Chapter Five

37 5 1
                                    

"Have sex with me."

Nabibingi na yata ako. Kung ano-ano na ang naririnig ko.

"Excuse me?"

He rolled his eyes, indicating that he's already annoyed. "Bingi ka ba? I said have sex—"

I slapped him. Hard.

"How dare you!"

I slapped him, again.

"Hindi ako maduming klase ng babae na basta basta na lang gagawin yan! Pinalaki akong disente ng mga magulang ko. I believe in sex after marriage unlike you who just randomly ask anyone for sex! Napaka-manyak mo!"

Bago pa siya makapagsalita, sinampal ko ulit ang pisngi niya.

"And that's for kissing my neck! You pervert!"

Tinalikuran ko siya at agad-agad na tumakbo palayo bago pa siya makapag-react sa ginawa ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at ramdam kong pulang pula ang mukha ko dahil sa inis.

The nerve of that guy to say that obnoxious thing to me! Sino ba siya sa akala niya? Hindi por que gwapo siya ay papatulan ko siya sa gusto niya. Hindi ako tulad ng ibang mga babae na basta basta na lang hinahalikan siya gaya ni... never mind.

Ugh! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ako anytime dahil sa inis!

Buong araw ang lumipas na hindi natatanggal sa isip ko si Damon. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga sinabi niya na parang sirang plaka. Muntikan pa akong hindi makasagot sa recitation kanina, na kahit kailan hindi pa nangyayari, dahil sa kakaisip sa demonyong si Damon.

I really need to get him out of my system.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa student council office. Kailangan ulit naming mag-meeting tungkol sa darating na Intramurals. May ilang estudyante kasi na nagsasuggest ng gusto nilang mga booths kaya naisip kong magsagawa na lang kami ng survey sa halip na kami ang mag-isip. Pero kahit magandang idea yun, kailangan ko pa ding hingin ang opinyon ng mga kasama ko dahil hindi naman pwede na ako lang ang mag-desisyon.

Inaasahan kong wala akong madadatnan na tao sa student council office pero nagkamali ako. Pagkabukas ko palang ng pintuan ay tumambad na sa akin si Grace na nakaupo sa upuan niya at... umiiyak?

"Grace?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Namumula ang mga mata niya at basa ang mga pisngi niya ng luha.

"Tori, n-nagkamali ako."

Nilapitan ko siya at umupo sa upuan na katabi niya. "Nagkamali saan?"

Ayokong makialam sa personal niyang buhay pero hindi ko pa din mapigilan na magtanong. May kutob na ako sa dahilan ng pag-iyak niya pero ayoko siyang pangunahan.

Pinunasan niya ang basa niyang pisngi bago nagsalita. "Kay Damon. Akala ko gusto niya din ako pero ginagamit lang pala niya ako. Kanina..."

Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.

"Kanina, nahuli ko siya kasama si Trixie. Naghahalikan sila tapos pinasok—"

"Okay, okay. Gets ko na." Ayoko nang marinig ang susunod niyang sasabihin.

Muli siyang humagulgol sa iyak. Akala ko hindi na siya magsasalita ulit dahil sa ilang segundong puro iyak lang niya ang naririnig ko pero mali ako.

"Kinausap ko si Damon tungkol dun. Ang sabi niya..." She paused. "Ang sabi niya hindi naman daw niya ako girlfriend atsaka tapos na daw siya sa akin kaya wag ko na siyang pakialaman."

A Boy Named DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon