[Note: If you would like, You could listen to Hiling by Mark Carpio while reading this chapter ^^]
______
“Manong, Pakidalian po please. Para maabutan natin si Archer.” Saad ni Angelique, At aligagang tumingin sa labas ng bintana habang gumagalaw ang sasakyan.
Gusto n'yang habulin at tanungin si Archer ng mga katagang bumabagabag sa isipan n'ya. Gusto n'yang malaman, Gusto n'yang marinig sa bibig n'ya mismo kung anong dahilan.. Kung anong dahilan at hinding hindi s'ya nito magawang mahalin.
Ano bang pagkukulang n'ya? Anong pagkakamali? Anong mali sakan'ya?
Mistulang nakikiayon ang panahon sa nararamdaman n'ya. Umuulan na ng malakas, At makulimlim. Tumigil ang sasakyan sa matayog na Building ng Roswell Holdings.
Nanlaki ang mga mata n'ya ng makita ang pagbaba ni Archer sa sasakyan nito. Agad na pinayungan si Archer ng tauhan nito.
Nabuo ang determinasyon ni Angelique. Mayroon sigurong gustong iparating ang tadhana sakan'ya, At sa pagkakataong ito'y naabutan n'ya pa si Archer.
Binuksan n'ya ang pinto ng sasakyan. She wanted to run across the street to beg him to pray tell her, What reasons does he have to leave her just like that? Kahit pa umabot s'ya sa puntong magmakaawa, H'wag lang s'yang iwan nito..
“Honey!..” Mayroong yumapos kay Archer, At tumingala sakan'ya ng malawak ang ngiti. Maganda ito, At naka-postura.
Archer didn't look like he detested the touch of the woman, Kabaliktaran ng reaksyon ng lalaki sakan'ya. Sa katunayan pa nga ay mayroon ring ngiti na naglalaro sa mga labi nito.
Angelique froze in the middle of the street. Nagmistulang estatwa s'ya, At naging saksi kung paano itrato ni Archer ang babaeng nasa bisig nito.
Hindi hinayaan ng lalaking mabasa ni ang buhok ng babae. Archer pulled the woman closer in his arms. When she laughed, He kissed her forehead. Maagap rin ito ng papasok na sila ng building, at pinagbuksan pinto ang babae.
Nasagot sa isang iglap ang mga tanong ni Angelique.
Kaya hindi s'ya magawang mahalin ni Archer, Ay dahil may laman na ang puso nito.
Kaya s'ya gustong hiwalayan ni Archer ay dahil may mahal itong iba.
Even if she begs him to stay.. And Even if he has a million reasons to... A man will chose to leave if he wants to leave.
May nagmamayari na ng puso ng lalaki. Simula't sapul— It's always been her.. It's always been that woman.
Tinago ng ulan ang mga pumapatak na luha ni Angelique. Gamit ang buong lakas ay tumalikod s'ya. Wala na. Natalo na s'ya sa laban.
Isang hakbang papalayo.. Nasapo ni Angelique ang dibdib. It hurts so much. It hurts. It hurts.
Siguro mas mabuti na ang ganito. Kahit isa sakanila ay magkakaroon ng masayang buhay. Hindi na s'ya masisisi ni Archer. Hindi na magiging malungkot ang buhay ng lalaki.
“Baby, Tayong dalawa na lang. Okay lang ba 'yun sayo?”
She caresses her stomach. Archer may have taken her heart; But he left a little bundle of joy for her.
Tama na 'yon para sakan'ya. Simula ngayon.. Sarili naman n'ya ang mamahalin n'ya.
Umalingawngaw ang preno ng isang sasakyan. Napataas ang ulo ni Angelique, At nanlaki ang mga mata n'ya ng makita ang isang truck na papalapit sakan'ya— at mabilis ang takbo nito.