Chapter Ten

8 3 1
                                    

"Welcome to the Intramurals 2019!"

Masigabong palakpakan at hiyawan ang naging tugon ng mga estudyante. Ramdam ko ang excitement ng lahat para sa sports fest ngayon taon. Kumpara noong mga nakaraang taon, ang sports fest ngayon ay magtatagal ng apat na araw, mas matagal kaysa noon. Ngayong araw ng sports fest ay ang tournament ng mga board games, table tennis, at badminton. Sa pangalawang araw naman ay ang mga fun games gaya ng limbo rack, tug of war at etc. Ksama din sa pangalawang araw ang laro ng basketball at volleyball. Sa pangatlong araw ay ang final round ng lahat ng sports. Sa panghuling araw ang announcement ng mga nanalo at libreng araw iyon para makapag-enjoy ang mga estudyante sa mga booths na ginawa ng student council.

I have a few sports that I play but unfortunately, I won't be able to join the Intramurals because I have my student council's president duties. Ayos lang naman sa akin iyon dahil nag-eenjoy naman akong panoorin na lang ang mga naglalaro.

Sa araw na ito, naatasan akong tumulong sa pag-facilitate ng laro ng badminton at scrabble. Bukas naman ay tutulong ako sa paggawa ng mga gamit na kakailanganin para sa mga booths.

"Tori!"

Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Awtomatikong napangiti ako nang makita ko si Troy na patakbong pumunta sa direksyon ko.

"Kanina pa kita hinahanap."

"Bakit mo naman ako hinahanap? May kailangan ka?"

These past few days, medyo naging close na kami ni Troy. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang siyang sumasama sa akin kapag pupunta ako ng library at cafeteria. Paminsan minsan pa ay ihahatid niya ako pabalik sa classroom ko. Ayun tuloy, napagkakamalan na nililigawan niya ako kahit hindi naman talaga.

"Wala naman, just checking on you." Nakangiti niyang saad. Ang cute niya talagang tignan kapag nakalitaw ang dimple niya.

"Sira! Kaya ka napagkakamalang nanliligaw sa akin eh." Umiiling kong sabi.

"Papayagan mo ba ako kung sakaling totohanin ko yun?"

Napakunot ang noo ko at tinignan siya. Seryoso ang mukha niya at walang mababakas na ngiti sa mga labi niya.

"Ano?" Baka nagkamali lang ako ng dinig.

Bumuntong hininga siya. Sa ilang segundo lang ay bumalik na ulit ang ngiti sa mukha niya. "Joke lang. Baka nga ikaw pa ang manligaw sa akin eh."

I chuckled. "Hindi mangyayari ang pinapangarap mong yan, Troy. Sorry ka na lang."

Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. "We'll see," Ngumiti siya. "Anyways, sabay na tayo kumain ng meryenda sa cafeteria pagkatapos mo dito. Pupuntahan kita mamaya."

Tumango ako ng nakangiti. I really appreciate Troy's kind gestures. Ngayon palang ay kinokonsidera ko na siya bilang kaibigan ko.

Nang umalis si Troy ay bumalik na ako sa trabaho kong mag-tally ng scores sa badminton. Nagkaroon ng madaming sets ang laro na tumagal ng isang oras.

"Ms. Veda," tawag sa akin ni Mr. Martinez, ang nagfafacilitate sa laro ng badminton.

"Po?"

"May isa pang laro, pagkatapos nun ay pwede ka nang kumain muna saglit."

Tumango ako sa kanya.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, napansin ko sa peripheral vision ko ang isang lalaki na nasa gilid ko. Mukhang si Troy.

"Hindi pa ako tapos, Troy. May isa pang set ng maglalaro." Hindi ko siya tinignan. "Maghintay ka lang muna diyan. Pagkatapos ng last set ay kakain na tayo."

A Boy Named DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon