Chapter Twelve

6 2 1
                                    

Lumipas ang ilang araw mula nang mangyari ang ginawa ni Troy na surpresa para sa akin. Naging usap-usapan yun sa buong campus at mas lalo ding tumindi ang pang-aasar sa akin ng mga kaklase ko. Gusto ko silang patigilan dahil hindi ako komportable pero wala naman akong magagawa kung yun ang gusto nilang isipin.

Madalas na din akong sinusundo ni Troy sa tuwing recess at lunch pagkatapos ay lagi niya akong niyayaya sa cafeteria upang sabay na kumain. Binubuhat niya din lagi ang mga libro na dala ko sa tuwing makikita niya ako. Napakabuti ng turing sa akin ni Troy pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako kinikilig sa mga ginagawa niya para sa akin. Hindi bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing andiyan siya at wala din akong nararamdaman na kakaiba sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.

Is this normal when being courted? You don't feel the same way?

"Tori, yung manliligaw mo nasa labas!" Si Cindy.

Naghiyawan nanaman ang buong klase at walang tigil na inasar ako. Kahit ilang araw na nilang ginagawa ang bagay na iyon ay hindi ko pa din gusto an pakiramdam.

Tumayo ako mula sa upuan at lumabas ng classroom. Nandoon si Troy kasama ang ilan niyang mga kaibigan na galing sa Senior High.

"Good morning, Tori!" Masigla niyang bati.

Binati ko siya pabalik atsaka nagtanong. "Bakit ka andito Troy?"

"Uhh..." Inilahad niya ang hawak niya at napansin kong chocolates ang mga iyon. "Nagkayayaan kasi kami na maglaro ng basketball mamaya sa recess kaya hindi kita masasabayan. Heto, snacks mo habang wala ako."

"Iba talaga 'tong si Troy!" Nagtawanan ang mga kaibigan niya kaya naman ay pabiro silang sinuntok ni Troy.

"Gago." Saad niya na may ngiti sa mga labi.

Tinananggap ko ang chocolates na bigay niya. Hindi ako kumakain ng chcocolates pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya lalo na't pumunta pa siya dito sa Junior High building para lang ibigay 'to.

"Salamat."

Nang makabalik ako sa classroom ay agad na nang-usisa ang mga kaklase ko sa mga napag-usapan namin ni Troy.

"Ang haba talaga ng hair ni Tori!"

"Ang swerte mo, girl! Ang pogi ng manliligaw mo!"

Pilit ko silang nginitian at hindi na lamang pinansin. Sakto namang pumasok si Damon sa classroom kaya't napunta sa kaniya ang atensiyon ng mga kababaihan.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaupo siya sa upuan niya. Ni hindi man lang niya ako pinagtuunan ng pansin. Hindi ko alam kung bakit ako nalungkot bigla.

Nitong mga nakaraang araw ay walang interaksyon na naganap sa pagitan namin ni Damon. Gaya ng dati ay hindi niya ako papansinin kapag nagkakasalubong kami sa hallway. Merong isang beses na pinag-partner kami sa isang activity pero hindi man lang niya ako kinausap kaya sa huli ay ako nanaman ang gumawa ng lahat na dapat gawin.

It feels weird... and sad.

"Tori,"

Damon must have done something to me. Oo nga at lagi kong kasama si Troy pero si Damon ang laging pumapasok sa isipan ko.

"Tori?"

Napatingin ako kay Troy. "What?"

"I've been calling you for several times now. You're spacing out again."

"Sorry. Just thinking about some things." Damon, specifically.

"Wag mong masyadong inii-stress ang sarili mo sa mga bagay, Tori."

A Boy Named DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon