ღ𝔾𝕠𝕠𝕕𝕓𝕪𝕖 𝕃𝕠𝕧𝕖𝕣ღ
"Rason." inangat niya ang kanyang ulo at diretsong tumitig sa mga mata ni Ezekiel matapos siyang makainom ng tubig. Kanina niya pa pinupuntirya ang isang pitsel ng tubig sa gilid niya. Nauubos na kasi ang laway niya nakalunok pag nararamdaman niya ang mga titig ni Ezekiel sa kanya.
"Totoong rason lang ang kailangan kong marinig ngayon, Cyline."
"Just ... forget it. We don't need to bring back the past. You should move on because I already had." Liar. Sino bang niloloko ko?
"Let me decide what I should do with my life. Give me your fucking reasons and I will decide whether I will fight for this remaining love left here in my heart for you or not."
"Masasaktan ka---"
Nagulat siya nang sinuntok ni Ezekiel ang kamao sa mesa. Mabilis ang pag hinga't ngayon galit na galit ang mga matang nakatitig sa kanya. "Bullshit! Masasaktan? Anong tawag dun sa ginawa mo sa akin years ago? Hindi mo ba ako nasaktan nung time na yun? Ang sakit nung ginawa mo sa akin nun tapos ngayon natatakot kang masaktan ako ulit? Bring it on, Cyline. I am not afraid of you hurting me again just ... fuck ..." nakita niya ang pagkuyom ng parehong kamao ni Ezekiel. Nararamdaman niya na sobrang frustrated na ito at pilit na pinipigilan ang sariling wag sumabog sa harapan niya. At nasasaktan siyang nakikita itong ganito ang kalagayan. Kahit noon paman ay nasasaktan siya pag pinipilit siyang intindihin ni Ezekiel kahit alam naman niyang dapat siyang pagdudahan. Alam niyang ayaw na ayaw ni Ezekiel magpakitang galit siya dahil natatakot itong maghiwalay sila but what did she do... she left him without telling him the real reasons.
"just ... tell me Cyline ... tell me your reasons at susubukan kong intindihin ka."
"I ... I can't." yumuko siya pinipigilan ang sariling maiyak. Naalala niya na naman kasing yung masakit na nakaraan. Oo, nasaktan niya si Kiel pero sa tingin niya kasi mas mabuti na sigurong hindi niya malaman ang dahilan niya dahil baka ... makapatay pa siya dahil sa sobrang pagkamuhi.
"A-anong 'you can't' ?? Ano bang mahirap dun sa sasabihin mo lang yung rason mo, Cyline. Yun lang naman ang hinihingi ko diba ba't ka ba nahihirapan ka pa. Akala ko ba past na? Oh bakit parang ang laki pa rin ng epekto yun sayo?"
Hindi siya sumagot imbes ay tahimik siyang napahikbi at tinakpan ang bibig upang hindi marinig ni Kiel ang kanyang paghikbi. Doon pa lang. Parang sasabog na yung puso niya sa sakit. Halos hindi na siya makahinga dahil pinipigilan niyang maiyak ng husto. Bumalik yung sakit na dulot ng nakakatakot na nakaraan.
"Why are you crying? Hindi yan ang hiningi kong sagot mo, Cyline. Hindi ako nakapag kita sayo para lang makita kang umiiyak ng ganito nang hindi ko man lang alam ang dahilan. Ano bang---"
"Enough!" napatigil sa pagsasalita si Kiel nang bumulaga sa kanila ang isang lalaki. "You're torturing her." napatayo si Kiel nang dire diretso lang itong dinaluhan si Cyline na umiiyak pa rin. Napaawang pa siya nang makita ang mga kamay nitong malayang dumalo sa mga braso ni Cyline.
"Sino ka ba? Bakit ka nangingialam dito? Hindi kita kilala ---"
"But I know you ... and her. " walang emosyong tugon ng lalaki sa tanong niya sakap binalingan ulit si Cyline at dahan dahang ipinatayo. "Let's go. Stop crying."
Sumugod sa kanya si Kiel at pinigilan silang umalis. Matatalim ang mga matang iginawad sa lalaking nakahawak sa mga balikat ni Cyline. "Bitawan mo siya."
BINABASA MO ANG
Goodbye Lover (REVISED)
Short StoryAno ba ang ibig sabihin ng Happy Ending? Is it about ending it with marriage? Is it about having a happy family with your children? Or is it about being a grandma and grandpa? I don't know. And I don't want to know. Because I believe, dreaming a hap...
