Chapter Eleven

13 2 1
                                    

Sa pangalawang araw ng intrams ay naging abala ang student council sa paggawa ng mga props at pagbili ng mga kinakailangang gamit para sa mga booths. Kasabay nito ang patuloy na pagganap sa mga laro.

Nang dumating ang ala'una ng hapon ay nagpaalam ako sa mga kasama ko na may kailangan akong gawin at babalik din ako. Hindi ko na sinabing manonood ako ng laro ni Troy dahil paniguradong walang katapusan na pang-aasar lang ang matatanggap ko mula sa kanila. Nitong mga nakaraang araw kasi ay napapansin na ng mga kaklase ko ang madalas na pagsama sa akin ni Troy kaya't binibigyan agad nila ng malisya ang tungkol sa amin kahit na wala naman.

"Tori!"

Tumakbo si Troy papunta sa direksyon ko nang nakangiti. Nakasuot siya ng jersey at aaminin ko na ang gwapo niyang tignan sa suot niya na tinernuhan pa ng malalim na dimple.

"Uhh.. hi." Sinuklian ko ang ngiti niya. Napansin ko din na may ilang mga estudyante mula sa bleachers ang nagmamasid sa amin kaya naman ay na-conscious ako bigla.

"Buti nakarating ka." Saad niya nang tuluyan na siyang makalapit.

"Sabi ko naman sa'yo na manonood ako ng laro mo."

Tinawag si Troy ng coach nila dahil magsisimula na daw ang laro kaya naman ay pumunta na ako sa mga bleachers para makaupo.

Sa first quarter at second quarter ng laro ay lumamang na ng dalawampung puntos ang grupo nila Troy. Sa loob ng oras na yun, halos karamihan puntos ay galing kay Troy. Sa tuwing makaka-shoot din siya ay titingin siya sa gawi ko atsaka ngingiti, dahilan upang magtilian ang mga katabi kong babae.

Hindi ko naman sila masisisi. Gwapong tignan si Troy habang naglalaro ng basketball. Kahit tagaktak ang pawis niya ay malinis pa din siyang tignan atsaka mas lumakas ang dating. Maraming babae tuloy ang sumisigaw ng pangalan niya at pinag-cheer pa siya.

Sa kalagitnaan ng fourth quarter, nahagip ng mga mata ko ang pares ng kulay kapeng mga mata na dahilan upang lumundag nanaman ang puso ko.

Si Damon.

Nakatayo siya sa entrance ng gym. Nakahalukipkip at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Malalim ang mga tinging ibinibigay niya at sa hindi malamang dahilan ay nagdulot sa akin ng kaba.

"Uy, tignan mo yung pogi sa entrance. Yan yung sinasabi ko sa'yo na transferee!"

"Hala, ang pogi nga! Anong pangalan niya?"

"Damon Salazar! Napakapogi talaga kahit pangalan pa lang! Nakaka-inlove!"

Natigil ang pag-tingin ko kay Damon nang marinig kong nag-uusap ang mga katabi kong babae tungkol sa kanya na kanina lang ay tumitili para kaya Troy.

Si Damon? Nakaka-inlove?

Muli akong tumingin kay Damon. Hindi pa din napuputol ang tingin niya sa akin kaya't naglakas loob akong titigan siya pabalik. Napagtanto ko na kahit nasa malayo ay nararamdaman ko pa din ang pakiramdam na dulot niya. Nakakapanghina.

I mentally slapped myself. Hinalikan ka lang nakakapanghina na?

Dahil sa naisip ay tuluyan na akong nag-iwas ng tingin kay Damon. Napunta ang mga mata ko sa mga naglalaro sa basketball court ngunit ang atensyon ko ay na kay Damon pa din. Ramdam ko pa din ang titig niya kaya hindi tuloy ako naging kumportable sa kinauupuan ko.

Masyado kong napagtuunan ng pansin si Damon kaya naman nagulat na lang ako nang i-annnounce na panalo ang grupo nila Troy. Napuno ng hiyawan at tilian ang buong gym.

Hinanap ng mga mata ko si Troy upang batiin at nang makabalik na ako sa student council office ngunit hindi ko siya mahagilap. Paniguradong nagtataka na ang mga kasama ko kung bakit isang oras akong nawala.

Kung kanina ay malakas ang hiyawan, ngayon naman ay mas lalo itong lumakas sa hindi ko malamang dahilan. Tinignan ko kung may komosyon na nangyayari sa court ngunit wala naman akong nakita. Nakapagtataka pa  na halos lahat ng tao ay nakatingin sa direksyon ng kinauupuan ko.

"Tori,"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko si Troy na may hawak na bouquet at isang teddy bear.

"B-bakit?"

Humakbnag siya palapit at inilahad sa akin ang mga hawak niya. Tumitibok ng malakas ang puso ko ngunit hindi ito yung pakiramdam na parang kay Damon. Bagkus ay naghaharumentado ang kalooban ko dahil sa kaba at mga tinging ibinibigay ng mga estudyante. Aaminin ko na sanay na ako na nasa akin ang atensiyon ng lahat ngunit nangyayari lamang yun kapag may speech ako at hindi sa ganitong pagkakataon.

"Para sa'yo." Nakangiti niyang saad.

Binuka ko ang bibig ko ngunit walang boses na lumabas mula dito. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Kung sana lang ay lamunin na ako ng lupa!

"Uh... Tori?"

"A-ah. Salamat."

Ilang segundo na palang nakalahad ang braso ni Troy kaya naman ay napilitan na akong tanggapin ang bouquet ng rosas at isang teddy bear. Dahil sa ginawa ko ay naghiyawan ang mga estudyante na nasa gym.

Sa kalagitnaan ng mga nangyayari, pumasok sa isipan ko si Damon.

Tinignan ko ang direksyon kung saan ko siya huling nakita. Nakatayo pa din siya sa entrance ng gym at nakatingin sa akin. Walang naglalarong emosyon sa mukha niya. He's just there... staring.

"Pwede ba kitang ligawan, Tori?"

Agad na napabaling ang ulo ko kay Troy nang magsalita siya. Tama ba ang narinig ko?

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, pwede ba kitang ligawan?"

Naging tahimik ang buong gym sa paghihintay ng isasagot ko. I feel uncomfortable. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin ni Troy edi sana ay hindi na lang ako pumunta ngayon. Pero kung tutuusin, nag-effort si Troy para lang tanungin ako kung pwede ba siyang manligaw. I appreciate the gesture and... why not?

Dahan-dahan akong tumango kahit na hindi ako naging sigurado sa buong desisyon ko.

"Yes!"

Niyakap ako ng mahigpit ni Troy kaya naman ay muling nagsigawan ang mga estudyante. Hindi ko pa naman siya sinasagot pero sa reaksyon niya ay parang ganun ang nangyari.

Kahit lutang pa sa mga nangyayai, muling hinanap ng mga mata ko si Damon. Sa pagtama ng mga mata namin ay nakita ko siyang napa-iling na tila dismayado sa ginawa ko. Ilang sandali pa ay tuluyan sa siyang umalis ng gym na hindi man lang lumilingon pabalik.

A Boy Named DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon