Pangungulila

31 1 0
                                    

*RoyalHime: Natagalan ako. Buti nalang may drafts ako. Oo nga pala, nasa itaas na ang kakatawan sa binatang Marco. Magkomento kung ayos lang ba ang tinatakbo ng kwento. Salamat sa pagbabasa. :)



"Ano ang nais mong ipahiwatig sa mga katagang binitawan mo kanina?" tanong ni Lando kay Balo.


Kasalukuyan silang nasa bahay ng mag-asawa na pinagdalhan sa batang si Marco. Ang dalawang lalaki ay nag-uusap, at ang babae naman ay abala sa pag-aasikaso sa bata.


"Ang batang iyan ang magdadala ng sumpa at lagim sa ating nayon. Siya ang sinasabi ng ermitanyo na batang may sumpa." sabi ni Balo habang nakatingin sa walang malay na bata.


Napakunot naman ng noo ang nakikinig na binata sa tinuran ng lalaking may kulay asul na bandana sa ulo at sari-saring mga kwintas na nakasabit sa leeg nito. Sa tingin niya, mga buto ng hayop at halaman ang mga iyon. Nawi-wirduhan siya sa itsura nito.


"Teka Balo, hindi ko talaga maintindihan eh. Ang ibig mo bang sabihin, siya ang batang isinumpa para magkalat ng kasamaan dito? Eh bata lang siya." nagtatakang tanong ni Lando.


"At maamo ang kanyang mukha na hindi kababakasan ng kahit na anong kasamaan." pagsegunda naman ng kanyang asawang si Teresa.


Tumango-tango naman ang nakikinig na binata sa narinig na pahayag ng dalawang mag-asawa bilang pagsang-ayon. Tila natutuwa siya sa pag-depensa ng mga ito sa bata. Teka, bakit nga ba siya natutuwa?


Napabuntong hininga nalang si Balo sa kanyang mga narinig. Hindi kasi masyadong mapagpaniwala sa mga kababalaghan at kakaibang bagay ang mag-asawa. Kung sa bagay, hindi pa nakakakita ang mga ito ng mga nakakatakot at kahindik-hindik na mga nilalang. Ang isang katulad niya lamang yata ang may kakayahang makakita sa mga iyon sa kanilang lugar.


Siya rin ang tinatakbuhan kung may nangangailangan ng tulong ukol sa mga bagay na hindi maipaliwanag. Isa siyang manggagamot at mananawas. Sa madaling salita, isa siyang albularyo na itinuturing na magaling ng mga kanayon niya dahil sa kakayahan niyang magpaalis ng kahit na anong nilalang tulad ng masasamang espiritu at elemento, at nanggagamot rin siya ng kahit na anong uri ng karamdaman.


"Kayo ang bahala, aalis na ako. Mukhang wala namang malaking pinsalang natamo ang batang yan bukod sa mga galos niya sa kanyang mga paa dulot marahil ng kakatakbo. Heto ang itim na bato, ipahawak at ibabad niyo sa tubig na pinagliguan niya. Sa oras na may mangyaring kakaiba, puntahan niyo agad ako." iniabot ni Balo ang bato kay Lando at tuluyan ng lumabas ng bahay ng mag-asawa.


Nakita naman ng binata ang bato, at kitang-kita niya kung paano ito mag-iba ng kulay pagkaabot na pagkaabot nito sa lalaki. Naging puti ito!


"Ano namang gagawin natin sa batong ito? Panghilod ng katawan o pangtiradol ng ibon?" ang natatawang suhestiyon ni Lando sa asawa.


Napahagikgik naman ang binata sa narinig.


"Hahaha. Ikaw talaga Lando, kapag narinig ka niyan ni Balo.. Akin na nga yan, ako na ang magtatago. Mamaya, kapag nagising ang batang ito, doon ko siya paliliguan. Paliliguan ko siya sa batya para yung tubig na gagamitin niya ay hindi gaanong mabuhos, saka ko ilalagay ang bato."

The Curse MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon