CHAPTER VI

5.9K 166 84
                                    


Inignora ni Archer ang sinabi ni Angelique. Hinawakan n'ya ang pulsuhan ng babae, at hinila ito papabalabas ng Bar.




“Hey! Hey! Why are you pulling my arm?! Masakit! Bitawan mo nga ako!” Pagpupumiglas ni Angelique, At pilit tinanggal ang kamay ni Archer sakan'ya, Ngunit mas malakas ang lalaki.




Tumigil sila sa harap ng isang sasakyan. Duon lamang s'ya binitawan ng lalaki. “Get in.” Utos ni Archer kay Angelique.






Napa-cross arms si Angelique. Tinaasan n'ya ng kilay si Archer, Conveying through her eyes her confusion and annoyance. “Bakit ako sasama sa'yo? Sino ka ba?”





Archer growls. “I just saved you Earlier! Sa gan'yang hitsura mo, Kapag hindi kita hinatid pauwi, Baka mapano ka pa.”





“Why are you angry?!” Angelique unconsciously felt upset. There was a nagging feeling in her chest. The man infront of her was affecting her so much! Eh kakakilala pa nga lang n'ya sa lalaki eh! How could she feel this way?!







“Just get in the car!” Bulyaw ng lalaki, At pinagbuksan s'ya ng pinto.





She glares at him. Tinapunan n'ya ng masamang tingin ang lalaki. Kahit ayaw n'yang sumunod, Ay wala na s'yang nagawa kundi tuluyang umupo sa front seat.





Angelique knows she shouldn't just get into anybody's car, Just because they asked— No, Demanded her to. Iba na ang panahon ngayon, Ngunit hindi niya alam kung bakit matic ng sinusunod niya ang utos ng lalaki.





“If you're a serial killer, Just know my parents wouldn't let you see the sunrise ever again.” Pagbabanta niya kay Archer, At ipinikit ang mga mata.








For some strange reason, Dinapuan ng antok ang pagkatao niya. Hindi niya alam kung marahil, dahil sa pagod O dahil sa.. Tila baga pamilyar na Presensya ng lalaki, na nagpapakalma sa hindi niya mapakaling puso. Angelique doesn't know. Ngunit, isa itong pala-isipang nais niyang ipagsabukas. Bihira siyang dalawin ng Antok. The suffocating yet comforting atmosphere, and his scent lulled her into a slumber.








Tiim bagang na nagda-drive si Archer. Hindi siya makapaniwala sa ginawa niya, At sa nangyari sa loob ng Bar. If he was given more time, he would have done something way worse.. But Angelique. He knew he needed to get her away from that place as soon as possible.






Napabaling ang tingin niya sa mahimbing ang pagkakatulog na si Angelique. Nakapikit ang mga mata nito, natural na kulot ang mahahabang pilikmata. Matangos na ilong, at perpekto ang hulma ng bawat maliit na detalye sa mukha ng babae. She really looks like an Angel.







Sa isang iglap, Binaha siya ng alaala ng nakaraan..









Sa ilalim ng sinag ng Araw, Mayroong isang napaka-gandang babaeng naka-ngiti. Isang ngiti na punong-puno ng sinseridad— Walang anumang halo ng kamunduhang kasalanan. Tuwang-tuwa itong nakikipaglaro sa mga bata, at tila ba kinalimutan na ang mundong nakapaligid sakaniya.







.. In his chaotic world, she remains his only peace. Perhaps, she always has been.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Innocent Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon