Umpisa ng Pagtuklas

21 1 0
                                    

*Sa pagpapatuloy...


Nag-umpisang magtanong ang binata sa lalaking kasama niya.


"Kayo ba talaga ang ama ko?"


"Oo. Ako nga. Ako ang iyong ama."


"Pero, bakit hindi ko kayo makilala?"


Napahinto naman siya at nag-isip. Hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin, o hayaan ang anak na makatuklas ng lahat. Sa bandang huli, mas pinili niyang sagot na kunwari wala siyang nalalaman.


"Hindi ko rin alam. Marahil may dahilan kung bakit hindi mo ako makilala."


"Di ba patay ka na?"


Napatigil naman siya sa sinabi ng anak. Tama ito, patay na siya. Mukhang nakita niya sa alaala nito ang sinapit niya.


Ngumiti ito ng mapait bago sumagot.


"Oo. Noong sampung taong gulang ka palang." na-estatwa naman ang binata sa narinig.


Paanong ang patay ay nakakausap pa niya? Kung siya ang ama niya, hindi kaya kaluluwa ito ng kanyang ama? Pero paano? Paano siya nito nakakausap? At isa pang bumabagabag sa kanya ay ang biglang paglitaw niya sa lugar na ito na tila pamilyar sa kanya.


Ang tanging naaalala lang niya ay patawid siya ng kalsada at may rumaragasang kotse na papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi kaya...


"Kung iniisip mong patay ka na, nagkakamali ka." biglang nagsalita ang kanyang ama dahilan para mapatingin siya rito. 


Bahagya siyang nagulat dahil parang nabasa nito ang kanyang iniisip. Muli nanamang tumingin sa malayo ang kanyang ama.


"Tulad ng sinabi ko, marami kang tanong sa iyong sarili na tanging ikaw lamang din ang makakahanap at makasasagot." pagpapatuloy nito.


Tumingin siya ulit sa anak, na may halong pangungulila.


"Ginagabayan lamang kita dahil iyon ang binitawan kong pangako noong bata ka pa." hindi niya inaasahan ang pagtulo ng luha nito.


Natulala siya sa lumuluhang kaharap niya... ang kanyang ama.


Pinunasan nito ang mga luhang tumulo na at pinigilan ang sariling maluha bago muling magsalita.


"Basta ito ang lagi mong pakatandaan Marco, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka ng ama mo." madamdamin nitong pahayag sa kanya.


Nilapitan siya nito at hinawakan sa ulo. Tinignan pa siya nito ng maigi na parang kinakabisa ang bawat detalye ng mukha nito. Saka nito inilagay ang kanang kamay sa kanyang kaliwang balikat, at marahan siyang tinapik ng tatlong beses.

The Curse MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon