Part 10

11 0 0
                                        

ღ𝔾𝕠𝕠𝕕𝕓𝕪𝕖 𝕃𝕠𝕧𝕖𝕣ღ





"CYLINE!!"

Mabilis niyang pinahidan ang sariling luha nang marinig ang pamilyar na boses mula sa labas. Binuksan niya ang pinto at sumalubong sa kanya ang nag aalala na mukha ng kanyang pinsan na hindi niya inaasahang may kasama palang ibang tao na pamilyar rin pero parang hindi.

"Umiyak ka?" ramdam niya ang pag aalala sa mga mata ng pinsan nang tanungin siya neto. Umiling lang siya at binalingan ang nasa likod neto. Dalawang lalaking napagkamalang magkapatid dahil sa parehong pareho ng hulma ng mga mukha mas matangkad lang ang isa pero hindi mo maipagkakaila na walang pinag iba sa kanila. Batid niya'y kambal ang dalawa.

Hindi niya inasahan ang bigla ng panghihimasok ng dalawa sa loob ng bahay at agad na tinungo si Ezekiel na nakaupo at umiiyak sa kanyang braso na nakatungtong sa kanyang dalawang tuhod. Tila isang bata na hindi mapatahan. Ibubuka palang sana niya ang kanyang bibig para sana kausapin ang dalawang lalaki ngunit nagulat siya ng walang pagdadalawang isip itong binuhat si Ezekiel patayo.

"Teka!" hindi niya na pigilan ang sariling humarang ang pigilan ang pag alis nila dala dala si Ezekiel sa magkabilang balikat. "Sino kayo? Saan niyo siya dadalhin?"

Nagkatinginan pa ang dalawa ng matagal tapos sumakit pa ng sulyap kay Ezekiel. "We're friends... for a long time. Nice to meet you pala in behalf sa buong barkadahan ng lalaking ito na ex mo. Siguro nagtataka ka kung bakit hindi mo kami nakilala noong kayo pa. Hirap mo daw kasing pakiusapang maglaan ng oras sa kaibigan namin. Lagi ka nalang busy. Worst, during your time as married couple you never get a chance na maipakilala sa mga importanteng tao sa buhay ng asawa mo. Kung wala ka rin lang balak na balikan to kung maaari bumalik ka nalang sa kung saan ka man nagtago noon at hayaan mo muna makalimutan ka na niya talaga ng tuluyan." sa haba ng naisagot nito hindi niya magawang mag explain din. "Bro, mauna na kami sa kotse." paalam nito sa pinsan niya. Tumango lang si Mario bago binalingan ulit si Cyline.

"Okay ka lang ba?"

"Okay lang. Why are you here? With your friends?"

"Tumawag kasi siyang pupunta sa bahay nung lalaking sumundo sayo last time na nagkita kayo. Ewan kung saan niya nakuha ang address. Ang naisip ko lang nun eh sundan siya dito. Isinama ko na yung kambal kasi sila lang ang pwede baka kasi magkasapakan eh wala naman akong lakas na umawat. Alam mo namang mahal ka pa nun. Ramdam mo naman diba?"

"I know." umiwas siya at naglakad papunta sa sofa at umupo. Tinabihan naman siya ng pinsan niya. "I just don't have anything to say for now. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya."

"Gaano ba kahirap mag explain insan? Ni hindi mo ako binriefing man lang sa mga desisyon mo sa buhay edi sana natulungan kita at natulungan ko rin ang kaibigan ko. Mahalaga ka sa akin kasi para na rin kitang kapatid pero mahalaga din sa akin ang nararamdaman ng mga kaibigan ko. Mahalaga sa akin na makita silang masaya. Lalo na si Ezekiel. Iba kasi magmahal yun eh. Hindi sapat sa kanya yung dalawa o limang taon pa yan na pagmomove.on dahil amnesia lang makakapag palimot niyang mga ala-alang binabalikan niya. Sorry, pero ngayon sa kaibigan muna ako kakampi. Nakakaawa na kasi eh. Mas nakakaawa pa sa akin na never pang nag confess sa crush kahit ang lapit lapit lang sa akin at never nawala sa aking paningin."

"Susubukan ko. Susubukan kong i.explain lahat lahat sa kanya pero please baka pwedeng hindi muna ngayon?" pakiusap niya sa pinsan niya at hinawakan ang mga kamay.

"Dahil ba 'to sa sakit mo?"

Nanlaki ang kanyang mga mata at sinalubong ang mga nagtatanong na mga mata ng pinsan. "wh-what are you talking about?" mabilis siyang umiwas ng tingin at bumitaw mula sa pagkakahawak ng mga kamay nito ngunit hinawakan ni Mario ang dalawang balikat kaya nakita niya ang pag iiwas neto sa kanyang tanong.

Goodbye Lover (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon