CHAPTER I.III

3K 82 2
                                    




Angelique laid still, Unmoving in the single hospital bed. Nakatingin lamang s'ya sa puting kisame, Kumukurap at humihinga.







Sa ganitong tagpo sya naabutan ni Manang Lisa. Namula muli ang pugtong mga mata n'ya ng makita ang kalagayan ng Babae. Maputla, At tila ba balisa. Ibang-iba sa masayahin at palangiti nitong hitsura araw-araw.







“Jusko! Hija..” Pagdalo ni Manang Lisa, At hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Angelique. “Pasensya ka na! Pasensya ka na!! Kung napalaki ko siguro ng maayos si Archer ay hindi ganito ang asta ng batang 'yon. Hija, Pasensya na at ikaw ang nahihirapan dahil sakan'ya. Pasensya na, Kasalanan ni manang.” Humagulhol ang matanda.







Angelique broke out from her daze. Nagbago ang ekspresyon n'ya ng makitang halos nakaluhod na ang matanda, At umiiyak pa ito. Dali-dali n'yang tinulungan na makatayo si Manang Lisa, “Manang, Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyayari sakin ngayon.” Pagaalo niya.








“Sa totoo lang, Ako ang may kasalanan kung bakit siguro naging masama ang ugali ni Archer. Kasalanan ko naman lahat eh..” Saad ni Angelique, At malungkot na ngumiti. “Kung hindi ko s'ya pinilit magpakasal sa'kin nung una, Ay hindi naman kami aabot sa ganito... Kung tutuusin pa nga.. Mabait pa nga s'ya eh. Pumayag pa s'ya sa kasal namin..”






Archer was heartbroken when Angelique met him.. Iniwan s'ya ng dating Nobya na si Maya, Upang magpatuloy sa career nito sa Ibang Bansa. She ended their six year relationship easily, just like that.







She fell inlove with him-at-first-sight. Dahil mula lamang sa mga bulong-bulungan n'ya usually napapakinggan ang napaka-perfect na Heir ng Roswell group of Companies. Hindi n'ya pa noon nakikita si Archer; So when she met him, She felt as though everything around them disappeared. Tila ba meant to be silang magkita, at magka-inlovean.





Angelique begged her parents. Hunger strike, Pag-iyak, Pagmamakaawa.. Lahat yata ng methods ay ginawa n'ya para lang ipakasal sila ni Archer.







In the name of Business ay ikinasal sila. Angelique was the happiest woman on Earth, But Archer was livid; He despised every fibre of her being.








Dahil naging mitsa ito ng tuluyang pagbe-break nila ng girlfriend n'ya noon na si Maya. Kahit pa nais talaga ng babaeng makipaghiwalay sakan'ya, Dahil mas pinili nito ang career ay ibinuhos ni Archer ang galit kay Angelique.










“Siguro manang, Deserve kong masaktan ng ganito.” Mahinang saad ni Angelique.

His Innocent Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon