*RoyalHime: Ang unang kabanata ay nalimbag na. Mag-uumpisa ang kwento sa nakaraan, papunta sa hinaharap. Wag sanang mainip sa medyo may kahabaan na pagbabalik-tanaw. Iyon kasi ang plano ko sa kwentong ito. Gusto kong makilala niyo ang bida, kung paano siya nagkaroon ng pambihirang kapangyarihan, at kung saan ang kanyang pinagmulan. Siya nga pala, yung mga naka-ITALICIZED LINES at naka-BRACKET, iyon ang POV ng bida ng kwentong ito, ang BINATANG Marco ng kasalukuyan. :)
*Flashback... (Noong 10 taong gulang palang ang bida.)
*Third Person's Standpoint*
Napakatahimik ng gabi. Tanging ingay ng maiingay na huni ng mga insektong gubat ang maririnig sa masukal at madilim na lugar na ito.
Hindi sapat ang liwanag ng buwan upang bigyang tanglaw ang kagubatang nababalutan at natataniman ng mga mayayabong at matataas na punung-kahoy. Idagdag pa ang napakabanayad na ihip ng malamig na hangin na isinasayaw ang iba't-ibang punong kanyang madadaanan. Maganda kung pagmamasdan, pero nakakatakot puntahan.
["Nasaan ako?"]
["Anong lugar ito?"]
Sa kabila ng nakakatakot na kadilimang bumabalot sa gubat na ito, may isang binata ang napunta dito. Ngunit, isang pagtataka ang nag-marka sa kanyang isipan.
["Paano ako nakarating dito?"]
"Hindi ka makakatakas sa'min, Hernando! Isuko mo na ang medalyon! Sumuko ka na!"
["May tao? Sa ganitong lugar?"]
"Hindi! Hinding - hindi ko isusuko ang medalyon na ito! Dadaan muna kayo sa bangkay ko bago niyo 'to makuha."
["Teka.. Parang pamilyar ang boses na iyon ah?"]
"Matigas ka ah?"
Sa mga boses na narinig, binilisan ng binata ang paglalakad patungo sa mga nauulinigang mga tinig. Animo'y, napukaw ng mga boses ang kanyang pansin.
Nang makita ang pakay ay nagkubli siya sa likod ng mayayabong na talahib upang mapakinggan ng maigi ang mga boses.
"Anak, tumakas ka na. Dalhin mo ang medalyon na ito. Itong bagay na iyan ang magliligtas sa iyo."
"Huhuhuh.. Itay, bakit nila tayo hinahabol? May kasalanan ka ba sa kanila? Bakit hindi nalang po tayo makipag-usap ng maayos at humingi ng tawad?"
["Sino sila?"]

BINABASA MO ANG
The Curse Master
ParanormalHindi lubos maisip ni Marco na mayroon siyang isang kakaiba at nakakatakot na kakayahan. Ang medalyon, na may kakayahang tuparin ang kahit na anong kahilingan, ngunit kaakibat nito ang sumpa sa sino mang kanyang gagantimpalaan. Gustung-gusto ni Marc...