*RoyalHime: Ang pinaka-pokus ng kabanatang ito ay kay Balo, ang albularyo. May nakagigimbal na balita dito tungkol sa batang Marco. Kung ano iyon? Basahin niyo na lang. The Golden Dagger is above. Para saan iyon? Kayo mismo ang magbasa at tumuklas. ;)
*PS: Pakisuportahan. Salamat. :)
"Kailangan kong masigurado kung ang batang iyon nga ang magiging mitsa ng panganib sa nayon." bulong ni Balo sa sarili habang binabagtas ang daan patungo sa sikretong tirahan ng kanyang kaibigang ermitanyo.
Huminto siya sa kumpulan ng malalaking tipak ng bato. Kasing-lalaki ng mga ito ang isang bahay-kubo.
"CAVUS UPANAZ!" sigaw niya sa harap ng isang malaking bato na nababalutan ng berdeng lumot.
Bigla nalang yumanig ang paligid at unti-unting luminis na parang hindi man tinubuan ng lumot ang kanina'y malumot at berdeng bato na nasa harapan niya. Naging kasing kinis at kasing puti ito ng marmol.
"Maaari na ba akong tumuloy, kaibigan?" tanong ni Balo na waring nasa harapan lang niya ang kanyang kausap.
Kuminang lamang nang maliwanag ang bato na naging dahilan para masilaw at mapapikit si Balo sa sobrang sinag nito.
"Nandito na ako." sa isip niya.
Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang isang matandang abala sa kanyang ginagawa.
"Naparito ka?" tanong ng ermitanyo ng hindi man lang tumitingin sa kadadating lang na si Balo.
Lumapit si Balo sa kinaroroonan ng matanda, ang ermitanyo.
"Bumalik ako upang ipaalam sayo na may nakita akong bata sa gitna ng kagubatan."
Napatigil ang ermitanyo sa sinabi ni Balo at hinarap niya ang bisita ng may pagkaseryoso ang mukha.
"Isang bata?" ulit niya.
"Oo.. Ngunit hindi parin ako nakasisiguro kung siya nga ang tinutukoy mo."
Nilapitan siya ng ermitanyo upang makipag-usap ng maayos at nang marinig niyang mabuti ang hatid niyang balita.
"Ang batong buhay na ibinigay ko, iyon ang makapagpapatunay na siya ang itinakda."
"Alam ko, kaya ibinigay ko sa aking kaibigang mag-asawa ang bato at sinabihan sila kung ano ang dapat gawin. Sinabi ko rin na tawagin nila ako kung may kakaiba mang mangyari."
"Mabuti." maikling tugon lamang ng ermitanyo at ipinagpatuloy na ang kanyang ginagawa.
"May ibig sana akong itanong.." banggit ni Balo.
"Ano yon?" sagot naman ng ermitanyo habang may dinidikdik na halamang gamot.

BINABASA MO ANG
The Curse Master
ParanormalHindi lubos maisip ni Marco na mayroon siyang isang kakaiba at nakakatakot na kakayahan. Ang medalyon, na may kakayahang tuparin ang kahit na anong kahilingan, ngunit kaakibat nito ang sumpa sa sino mang kanyang gagantimpalaan. Gustung-gusto ni Marc...