Kabanata 43

20 2 3
                                    

Ang May-ari

Kabanata 43


"Tan, kasi... please answer my question," pangungulit ko habang naglalakad kami pabalik sa studio. I shook Ethan's arm, but he is too strong to even budge.

Binelatan niya ako kaya napanguso ako.

Dumapo ang tingin ko kay Clarizza na mag-isang kumakain sa la mesang para sa aming tatlo. Umiwas siya ng tingin sa akin at nagsubo na ng pagkain. Nahanda na rin ang para sa amin ni Tan-tan.

Umupo ako sa tabi ni Clarizza samantalang naupo naman si Ethan sa harapan ko. Nanatiling nakayuko si Clarz at seryosong kumakain. She then began scrolling through her phone.

Nagkatinginan kami ni Tan kaya naman sinenyasan ko siya. Sinulyapan niya si Clarz. He frowned but did nothing else.

"Pray," mahinang utos niya.

"Ikaw na," sabi ko sabay pikit ng mata. He sighed but then prayed for the food.

Pagkamulat ko ay tumayo na si Clarizza, buhat-buhat ang plato na wala nang gaanong laman.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya pabalik at saglit na sinilip ang lalaking katapat ko bago ibinalik sa akin ang mga mata.

"Y-Yeah. Retouch na rin ako." Mabilis siyang tumalikod. Ang kulot niyang buhok na abot hanggang beywang ay sumabay ng galaw sa paglalakad niya. I nodded and proceeded eating.

Ilang minuto ang lumipas na hindi sumusubo si Ethan at pinaglalaruan lang ang laman ng plato niya. "Ayos ka lang?" tanong ko.

Inayos niya bigla ang pag-upo at sumubo na ng pagkain. "Yeah," he mumbled with his suddenly full mouth.

I shook my head, not believing what he said. Kitang-kita sa mga mata niya ang hindi kasiguraduhan at pangamba.

"Go talk to her," I uttered. His lips went into a grim line, thinking about it. Nilibot niya ang kanyang tingin sa studio at nang mahanap ang pinupuntirya ay tumayo siya.

I stayed on our table and enjoyed the rest of my meal.

I heard him asking Clarizza if they could talk. Hindi ko na sila pinakielaman at nagpatuloy na sa pagnguya.

Papabalik sa café ay ako naman ang nasa backseat. Tahimik ang dalawa sa harapan ko pero minsan ay tumatama ang tingin namin ni Ethan sa rearview mirror. Tinataasan ko siya ng kilay atsabay susulyap kay Clarizza. Ang isa kong kaibigan ay nakatuon lamang sa labas ng bintana ang atensyon.

I wonder what happened at bakit parang sobrang tahimik ni Clarizza. Pagtapos nila mag-usap ay puro tango na lang ang sagot nito sa mga tao sa paligid at wala nang sinasabi.

"Maiwan ko na kayo," pamamaalam ko, "Ingat!"

Clarizza lifted her hand for goodbye as Ethan drove away.

I will leave those two to figure out their relationship. Alam ko naman na, kahit hindi sabihin ni Clarizza, nagseselos siya sa amin ni Ethan. Ang hindi niya alam, ang matalik kong kaibigan ay hulog na hulog na sa kanya.

Gusto ko mang malaman kung anong pinag-usapan nila kanina, alam kong nasa sa kanilang dalawa na lang ang usapang iyon.

Papasok na dapat ako sa sasakyan ko kaya lang pumasok sa isip ko ang iced chocolate. Wala rin naman akong nainom kanina dito dahil agaran kaming umalis nang dumating ako.

Binuksan ko ang glass door ng café at pumasok. Saktong nag-ring ang cellphone ko kaya hinalughog ko ang bag habang naglalakad papuntang pila sa counter para roon.

Dream Chaser [Chaser Trilogy Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon