Ni minsan ay hindi sumagi sa utak ko na nagtatrabaho si Damon. Mukha naman kasi siyang may kaya sa buhay at parang natutugunan lahat ng pangangailangan niya. The way he walks, talks, and look at others is really intimidating and has a pride in it.
Kaya siguro ay palagi siyang natutulog tuwing klase? Dahil pagod siya sa trabaho niya? Baka nga.
Somehow, my hatred towards him suddenly decreased.
I glanced at Damon for the fourth time now. He was serving foods on the other table. Paminsan-minsan din ay siya ang naglilinis sa mga mesa na tapos nang gamitin ng mga customers. Ni minsan ay hindi siya tumingin sa direksyon namin ni Troy.
"I didn't know that he was working here."
Napatingin ako kay Troy nang mag-salita siya. He was also looking at Damon.
"Mabuti na lang at tayo ang nakakita sa kaniya. Nakakahiya kung ibang estudyante ang makakita dahil tiyak na pagtatawanan yan."
Bahagyang napakunot ang noo ko sa komento ni Troy. Wala naman akong nakikitang nakakahiya sa ginagawa ni Damon.
"Bakit naman siya pagtatawanan?"
Bumaling ang tingin niya sa akin. "Because he was already working at a young age. Mahirap siguro ang pamilya niya kaya pati siya ay nagtatrabaho na din."
"But there's nothing wrong with that. Kung ganun nga ang sitwasyon niya ay dapat ngang hinahangaan siya. He was working to provide for his needs."
"Okay, Tori. I got your point. Let's just not talk about him. It's no big deal." He said and continued in eating his meal.
Nasira ang mood ko dahil sa hindi magandang komento ni Troy tungkol kay Damon. I know that it was no big deal but for me, it sounds like Troy was degrading Damon.
Pagkatapos naming kumain ni Troy ay nagyayaya na akong umuwi kahit gusto pa niyang manood kami ng sine. Mabuti na lang at wala sila mommy at daddy sa bahay nang ihatid ako ni Troy dahil siguradong gigisain nila ako ng mga tanong kapag nakita nilang hinatid ako ng isang lalaki. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila na meron na akong manliligaw.
Mabilis na dumating ang buwan ng Oktubre. Ilang araw na lang at semestral break na kaya naman ay naging sobrang busy ng linggong iyon para sa akin dahil magkakaroon pa kami ng exam bago ang bakasyon.
Sa ngayon ay nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa campus grounds. Meron pa akong thirty minutes para sa first period ng hapon kaya naman ay dito ko napiling tumambay at magbasa na lang ng libro. Bukod sa presko dito ay mas payapa din kaysa sa classroom na napakaingay ng paligid.
"Victoria,"
Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita ang isang baritonong boses. Akala ko ay ako lang ang andito. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala si Damon sa kinauupuan ko!
"Ginulat mo ko, Damon!" Inis kong saad.
Nakatayo siya sa harapan ko habang nakapamulsa. Ayoko mang aminin pero napaka-gwapo niya pa ding tignan kahit nakatayo lang siya. Ang problema lang talaga sa kaniya ay ang ugali niya.
"Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?" He asked. Bahagyang nagsasalubong ang makakapal niyang kilay.
I realized that he was pertaining to Troy.
"Hindi ko siya boyfriend." I rolled my eyes. Nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang nag-aassume ang mga tao na kami na ni Troy. Hindi ko alam na kasali pala dun si Damon.
"That's bullshit. Sa huli ay ganun din naman ang mangyayari. Bakit hindi mo na sagutin ngayon?"
"Because I don't want to! Atsaka, wala kang pakialam sa buhay ko!" Napatingin ako sa ibang direksyon. Nakonsensya din ako dahil sa bahagyang pagtaas ng boses ko kay Damon.
After seeing him in the restaurant, I made a mental note to not be rude at him again because I thought that he might be going through some problems, like financial, that's why he has a foul attitude. Pero naisip ko, baka nga talagang hindi maganda ang ugali niya? It's possible.
"Sorry." I murmured.
"Sorry for what?"
"Sa pagtaas ng boses." Ngayon lang yata ako nag-sorry sa kaniya.
Hindi siya umimik. Naging madilim at matalim ang mga tingin na binigay niya.
"Hindi ko kailangan ng awa mo."
"Awa? I'm just saying sorry for—"
"Just because you saw me working at a restaurant, doesn't mean that I need to be fucking pitied."
Nanlaki ang mga mata ko. "N-no! I was just—"
He sighed. Muli niya akong tinitigan ng mariin. Takot akong makapagsabi nanaman ng mga maling salita kaya't tinignan ko din siya pabalik nang hindi na muling nagsasalita.
Dati ay palagi kaming nag-aaway ni Damon sa tuwing nag uusap kami. Sa mga away na iyon, ni minsan ay hindi ako na-guilty at hindi ko siya kinaawaan. Nitong mga nakaraan na linggo na hindi kami nag-uusap ng matagal o di kaya'y hindi talaga nag-uusap, pakiramdam ko ay dahan-dahang nawawala ang inis ko sa kaniya. Kung ano ang dahilan? Hindi ko din alam.
I was expecting him to talk again but he just turned and left like what he always do. Ni hindi man lang nag-paalam o lumingon pabalik.
Wala talagang manners.
Nang mag-ring ang bell ay agad kong inayos ang mga gamit ko upang makapunta na sa classroom. Natapos ko ang exam nang walang kahirap-hirap. Masayang-masaya din ang lahat dahil sa wakas ay makakapag-bakasyon na kami at makakapagpahinga matapos ang napaka-busy naming linggo. Ang iba nga'y nagpaplano na ng mga lugar na gusto nilang puntahan. As for me, I don't have any plans for the semestral break. Sila mommy at daddy ang palaging pumipili ng pupuntahan namin tuwing bakasyon ko.
Nag-aayos na ako ng mga gamit ko nang tawagin ako ni Jason, isa sa mga kaklase ko.
"Bakit?"
"Gusto sana kitang i-invite. Birthday ko next week. Magkakaroon ng party sa bahay." He smiled.
"Next week? Pasensya ka na. Hindi kasi ako sigurado—"
Hinawakan niya ang braso ko kaya naman ay agad akong napatingin sa kamay niya.
"Sige na, Tori! Pumunta ka na! Minsan lang naman!"
Pasimple kong hinila ang braso ko. "Hindi ko talaga alam—"
"Tori, lahat ng kaklase natin pupunta kaya pumunta ka na! Magiging masaya 'to promise!"
Sa totoo lang ay ayaw ko talagang pumunta sa mga party na ginagawa ng mga kaklase ko. It was just not for me. Ayoko ng maingay na music, mga alak, at mga teenager na nagmemake-out sa kung saan-saan lang.
"I invited all of them! Lahat sila pupunta, ikaw lang ang hindi." Jason said with a hint of disappointment.
Pati kaya si Damon...pupunta?
I sighed. Masyadong mapilit si Jason. "Okay then. I'll go to your party."
BINABASA MO ANG
A Boy Named Damon
Teen FictionTori is the perfect girl that everyone adores. Her life is normal and perfectly planned. But when she met a boy named Damon, who is a polar opposite of her, everything changed. Will she bring out the good in him or will he bring out the worst in her...