ღ𝔾𝕠𝕠𝕕𝕓𝕪𝕖 𝕃𝕠𝕧𝕖𝕣ღ
Saturday morning, I am here at Cyline's condo sitting in a pink sofa waiting for her to dress-up. Tatlong oras na akong naghihintay pero hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto niya. Ngayon lang ulit kami nakapag date dalawa dahil sa kaliwa't kanang pagbiyahe niya ng malayo. Well, I can't deny that my girlfriend is hot and one of the famous models in the country. Sayang lang at hindi ako nakasama sa shooting niya dahil bumalik ako sa abroad para lang asikasuhin ang business ni dad. We rarely contact each other when I was away because she was really busy at that time na kahit ang tingnan man lang ang text ko ay di niya magawa. Kaya nung pagkauwi ko at tinext niya akong makipag date ay umo-o na agad ako.
"Hey!" nag-angat ako ng ulo at inilagay ang newspaper sa table. "I'm ready, let's go?" ngumiti ako sa kanya at dinaluhan siya.
"Akala ko nag gown ka pa." pabiro kong sabi. Natawa naman siya at mahina akong pinalo sa braso saka lumingkis sa akin.
"Hay naku, alam mo bang may problema ako sa mga damit ko ngayon."
"Bakit?"
"Eh hindi na nagkakasya sa akin eh feeling ko tuloy tumataba na ako." Sumimangot siya at yumuko. Hinawakan ko ang kanyang baba at iniangat iyon para magtama ang aming mga mata.
"Hindi ka naman tumataba babe."
"Talaga?!" nasiyahan siya sa aking sinabi.
"Kasi..."
"Kasi?"
"Kasi .... Mataba ka talaga." Tumawa ako saglit. Sumimangot siya at magsasalita pa sana nan sunggaban ko ang kanyang labi na nagpatahimik sa kanya. "I love you babe. Always remember that for me... size doesn't matter."
"Ihhh, tayo na nga at naglolokohan na tayo dito."
Isabelo's
NAKAPAGBOOK NA AKO ng seats for us sa restaurant na napili ko kaya hindi na nahihirapan maghanap ng seats. I first offered her a seat, pulled out the chair and kissed her forehead. "You're so sweet" ani Cyline. Ngumiti naman ako sa kanya nung nakaupo na rin ako sa katapat niyang upuan. Itinukod ko ang aking mga siko sa mesa habang nakangiting nakatitig sa kanyang namamahangha sa paligid. "I love the ambiance of this restaurant, I feel.....hmmmm...." she inhaled and smiled as she closes her eyes feeling the atmosphere. "It feels like I'm healed."
"Why do you say so? You're not even sick for all I know."
Napatigil siya at dumilat na mukhang may nasabing hindi dapat sabihin pero bumawi siya ng ngiti at ipinatong ang kanyang siko sa mesa. "Ano ka ba! I just.... s-said that because I feel like parang pinapagaan ng magandang ambiance dito ang pakiramdam ko. Alam mo namang drain ako sa sobrang busy ko diba kaya parang.... nahealed ako."
Nag-angat ako saglit ng ulo para sinyesan ang isang waiter na nasa counter mukhang nakuha naman din nito ang ibig kong sabihin kaya ibinaling ko na uli ang aking atensyon kay Cyline habang naghihintay sa pagdating na surpresa. Ilang minuto lang ay nakita ko ang waiter na may dala nang kailangan ko.
Huminto ang waiter sa tapat namin at binalingan si Cyline. "Ma'am, for you." a bouquet of flowers was given to her. Kanina ko palang yan napaghandaan buti nalang talaga at nahabol ko pa. Tinanggap ni Cyline ang flowers saka napatingin sa akin na parang nagtatanong kung anong nangyayari but I just replied a sweet smile at her. "Thank you." she said saka lang umalis ang waiter. Binalingan niya ako, "I love you."
"I love you, too."
