Damon is a weird guy, a really weird one.
Kanina ko pa iniisip ang sinabi niya at ni hindi ako makatulog ngayon dahil dun. I just realized that he was apologizing earlier about the condition that he said but my mind keeps refusing that thought. Sa ilang araw na nakakausap at nakikita ko siya, alam kong hindi siya yung tipo ng tao na basta basta na lang hihingi ng tawad. He's a guy who has a pride that is higher than anyone's. Basically, he's not the saying-sorry-for-his-mistakes type of guy.
But he looks shy and authentic. Hindi makatingin ng diretso sa akin ang kulay kape niyang mga mata. Hindi din nakatakas sa akin ang bahagyang pamumula ng mga tenga niya. Para siyang bata na balak mag-confess sa taong nagugustuhan niya. Kung hindi lang ako naguguluhan sa mga sinasabi niya kanina, malamang ay pinagmamasdan ko kung gaano siya ka-cute habang—
Okay, Tori, stop.
Baka naman hindi siya sincere? Baka naman ginawa niya lang yun para... para... humingi talaga ng tawad?
Ugh.
I tried to think of any possible reasons on why would he apologize but I always end up in one reason. He apologized because he felt sorry for what he did. And that's the problem because I'm not sure if that's even possible!
And why am I stressing myself, thinking why he said sorry? Hindi naman ganun ka-big deal yun pero bakit heto ako, hindi makatulog kakaisip kung bakit siya nagsosorry?
Ugh, I need to sleep already.
The next day came in a bliss. Ni hindi ko namalayan na nasa klase nanaman ako.
"Okay class, that's all for—"
I raised my hand. Awtomatikong napatigil sa pagsasalita si Mrs. Lopez, ang science teacher ko.
"Can I go out?" Kanina pa kasi ako naiihi, hindi lang ako makahanap ng tiyempo para sabihin sa kanya dahil masyado siyang seryoso sa pagdidiscuss.
She rolled her eyes and then nod. Isa siya sa mga ayaw kong teachers, alam niyo na ang rason kung bakit.
Lumabas ako sa classroom at naglakad papunta papunta sa banyo. Walang mga tao sa hallway dahil may klase ang lahat ng mga estudyante sa mga oras na 'to. Ang tanging nadaanan ko lang ay ang naglilinis na janitor at si... Damon.
Naglalakad siya habang nakapamulsa. As usual, gusot ang uniform nito at magulo ang itim niyang buhok. Para siyang naglalakad sa mall, para siyang walang klase na dapat pinapasukan. Ayos ah.
Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Damon, bakit hindi ka nanaman—"
Hindi siya tumigil sa paglalakad at nilampasan lang ako. Kung dati, magsasabi siya ng mga nakakapanlait na mga salita, ngayon ay lalampasan niya lang ako? Ano problema ng lalaking yun?
Akala ko ngayon lang mangyayari yun pero ilang araw na ang nakalilipas ay nagpapatuloy pa din si Damon sa hindi pagpansin sa akin. Palagi kaming nagkakasalubong sa hallway pero ni hindi man lang siya nagtatapon ng tingin sa direksyon ko. Sa tuwing susubukan kong kausapin siya, hindi niya ako sinasagot at nilalampasan na lang ulit na parang wala siyang nakikitang tao.
Dapat okay ako sa ganun, pero bakit kabaliktaran ang nararamdaman ko? I was supposed to be happy, now that I don't need to meddle with his life, but... something's just not right. Parang hindi kompleto ang araw ko na hindi nakikipagbangayan kay Damon. Pakiramdam ko hindi kompleto ang araw ko kapag hindi niya ako iniinsulto.
This is weird. Really weird. Nahawa na ba ako sa kaweirduhan ng lalaking yun?
"For your assignment, class, I would like you to conduct a research about electromagnetic spectrum." Mrs. Lopez said.
BINABASA MO ANG
A Boy Named Damon
Teen FictionTori is the perfect girl that everyone adores. Her life is normal and perfectly planned. But when she met a boy named Damon, who is a polar opposite of her, everything changed. Will she bring out the good in him or will he bring out the worst in her...