"Nagtaksil sa akin ang asawa ko, kailangan ko ang tulong mo."
^^^^^
"Yes! Salamat at milyonaryo na ako!"
^^^^^
"Sana magustuhan niya rin ako."
^^^^^
"Nandito ako para ipapatay ang taong ito."
^^^^^
"Mahal ko siya, at gagawin ko ang lahat mapasa-akin lamang ang taong mahal ko!"
^^^^^
"Hindi ako! Hindi ako ang may kagagawan!"
^^^^^
"Wala! Wala akong alam!"
^^^^^
"Mama, Papa, tulungan niyo ako!"
^^^^^
"Anak.. Bakit mo ito nagawa?"
^^^^^
"Labag sa batas ng Diyos ang gawain mo! Pakiusap! Itigil mo na ito!"
^^^^^
"Marco! Marco! MARCOOOOO!!"
^^^^^
Ako si Marco, ang isinumpang tao para pagdusahan ang ginawang pagtataksil at pagtalikod ng aking ama sa kanilang lupon.
Noong una, wala akong alam. Hanggang sa natuklasan ko nalang na may kakayahan ako. Isang hindi ordinaryong kakayahan na kailanman hindi ko pinangarap makuha.
Para sakin, isa itong bangungot na dapat ay ikagising ko.
Ayoko nito, pero nandito na, nasa akin na.
Wala akong magagawa.
Wala akong takas.
Kailangan ko itong harapin.
Ako ang sumpang nagbibigay sumpa at tumutupad sa kahit na anong kagustuhan.
Sinumang humiling ay aking pakikinggan, at tutuparin ang kanyang kahilingan.
Ngunit lahat ay may kapalit..
KALULUWA MO?
NIYA?
O KAHIT NA SINO.
Sugatan mo sila at kunin ang patak ng kanilang dugo.
Ibigay mo sa akin ang pulang likidong dumadaloy sa katawan ng taong iyong gagawing sakripisyo. Yun ang aking magiging tulay para makuha ang kanyang...
KALULUWA at BUHAY!
Kahit sino, handa kong paglingkuran.
Basta ba, handa ka rin sa magiging kabayaran?
Handa ka bang magsakripisyo?
Handa ka bang tumbasan ang hinihiling mo?
Kaya mo bang harapin ang kahihitnan ng pagiging makasarili mo?
Muli, ako si Marco.
Ito ang kapalaran ko.
Ito ang buhay ko.
Ito ang kwento ko.
Ito.. AKO.
Ako ang...
"The Curse Master."
All Rights Reserved 2016
*RoyalHime's Memos:
*No to Plagiarism
Ang obrang ito ay prinoprotektahan ng "Philippine Copyright Law (o mas kilala sa tawag na Republic Act No. 8293).
*Paunang - Paalala:
Ang kwentong ito ay hango lamang sa malikot na imahinasyon ng may-akda. Hindi nito intensyon ang manakot. Datapwat ang tema nito ay "paranormal o horror", hindi ibig sabihin ay purong katatakutan ang nilalaman nito. Ito din ay tumatalakay sa isang napakaimportanteng paksa, ang relihiyon.
*Iba pang Mensahe:
Ayoko sa "demanding readers", matuto sanang maghintay. Hindi minamadali ang pagsusulat.
Ang pag-a-update ay hindi palagian. Basta, mag-a-update nalang ako. Atleast, nag-a-update parin, kesa naman sa wala.
Malaya kayong mag-komento, pero sana yung katanggap-tanggap naman. Alam niyo na siguro ang ibig kong sabihin.
Sana pala may mapulot kayong leksyon sa kwentong aking ibabahagi sa inyo.
Salamat.
Ang unang kabanata ay susunod na.
*To God be the Glory. :) <3

BINABASA MO ANG
The Curse Master
ParanormalHindi lubos maisip ni Marco na mayroon siyang isang kakaiba at nakakatakot na kakayahan. Ang medalyon, na may kakayahang tuparin ang kahit na anong kahilingan, ngunit kaakibat nito ang sumpa sa sino mang kanyang gagantimpalaan. Gustung-gusto ni Marc...