And that was the last time I heard her saying those three words.
"Kung ayaw mo naman pala siyang pakawalan, bakit mo pa pinirmahan ang annulment papers na sinampa niya?" sabi ni Warren. Hindi ko rin alam, siguro wala lang ako sa sarili ko nang pumayag akong ma-annul sa kanya. Hindi ko rin natupad ang pangarap nating magkaanak. Doon ko lang narealize ang katangahan ko nang malaman ko mula sa abogado ko na talagang hindi na kami mag-asawa. Noong mga panahong iyon, tanga ako. Huli na ako.
"Nga pala." singit ni Gino. "I heard she's not a model anymore. Nagresign na daw siya sa agency ni ninang ang tita niya at lumipad na ng Canada." napaangat ako ng ulo at tumingin kay Gino.
"Kanino mo nalaman?" tanong ni Landre na parang curious sa sinabi ni Gino ganun rin ako.
"Kay ninang." kaswal niyang sagot saka uminom ng wine. Napatigil siya sa pag-inom ng kaming lahat ay nakatitig sa kanya. Muntik na siyang mabulunan nang mapansin niya kami. "Okay okay, nung nakaraan ko lang nalaman nung nagpacater si ninang sa reunion ng pamilya Velez napansin ko kasing wala siya kaya nakapagtanong ako kay ninang eh yun pala nasa Canada na baka nga daw for good na siya doon."
"Eh bakit ngayon mo lang sinabi?" inis na tanong ni Mario.
"Ha? Eh diba pinsan ka nun dapat nga mas nauna ka pang makaalam nun kaysa sa akin."
"Oo nga naman." pagsang-ayon ni Warren at nag tango tango naman ng sabay si Landre at Gino.
"W-wait, wala akong alam okay. Ni hindi ko nga makontak yun eh paano pa ako makaka balita dun. At kung may alam man ako sana nasabi ko na kay bestfriend kung gayon eh sa wala anong magagawa ko?"
"Wala ka talaga balita tungkol sa kanya?" baling ko kay Mario.
"I'm sorry bro but I think nag-iba na siya ng number eh hindi naman ako sinasagot ng maayos nung mga pinsan niya lagi lang nagsusungit at pineperahan lang ako. Hindi ko naman makausap sina tito kasi parang ayaw nilang pag-usapan pag binabanggit kasi ang pangalan ni insan bigla silang mag iiba ng topic. Nababaliw na nga ako eh sa mga nangyayari sa pamilya nila kaya hindi na lang ulit ako nagtanong ulet baka wala na naman akong matanggap na sagot nasayang pa laway ko." sagot ni Mario.
"Hayaan mo nalang, kasalanan ko naman. After a day, a month and a year, we would live different lives. I think it's time for me to move on kung ayaw niya na talagang makipagkita sa akin."
Naaalala ko pa rin ang mga alaala namin na unti-unting lumalago habang tumatagal. Mga eksena na akala ko'y nalimutan na, pero patuloy na nagdagdag. Hindi ko man lang naisip ang mga away namin. Pero ngayon na tiningnan ko ang nakaraan, lahat ng ito ay dahil sa akin.
Ang mga alaala namin ay bumabalik sa isipan ko, at nararamdaman ko ang bigat ng pagkakamali ko. Hindi ko alam kung paano ko babawiin ang mga nawalang sandali, ngunit alam kong kailangan kong harapin ang katotohanan at tanggapin ang mga pagkakamaling nagawa ko.
ღ𝕋𝕠 𝔹𝕖 ℂ𝕠𝕟𝕥𝕚𝕟𝕦𝕖𝕕ღ
BINABASA MO ANG
Goodbye Lover (REVISED)
Short StoryAno ba ang ibig sabihin ng Happy Ending? Is it about ending it with marriage? Is it about having a happy family with your children? Or is it about being a grandma and grandpa? I don't know. And I don't want to know. Because I believe, dreaming a hap...
