Chapter Three

33 6 2
                                    

Bakit hindi ko sinumbong? Bakit?

I was walking back and forth here in my room for the last couple of minutes. I kept thinking about what happened earlier. It was really weird that I lied to Mrs. Castro. Hindi pa ako nagsisinungaling sa kanya kahit kailan. Ultimo ang pagtapon ng basura sa hallway ay sinasabi ko sa kanya kung sino ang may gawa.

Maybe because you are intimidated by him, Tori?

No. I was not. I have never been intimidated to anyone. I was always confident. Ginagawa ko kung anong sa tingin ko ay tama at hindi ako nagpapaapekto sa kung sinong tao lang.

I sighed. Bukas na bukas ay sasabihin ko ulit kay Mrs. Castro ang dapat sinabi ko kanina.

Wala akong dapat ikabahala dahil hindi naman ako sangkot dun. I was just being a good leader. Yes, Tori, wala kang dapat ikabahala. Damon is just a normal student like you, you should not be intimidated by him.

Kinabukasan, maaga nanaman akong pumasok. Well, ano pa bang bago?

"Tori, anong oras yung meeting natin mamaya?" Cindy asked. Siya ang treasurer ng student council and at the same time, kaklase ko din.

Ipinasok ko muna ang mga gamit ko sa bag bago sumagot. "Five o'clock as usual. Wag kang malelate."

"Copy. See you later."

Sinukbit ko ang bagpack ko atsaka lumabas na ng classroom. It was just four in the afternoon. Naisipan kong pumunta na sa student council office at doon tumambay hanggang dumating ang mga kasama ko.

Nang nasa harapan na ako ng pinto, sinigurado ko muna kung nakalock iyon o nakabukas nanaman.
Mahirap na.

Binuksan ko ang pintuan gamit ang susi ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang tao doon.

Hindi pa ako pumupunta dito magmula nang makita ko yung ginagawa ni Damon at Grace. At ngayong andito na ako, awtomatikong bumalik nanaman sa utak ko yung imahe nilang dalawa.

Ugh!

Uupo na sana ako sa upuan ko nang maalala kong hindi pa pala napapalitan yun kaya napagdesisyunan kong sa sofa na lang umupo. Who knows what liquid had been on that chair.

"Hello, Tori! Thank goodness, ikaw palang pala ang andito. Akala ko late na ako."

Napa-angat ako ng tingin mula sa cellphone ko. Tumambad sa akin ang isang maputi at singkit na babae. Nakasukbit ang bag niya sa braso niya at naka-ponytail ang buhok gaya ng lagi niyang ginagawa. Medyo gusot ang uniform niya at napaka-iksi ng palda.

Napalunok ako. Si Grace!

"Busy ka ba? Sorry ha, naistorbo yata kita." Saad niya at umupo sa upuan niya.

Agad akong umiling. "Ah, hindi naman. Hinihintay ko lang yung mga kasama nating dumating."

Tumango siya at hindi na nagsalita pa.

Habang kinakalikot niya ang cellphone niya, nagdedebate nanaman ang utak ko kung kakausapin ko ba siya tungkol sa nangyari. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Hindi kaya maging awkward ang atmosphere kapag nag-usap kami?

"Tori, tungkol sa nakita mo noong isang araw, atin-atin na lang yun ha."

Nanlaki ang mga mata ko. Nababasa niya ba ang isip ko?

A Boy Named DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon