Part 4

22 1 0
                                    

ღ𝔾𝕠𝕠𝕕𝕓𝕪𝕖 𝕃𝕠𝕧𝕖𝕣ღ



"I MISS THIS PLACE." sambit ko nang makalabas na kami ni Thomas ng airport at naghihintay nalang sa pagdating ng mag-asawa. Nilingon ko si Thomas sa likod at hindi ko alam na nahihirapan na siya sa pagdala ng mga luggage namin. Tatawa tawa ko siyang dinaluhan at kinuha ang aking bag sa balikat niya. "Sorry hehe."

"Yow!" bati sa amin ni Mhyko ng makapark siya sa tapat namin. Excited naman akong sinalubong ng yakap ni April. "Masayang pagbabalik sa iyong bayang sinilangan kaibigan." natawa kaming pareho sa kanilang dalawa ni Mhyko. Bagay nga silang dalawa. They are both crazy.

"Halika't humayo na tayo." ani April na hinila hila ako pasakay sa likod ng kotse. Tinulungan naman ni Mhyko si Thomas na ilagay sa trunk ang mga luggage namin buti nalang at SUV car ang binigay ni Daddy at nagkasya naman kahit papano ang mga gamit namin sa likod. Sa harap na sumakay si Thomas since nandito na si April sa likod.

Wala sa sarili akong napatingin sa tiyan ni April habang traffic pa. Hindi pa pala halata sa kanyang buntis siya kaya nakikita pa ang curves ng katawan niya. Mukhang napansin naman ni April ang pagtitig ko sa tiyan niya kaya binalingan niya ako. "2 months palang naman yan kaya hindi pa masyado halata. Kwento nga ni mama na nung sa akin daw eh hindi masyadong malaki ang tiyan niya mukha ngang 5 months palang nga ako nun kahit malapit na ako umawra palabas ng outside world. Baka daw ganun din ako kaya hindi pa masyadong halatang buntis ako. Pero natatakot ako, Cyline."

"Why?"

"Kasi kahit cleared na ako sa cancer ay nandun pa rin yung takot na baka mamili si Mhyko sa aming dalawa ng anak ko. Gusto ko naman talagang mabuhay ang anak ko pero iba pa rin yung pakiramdam na pareho kayong mabubuhay diba?"

Naiiyak ako sa sinabi niya. Nakita ko ang pag-iwas ng dalawang lalaki sa harapan. Ayaw nilang magsalita kasi maski sila ay nahihirapan ding magsalita sa bagay na kinatatakutan naming lahat. "Shhh, don't say that. Let's just pray na walang mangyayaring ganun. Tiwala lang." lumapit ako sa kanya at niyakap siya saka tumingin nalang sa labas ng bintana. But it was a wrong move, because for the first time after 5 years of being away, nakita ko ulet siya. Magkatabi lang ang kotse ni Mhyko at ng taxi na sinasakyan niya at hindi na ako magtataka na makikita niya ako pag lumingon man siya sa gawi namin kaya bago paman yun mangyari ay bumitaw ako sa pagkakayakap kay April at inayos ang upo saka nagsuot ng mask. Hindi niya ko dapat makita ngayon, not now!

Actually, I miss him so much. I want to lean on his shoulder again. I'm smiling to try to hold it in but I'm still shaking. My inner-self is crying, this foolish heart who still wants him. I really hated to still miss him.

But everything has changed. Simula nung bitawan ko ang kanyang mga kamay. I'm standing right here. Being trapped in a different place, different time. Ang lugar kung saan nakakulong ang mga taong nang-iwan pero mas labis pang nasasaktan keysa dun sa mga iniwan nila.

ღ𝔾𝕠𝕠𝕕𝕓𝕪𝕖 𝕃𝕠𝕧𝕖𝕣ღ

"ITO ANG tinitirhan mo." ani Mhyko nang mahinto kami sa bahay na tinitirhan ni Thomas. Akala ko pa naman malayo layo siya sa amin yun pala sa parehong subdivision lang pala namin ang napili ni Mhyko para kay Thomas, isang bahay ang pagitan lang ng bahay nina mama. "Eh sa nakwento ko kasi sa tatay niyan..." turo niya sa akin. "...na may kasamang pauwi yung anak niya dito sa pinas at naghahanap ng matitirhan sakto naman daw at matagal ng walang tumira diyan kaya ito nalang ang isinuggest ng tatay niyan."

"Okay, thanks."

"At yung bayad mo pala baka bukas mo na asikasuhin bukas pa daw kasi makakarating yung may-ari niyan." tumango lang si Thomas at tinitignan ang kabuuan ng bahay. "Ahm, pasok na tayo?"

Goodbye Lover (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon