Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Pupunta na sana ako sa banyo nang may nakita akong dalawang tao, isang lalaki at isang babae. Napangisi nalang ako, sabi ko na nga ba! Pagkatapos nun ay umalis na ako para mag-bihis, nasa hospital parin kami.
Nagbihis na ako at tiningan ang oras...4:08 am... ang aga naman. Lalabas na sana ako nung may humawak sa balikat ko... sisipain ko sana pero nakita ko si Vera na nakatingin sakin na para akong suspect!
"What?" I said in a cold tone.
"Let's talk" sabi niya.
"We are talking...SISSY" ako
"Meet me at the rooftop, TWINNIE" at nawala nalang siya, aba't iniwan ako ng gaga!
Naglakad nalang ako papunta don, bakit? Sayang kasi beauty ko kung walang makakakita... djk lang! Para naman kapanipaniwala na wala akong maalala!
Pagkatapos ng 3 oras... nandito na ako! Sa garden... Hahaha, kapag kasi pumunta ako sa rooftop magtataka na naman siya kung bakit alam ko ang daan. Umakyat ako sa puno at natulog na, wala naman kasi kaming klase dahil sabado ngayon.
Umusog ako ng kaunti sa bandang kanan ko kasi mainit dun ehhh... Hahaha! Baka sinag ng araw. Pero dahil may pagkabaliw ako ay triny ko itong yakapin at nagtagumpay naman ako! Teka nga--- NAGTAGUMPAY AKO!
Dahil sa gulat ko ay napabangon ako pati narin tong kumag na to! ARDIEN?
"What the hell!? Bakit ka nandito? Ano ng bang pangalan mo? Ape? Hindi... Chimpanzee? Gorilla? Baboon? Aha! Ace pala!" malamig kong tugon
"Tsk" edi...
"Tsk" ka rin! Syempre ako ng pangalawang nag-tsk.
"Makababa na nga lang" bumaba ako at sakto namang nakita ako ni Vera at inakay paalis.
"Bakit ba hindi ka pumunta sa Rooftop?" Vera
"Duhh... Alam ko ba kung nasaan yun?" Ako
"Oo nga pala, hindi mo maalala. Dun nalang tayo sa Dorm natin" at inakay na naman ako. Tapakan ko kaya? Wag na.
Nang makarating kami sa Dorm at Room niya ay nag-simula na siyang magpaputok ng armalite! -este bunganga niya.
"Nawalan ka ba talaga talaga ng ala-ala?" straight to the point niyang sabi.
"Ano pala yung sinabi mo? Hindi ko maalala ehhh..." ako
"Seryoso ako Synth" Vera
"Mukha ba akong hindi seryoso?" me
Tiningnan niya ako ng matalim.
"Fine! Prank ko lang yon!" me
Matapos ang usapan naming ni Vera ay nagpasiya na kaming pumunta sa dorm, pagdating naming ay nandun narin lahat ng mga royals.
"Anong ginagawa niyo?" Vera
"Truth or dare, dali sama kayo!" Ren
"K" Vera
Umupo kami ng pabilog at iniikot na ni Miar ang bote, natapat yun kay Spark. Ayon sa rules kung sino ang katapat ng nag-turn siya ang magtatanong. Tsaka 5 turns lang ang gagawin naming.
"Truth or dare?" tanong ko ako kasi katapat ni Miar.
"Dare" maangas niyang sabi.
Bago ako makapagsalita at inunahan na ni Ren ako.
"Dagdag na rules! Ang dare ay available lang ngayong araw." Siya
"For today, act as Miar's ..." tumingin silang lahat sakin
"Boyfriend?" sabay nilang tanong maliban kay Ardien, Miar at Spark.
I leaned in the chair, "Exactly" sabi ko na nagpagulat sa kanila which I refer to Miar and Spark.
Tinurn naman ni Spark ang bote at tumapat yun kay Ren.
"Truth or dare?" Sin
"Dare" Ren.
"Mag-act kayo ni Airo na mag-jowa at ikaw ay isang protective na girlfriend" Sin
"What!? Siya? This airhead? Like no way!" Ren
"Bakit gusto mo si Ari nalang?" Nakangising saad ni Sin. Mas engot kasi si Ari...
"Whatever" suko ni Ren.
Pinaikot ni Ren ang bottle at tumapat yun kay Sum.
"Dare" diretsang sabi niya.
"Okay! Dalawa lang naman ang gusto ko i-kiss mo yung crush mo, dito lang ha, tapos mag-date kayo ngayong araw." Vera, tuso talaga tong babaeng ito.
Tumayo si Sum at tumingin sa nagbabasang si Sin, mukhang hinigop o kinain na siya nung libro wala na kasi siya sa huwisyo. Duda akong alam niya and Dare ni Vera kay Sum.
Lumapit si Sum kay Sin, ikikiss niya sana ito sa cheeks pero...
"Sin" sabi ko, napalingon siya sa puwesto ko kaya ang kinalabasan ay nag-kiss sila ni Sum sa lips... tskk, dapat pasalamatan niya ako.
Tumawa-tawa yung mga kasama ko dahil namula silang dalawa na parang kamatis. Tahimik lang kami ni Ardien. As usual, ginagaya ba ako nitong engot na ito?
BINABASA MO ANG
Her Secret [Hiatus]
FantasyTwo people Two bodies Different genders Both powerful The same personalities Shared one same memory When they meet, will it work out between them? Meet the she and meet the he....