Chapter Two

38 5 1
                                    

What the hell did I just saw?

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad-agad na umalis palayo sa lugar na yun. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Bukod sa kahihiyan ay may halong pandidiri ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nakakasuklam!

Dali-dali akong naglakad papunta sa parking lot. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggal sa isip ko ang nasaksihan ko kanina. Nakaupo si Damon sa upuan ko habang nakapatong sa kanya si Grace, ang secretary ng student council, at naghahalikan silang dalawa! Who they think they are to do obnoxious things inside my office? And on my chair? Seriously?

I gritted my teeth. Kailangan ko na ng bagong upuan. There's no freaking way that I would still seat on that freaking chair. Gross!

Buong gabing sumasagi utak ko ang pangyayari kanina pero pinilit kong huwag isipin yun. Instead, pinagtuunan ko na lang ang pagrereview sa mga dapat kong i-ireview at ang paggawa ng mga assignments. Narealize ko na wala namang patutunguhan kung patuloy kong iisipin 'yun' dahil wala naman akong makukuhang pakinabang doon. Actually, they can make out and I don't give a damn about that except if it's in my office or in the campus.

Pinag-iisipan ko kung kakausapin ko pa ba si Grace tungkol dito pero napagdesisyunan kong wag na. Pakiramdam ko ay magiging awkward lang sa pagitan naming dalawa na pag-usapan yun.

Kinabukasan, maaga akong naghanda para pumasok as usual.

"Tori, huwag mong kakalimutan na dumaan sa office ni Mrs. Castro ha." My mother reminded me for the fiftieth time.

"Opo, mom. Idadaan ko 'to sa kanya by lunch."

Mommy made cookies last night. Ang sobra doon ay gusto niyang ibigay ko kay Mrs. Castro. Hindi ko alam kung sadyang close sila para bigyan siya ni mommy ng mga cookies o sinusuhulan niya ang principal ng school namin.

Mommy smiled. Hinalikan ko siya sa pisngi at ganun din ang ginawa ko kay daddy. Nagpaalam ako sa kanila, dala-dala ang cookies na pinapabigay ni mommy, at dumiretso na sa kotse.

The drive to school is a bliss. Buong biyahe ay napupunta ang utak ko kay Damon na kahalikan si Grace kahit ilang beses ko iyong alisin. I wonder kung matagal na ba silang magka-relasyon. Well, siguro nga, considering na kaka-transfer palang ni Damon. It's not possible that they just met each other and decided to make out.

Ni hindi ko namalayan na nasa school na pala ako.

"Good morning, class." Miss Rimando, our English teacher, greeted.

Umayos ako ng upo at nilabas ang textbook ko mula sa bag ko. Hinanda ko na din ang notebook ko para sa mga notes na kailangan kong isulat.

"Our lesson for today would be—"

Naputol ang sasabihin ni Miss Rimando nang marahas na bumukas ang pintuan. Lahat ng atensyon ay nabaling doon.

Awtomatikong natigilan ako nang makita ko si Damon na nasa pintuan. Gusot nanaman ang polo na suot niya at nakasukbit ang bag niya sa kanang braso niya. Magulo din ang buhok niya na mukhang galing lang sa isang tulog.

Bakit parang hindi na ako nagulat na late siya?

"Oh. Ikaw siguro yung transferee. Please introduce yourself." Kahit hindi halata, naramdaman ko ang pagka-inis sa boses ni Miss Rimando dahil sa pag-antala ni Damon sa klase niya.

Damon sighed. "I am Damon. Damon Salazar." He said in a very lazy tone.

"Okay. You may now take a seat, Damon."

A Boy Named DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon