*Third Person's Standpoint:
Napakapayapa ng lugar. Marahil, dahil ito sa sobrang katahimikang bumabalot dito. Mapapansin din na sobra ang kaputian ng lugar na waring hindi pa nababahiran ng kahit na anong kulay. Purong puti lamang ang makikita, ngunit nakakasilaw na parang sa araw.
Sa lugar na ito, isang binata ang nakahiga. Siya ay mahimbing na natutulog. Nagising na lamang ang diwa niya sa isang pagtawag.
"Marco.."
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanyang paningin ang kakaibang lugar.
Napatanong siya sa kanyang sarili.
"Na-Nasaan ako?" ang mahinang usal ng binata.
Puro puti ang kanyang nakikita at nakakasilaw ito para sa kanyang mga mata. Hindi niya mabuksan ng lubusan ang kanyang mga mata dahil na rin sa sobrang liwanag.
"Anak.."
Ang boses ay patuloy sa pag-alingawngaw sa buong silid. Hinanap ng kanyang mga mata ang pinanggagalingan ng tinig ngunit hindi niya ito mahagilap dahil sa liwanag na tila nagkukubli sa buong lugar.
"Anak.." pag-uulit ng tinig.
"Pakinggan mo ako." pagpapatuloy pa ng tinig.
"Si-Sino ka?" nag-uumpisa na siyang gapangin ng kaba dala marahil ng misteryosong tinig na kumakausap sa kanya.
"Wag kang matakot."
Dahan-dahan siyang umayos at umupo sa kanyang kinalalagyan. Hindi siya umimik, pero patuloy pa rin ang paglibot ng kanyang paningin sa buong lugar.
"Ako ang nagdala sayo rito."
Biglang bumalik sa kanyang gunita ang kanyang mga nakita bago siya mawalan ng ulirat. Naalala niya rin na may biglang humawak sa kanya dahilan para siya'y mawalan ng malay.
"Anak.." mahinahong tawag ulit sa kanya ng boses.
Hindi niya mawari pero parang nakikilala na niya ang nagmamay-ari ng tinig. Kaya sinagot niya ito.
"Ikaw ba ang..." paputol niyang bulong dahil hindi rin siya sigurado sa sasabihin.
Tumahimik ang paligid. Unti-unti ring lumilinaw ang kanyang nakikita sa paligid. Tila nawawala ang makapal na kaputiang kanina'y nagtatakip sa buong lugar. Maging ang nakasisilaw na liwanag ay unti-unting nababawasan. Hanggang sa nakita niya ang isang pigura sa tapat kung saan siya nakaupo ngayon.
"Marco." nakangiting pagbanggit nito sa kanyang pangalan.

BINABASA MO ANG
The Curse Master
ParanormalHindi lubos maisip ni Marco na mayroon siyang isang kakaiba at nakakatakot na kakayahan. Ang medalyon, na may kakayahang tuparin ang kahit na anong kahilingan, ngunit kaakibat nito ang sumpa sa sino mang kanyang gagantimpalaan. Gustung-gusto ni Marc...