Nauna na siyang lumabas, naiwan ako sa loob, bago ako lumabas ay naglagay ng makapal na winter coat, buti nalang at kuniha ko. Nag-sumbrero, sunglass at face mask, ang lamig ehhh... malamang December na ehhh!
Pagkalabas ko ay nasa isang ground kami at maraming SNOW! Nakita ko si Vera na nakanganga ng todong-todo!
"BIBIG MO!" sigaw ko sa tenga niya kasi ehhhh... ganda ng tulog ko, gisingin ba naman ako. Tumingin siya sakin ng masama at hindi ko nalang iyo pinansin at tumingin sa harapan.
"Not bad" sabi ko at nagtuloy- tuloy na maglakad. Narinig ko namang napasigaw si Vera ng matinis, sabay sabing "Mom, Dad did you heard that? it is the fifth time I heard her said that after so many years!" sigaw niya
Napa-roll eyes nalang ako sa inasta niya it sn't normal for her to be like that. Ano bang nangyari sa kanya at nagkaganun siya ng todo?
Nag-tuloy tuloy ako sa pag-lakad papasok na sana ako sa malaking gate pero biglang may sumulpot na guard.
"Are you a transfer student?" napataas yung kilay ko sa sinabi niya.
"Ayyy... hindi mag-aapply ako ng trabaho ako dito" taas kilay at sarkastikong sabi ko. Magsasalita na sana siya kaso dumating sina papa. Grrr... buti nalang papatikman ko pa naman sana ito ng mental destruction (brainwash) ko ehhh! Tss... pasalamat siya!
"Kasama naming siya, Drey" ma-authoridad na sabi ni papa
Yumuko ito bilang paggalang. Pero bago pa kami makapasok ay nagsalita si Drey (guard).
"Zio, anak mo sila?" Drey
"Mukha ba akong matanda para maging apo ko sila" sarkastikong sabi ni papa.
"Kaya naman pala kasi nagmana siya sayo" sabi niya at umirap. Ako ba yung tinutukoy niya? Tss...whatever, baka makatay ko pa yan!
"Pwede na kayong pumasok" Drey
"Alangan namang lumabas, tsk. Kahit konting common sense naman sana ang gamitin mo" sabi ni Vera.
Go! Itayo ang bandera ng mga AGATHMORE! Hihihi...
"Not bad" sabi ko nung nakita ko ang malaking academy. Ayaw ko nang umasa na isa ito palasyo kasi yun ang laging iniisip ng mga bida sa wattpad.
Pagpasok namain ay maraming estudyante ang napatingin sa gawi naming. Marami narin ang nag-silapit. Maraming naka-winter coat pero meron ring hindi gaya ni Vera. Sabi kasi ni Krieger na apoy, tubig, barrier, at mind reading muna ang gagamiting power ko kaya nga ako naka-jacket ehhh... kasi meron akong power na apoy... dahil kung tag-lamig ay walang-wala ang mga fire attribute so I'll gonna act as one. Sabi naman ni Elise na ice, mind reading, illusion naman ang element na gagamitin ni Vera kaya nga hindi siya naka-coat ehhh!
Maraming na-amaze kay Vera at ako naman ay nandidiri! Mabasa nga sila.
Ang ganda niya! (Vera) –G1
Bakit kaya nila kasama ang dalawang right hand ng hari at reyna? –B1
Wow ang ganda niya! –G2
(Unli tayo? Ganon -Synth)
Sino naman kaya yung isang yon? Hindi ba niya alam ang word na fashion? –Bitch
Tskkk...siguro panget yun? Tsaka wala siyang karapatan na lapitan si miss beauty at ang mga right hand ng mga ruler ng Mystique Kingdom. -Froggy
Baka maid, at anak nila yung maganda! –Bitch
Ligawan ko kaya yang MAGANDA? –Play boy
(Diniinan niya pa talaga yung word na maganda ha. -ako)
Pustahan tayo, sa loob ng 3 minutes mapapasakin yang si miss beautiful- PB
(Hahaha- si Vera mapapaibig mo? Tsssss, kung ako sayo ay wag na! baka sa Hospital bagsak mo at saka pustahan tayo sa loob ng 3 minutes nakalbo na kitang gag* ka!)
Deal! -mga PB
Pagtripan natin yung maid –G*g*
(Ano!? Ako maid!? Patayin ko na kaya to?)
Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad kasi baka mapatay ko pa yun! Bigla nalang na lumakas yung Gravitation at nabitiwan ko yung maleta ko, buti at nakaiwas yung maganda kong paa!
Naalala ko yung lalaking gustong mantrip sakin, fight is what you want? Fight is what you get! Itinapat ko ang kanang kamay ko sa gilid, hindi ko parin siya tinitingnan pero alam ko kung sino yun! Nag-form yung kamay ko na parang may sinasakal at sa isang iglap ay tineleport ko yung lalaki sa kamay ko kaya ngayon ay sinasakal ko siya.
Tumingin na ako sa direksyon niya at nakita ko ang itsura niyang gulat na gulat, pati narin yung mga taong nakatingin saamin. Nagsilabasan yung mga Cellphone nila at vinivideo kami.
Sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas at sinuntok ko yung mukha niya. Pumutok yung labi niya at dumudugo yung ilong niya! Sayang naman ang guwapo pa naman niya pero wala akong pake! Ginalit niya ako ehhh! Tinapon ko siya pataas at pagkababa niya ay tinuhod ko ng malakas at saka sinipa pakaliwa, nawalan na siya ng malay. Na-K.O tsskkk... weak!
Para sa huling revenge ko sa kanya ay sinipa ko ulit siya na parang soccer ball kaya napatalsik ng malayo! Napalakas ba? Bahala na!
Dahil siguro sa galit ko ay hindi ko sinasadyang paputukin ang mga nag-rerecord na mga phone. Hmmmp... bahala sila sa mga buhay nila! Nagulat naman sila sa nangyari pero hindi nila inakala na ako yun! Opppsss... wrong! tumingin sila sakin at nalamang ako ako ang may gawa.
Umirap nalang ako. Kung nag-tataka kayo kung hindi ko siya minental breakdown kasi hindi yun gumagana sa mga nandidito, yun ang sinabi sakin ni Krieger.
BINABASA MO ANG
Her Secret [Hiatus]
FantasyTwo people Two bodies Different genders Both powerful The same personalities Shared one same memory When they meet, will it work out between them? Meet the she and meet the he....