@7

2 0 0
                                    

     Biglang may nag-clap sa likod ko at nakita ko si Vera na pumapalakpak at sina mama at papa na napapabuntong hininga pero nakangiti.

Tumakbo si Vera palapit sakin at inakbayan ako! Langya! Kalbohin ko kaya, tsk, wag na baka ako pa ang pagkamalang baliw sa aming dalawa tsaka nakakahiya naman sa kanya –note the sarcasm!

"Ang lakas talaga ng TWIN ko!" diniinan niya yung twin at nakita ko ang gulat na expression nila! Napa-tsk nalang ako at ngumiti, buti naka face mask ako. At para sa sweet revenge ko...

Tinanggal ko yung winter coat ko at hinayaang mahulog kaya makikita na ngayon yung porma ko. Ohhh.... Ano kayo ngayon Tapos yung sombrero ko kaya winave ko ang ulo ko para naman magka-effect yung paghulog ng buhok ko. Sunod naman ay yung face mask ko at yung sunglass ko! Kaya ngayon ay makikitang magkamukha kami ni Vera.

Ngumisi ako kasi sa mga gulat na mukha nung mga nanonood! Ako pa! I always draw attention. Ngumisi ako at gumawa ng fire wall sa bawat gilid ng dinadaanan namin. Yung fire ko ay isang blue fire! Sabi ni Krieger na ako ang pangalawang Aran na nagkaroon ng blue flame at normal flame sunod kay Queen Krieger which is siya rin! Pinulot ko yung coat ko at sinuot ulit pero naka-open na ito kaya makikita parin ang mala-gangster kong suot.

Umalis na kami ni Vera sa pwestong yun at pumunta kina papa na natatawa. Binalewala ko ang mga sinasabi nila at nag-head phone nalang para wala akong marinig hanggang sa nasa tapat na kami ng isang malaking wood na door!

Pumaloob na kami at nakita ko ang isang malawak na opisina! Not bad.

"Essilia and Zio! Magandang hapon sa inyo! Ito ba sina Cresynthia at Halflia! Ang gaganda nila! Pumunta kayo at maupo dito!" sumunod naman kami ni Vera at umupo sa tapat niya pumunta naman sina mama at papa sa isang sofa medyo malayo samin.

"Just call me Vera po" Vera

Tumingin siya sakin, no way, sa tanan ng buhay ko hindi ako nagpapakilala! I hate introductions! Mukhang naintindihan ni Vera na ayaw kong magsalita kaya siya nalang.

"Sorry for her rudeness. Just call her Synth and she's my twin. She is cold" sabi niya. Teka sinabi ba ni Vera na complete opposite ko siya? Tskk... sinabi ba niyang hot-tempered siya? O di kaya'y parehong-pareho kami ng ugali? Tskkk... wag niyo siyang paniwalaan! Liar yan! Kumbaga Light siya at Dark ako, Masayahin siya cold ako parang ganun yon!

Tumango yung matanda. "Ako naman si Headmaster Rin! Welcome to Arandial Academy! Ito yung dorm keys, schedule at uniform niyo! Nasa dorm niyo na ang mga maleta niyo!" Luhhh... pabibo.

"K" sabi ko at akmang tatayo pero...

"Mapa, baka maligaw kayo" kinuha ko at tiningnan naming ni Vera saka ibinalik. Sinabi ko bang may photographic memory kami? Alam niyo na!

"Huh! Bakit? Ayaw niyo? Sige na baka maligaw pa kayo! *pout*" Nakakainis tong matandang to! Masyadong pabibo ehhh!

"No were not" cold kong sabi

"We have photographic memory HM" magalang na sabi ni Vera. Wow so ako na ang nagmumukhang masama dito! Tsk!

Her Secret [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon