CHAPTER IV.III

3.2K 94 4
                                    

SOVEREIGN AIRPORT






"Anong kagulahan 'to? Bakit n'yo hinaharangan ang dadaanan namin?" Asik ni Richard sa mga lalaking nakabalandra ng malapit na silang mag-board sa Private Jet.







Tila ba walang narinig ang mga lalaki, At nagpatuloy sa walang kibot at pagharang. Mapapansin mo rin ang mga Naka-engrave na initials sa mga suot nilang suits- some have 'C. Sovereign', While some were outright 'Arch. Roswell'.









Ng mapansin ni Richard kung kaninong mga tauhan ang pumipigil sakanila, Uminit ang kan'yang ulo.








Damned Roswell! Ano pa bang gusto nitong habulin sa anak n'ya, At pinipigil pa ang pag-alis nila sa bansa?! Hindi pa ba sapat na sinaktan na nito ang anak nila? Hindi pa ba sapat na wala na ang apo niya?








And that Cadmus Sovereign! He should've known. Napamura si Richard sa isip-isip. Hindi na dapat sila sa Sovereign nagpunta. Magka-kaibigan sina Archer at Cadmus. Isa ring prominenteng Businessman sa bansa.








One of Cadmus' Secretary arrived. Secretary Han. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy, Dahil alam na nito ang gagawin.









"Mr. Elizalde, Nice to see you here." Ngumiti ang lalaki ng pormal. Napaismid si Richard. Napaka-peke. Ngayon, Sigurado na s'yang planado na lahat ito ng Roswell na 'yon.








"What's the meaning of this? Bakit nyo kami hinaharang?" Deretsahang saad niya. "Anong inutos sayo ng Amo mo?"








Makahulugang nakipagtalastasan ng titig ang sekretarya. "Mr. Elizalde, Wala pang jurisdiction ang Divorce ni Young Master Roswell, At Young Mistress. Hindi kayo pwedeng umalis ng Bansa."









"Kalokohan! Anong laro ba ang gusto ni Roswell?! Why is he pushing us in the wall? Kailangan ni Angelique ng bagong environment! Makaksama sa kalusugan n'ya na manatili pa s'ya rito!"







"Then by all means, You can take her anywhere in the Philippines. Young Master Sovereign is willing to lend a helping hand- Any island under his name is at your disposal. All the Roswell properties and Islands too." Lintanya ni Secretary Han.







Anong iniisip ni Archer at hindi sila maaring lumabas ng Bansa? Bakit tila baga adamant ang lalaki sa gusto nitong mangyari?







Control. Ito siguro ang nais ni Archer. Gusto n'yang kontrolin ang Sitwasyon; Gusto nitong kontrolin si Angelique. He is unwilling to let her go off the hook easily.








Hindi makakapayag si Richard sa nais ni Archer. Masyado nang maraming pinalampas si Richard na kagaguhan ng lalaki sa Anak.







"If the Divorce is still pending, Then cancel it. Aalis kami, Sa ayaw at sa gusto nyo." Sa galit ay naiusal n'ya.







Secretary Han looked like he expected this answer from Richard. Tumango s'ya, At umalis na ang mga Security na nakaharang.








"Have a safe flight Mr. Elizalde." Secretary Han bows.








Richard's brain worked a hypothesis. Roswell didn't want to part with his daughter.. Ayaw ng lalaki ng Divorce.








Pati s'ya ay nagulat sa naisip. Napakunot ang kan'yang noo. "Steve, Sunduin mo Si Lanie at ang anak namin. Dalian mo. Unstable si Roswell. His mind may be reeling for now... The tide is calm, But there's a strom brewing."









Steve nods. Ilang saglit pa ay nakasakay na sa Private jet ang mga Elizalde.








Nawindang si Lanie sa kinuwento ni Richard. Napakapit tuloy s'ya sa kamay ng Anak, Dahil takot s'yang mawala ito.








Angelique was fast asleep inside the plane. Mahimbing ang tulog ng babae. Marahil pagod pa ito at ang katawan n'ya dahil deretso airport s'ya galing hospital.







She's unaware of what happened. She remains innocent to everything that revolves around her.

His Innocent Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon