang gawin ko iyon ay binitiwan niya ako.
Kyle exhaled violently before letting me go and sitting up.
Hinila ko palapit sa katawan ko ang kumot para maibsan ang lamig na nararamdaman. Sumulyap siya sa ginawa ko. Inangat ko ang tingin ko at binawi niya ang kanya.
He rubbed his face with his hand. Dumapo ang mata ko sa kamay niyang nanginginig.
May kung anong humaplos sa dibdib ko. Gusto ko siyang hawakan at tulungan.
He looks familiar to me. He looks like I was when I used to have my nightmares–when I do not have anyone beside me. When I cannot even call on anyone for help because it is all in my head.
Napatitig ako sa bilis ng kanyang kilos. Tumayo siya at mabilis na nagsuot ng tsinelas nang hindi ako tinitignan.
"I am sorry," he uttered under his breath.
Umikot siya hanggang sa matagpuan ang kanyang cellphone. Pinindot ito para bumukas at napamura.
I unconsciously wrapped the blanket tighter around me. My hands were already on my chest as I gripped the fabric.
Napansin niya iyon at natigil sa natatarantang paggalaw. Kumurap siya nang ilang beses bago lumunok habang pinaiigting ang panga.
He closed his eyes and pinched the bridge of his nose, tila ba namomorblema. He hissed something under his breath bago ako tinignang muli.
"Matulog ka pa," hirap niyang sabi.
Tinalikuran niya ako at dire-diretsong tinahak ang pintuan palabas ng kwarto.
"W-Where..." Huminto siya sa paghakbang. "...am I?"
"I-In my condo," matigas niyang sagot.
"Bakit dito niyo ako dinala? And, and, why were we–"
He pulled on his shirt's neckline with his left hand while standing still.
"I-I laid you down... and fell asleep without realizing it."
BINABASA MO ANG
Dream Chaser [Chaser Trilogy Book 1]
General FictionSophia Sinclair Estrella is suffering from a rare condition in which she dreams of the same dream every day for years now. Isolating herself and focusing on art has become her refuge ever since the incident that happened to her - an event her parent...