Chapter Seven

17 1 0
                                    

"What?"

Anong nangyayari? Bakit andito ulit si Damon? Atsaka teka, anong pinagsasabi niya?

He rolled his eyes. "Huwag kang tumunganga lang diyan. We need to finish this shit before Monday so we should make a fucking progress now." He said, emphasizing the word "we".

"What happened to you? Bakit bigla ka na lang nagka-interes sa research natin, eh wala ka namang pakialam kanina. You even walked out on me."

He let out a sigh. Mukha siyang iritado. "Stop talking and just focus on our fucking research."

Nasa kalagitnaan ako ng pagkalito nang biglang tumikhim si Troy. Masyado akong naguguluhan kay Damon at hindi ko napansin na andito pa pala si Troy. Mukhang gaya ko ay nawwiweirduhan din siya sa kinikilos ni Damon. I can't blame him.

"Uh, I didn't know that you have a boyfriend." Troy awkwardly said.

Agad akong napailing. "No! Hindi ko siya boyfriend. Partners lang kami para sa research namin."

What made him think that Damon is my boyfriend? Ugali ba ng isang matinong boyfriend ang magmura ng magmura?

"Talaga?" He said. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng relief sa boses niya.

Marahan akong tumango. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na 'to.

"Victoria, ano pang tinutunganga mo diyan? Ako na lang ba dapat ang palaging gumagawa?" Biglang sumingit si Damon.

Damon is acting really weird. Ang kapal talaga ng mukha niya para sabihing siya ang palaging gumagawa samantalang ngayon lang naman siya nagsimula.

Tinaasan ko siya ng kilay. "For your information, I am the one who finished a page on that research."

Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman ay ginantihan ko din siya ng masamang tingin. Akala ba niya magpapatalo ako sa kanya?

"Tori?"

Pinutol ko ang masamang tinginan namin ni Damon at hinarap si Troy. Nawala nanaman sa isip ko na andito pala siya. Nakakahiya na nakikita niya akong parang bata na nakikipag-away kay Damon. Maybe he thinks that I'm immature and childish by the way that I'm acting right now.

God Tori, fix yourself!

"Yes?" I tried to smile at him.

He looks uncomfortable. "Kung gusto mo, pwede kitang tulungan diyan sa assignment niyo."

Napakunot ang noo ko. "This is about electromagnetic spectrum. I'm not quite sure if you know something about this." Nag-aalangan kong saad. "No offense."

He chuckled. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa dimple niya.

"I joined a lot of quiz bee when I was in junior high. In the field of science, specifically. So yes, I am familiar with that topic."

Nanlaki ang mga mata ko. Wala sa itsura niya na sumasali pala siya ng mga contests noon gaya ng ginagawa ko. Kung ganun, malaking tulong nga talaga siya sa assignment namin.

Mas lumawak ang ngiti ko. "Really? That's grea—"

Natigil ako sa pagsasalita nang marahas na sinara ni Damon ang isa sa mga textbooks na umagaw sa atensyon naming dalawa ni Troy. Ano ba talagang problema ng lalaking 'to?

"We don't need your fucking help, Jimmy Neutron. Pwede ka nang umalis." Inis na saad ni Damon.

Sumimangot si Troy. "It's Troy, not Jimmy Neutron."

Damon rolled his eyes. "Whatever, Jimmy Neutron."

Who the hell is Jimmy Neutron?

Hindi sumagot si Troy ngunit masama ang mga tingin na binibigay nito kay Damon.

A Boy Named DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon