@8

2 0 0
                                    

DREAM...

"Ano na naman bang kailangan mo ha... Krieger?" tanong ko at oo nandito na naman si Krieger sa panaginip ko.

"Ikaw talagang bata ka! Bakit mo yun ginawa?" sigaw niya sakin

"Yung?" taas kilay kong tanong

"Haistt... Nung ginamit mo yung Blue fire!" siya

"So?" Hindi ko parin siya maintindihan.

"Hindi pa iyon ang tamang oras!" sigaw niya ulit, luhhh... problema niya?

"So?" tanong ko ulit

"Gagamitin ko yung memory alternation para hindi na nila maalala pa at ang tanging maaalala nila ay yung pagbugbog dun sa lalaki at yung grand entrance mo at pati na rin pala yung pagiging kambal ninyo ni Vera" saad niya

"So? Kailangang ipaalam pa sakin" sabi ko

"OO! Kasi ikaw ang amo ko!" sigaw niya

"Tsk... Burahin mo nalang lahat nang nangyari at yung matitira lang na malalaman nila ay magkapatid kami ni Vera pero hindi magkambal" dagdag ko

"Bakit naman? Ano bang plinaplano mo?" tanong niya habang nakatingin sakin ng matalim

"Wala lang and in case you forgot I really hate attentions tsaka bakit ayaw mo?" tanong ko

"Hindi naman sa ganon- "

"Dali gawin mo na" saad ko at nawala na sa harap niya. Dahil...

"Cresynthia! Gising na!" sigaw ni kambal pero nasa pintuan lang siya.

"Hmmm" sumbat ko

Tiningnan ko ang kabuuwan ng kwarto ko at ang masasabi ko lang ay-

"Not bad"

Sa ceiling ng kwarto ko ay galaxy themed na kung saan ay sumusimbolo ng light at darkness, sa right side naman ay Forest, left naman ay ocean, sa likod ay apoy na ibat iba ang kulay, sa harap naman kung nasaan ang pintuan ay mga potions na iba-iba din. Pumunta na ako sa banyo at nagulat nalang ako dahil isang mahabang walk-in-closet na punong puno ng damit para sa ibat ibang mga okasyon- lightning theme nito at nung nakaabot na ako sa bathroom ay namangha ako dahil crystal and ice theme ito.

Isinawalang bahala ko nalang ang mga theme sa banyo ko, teka sinabi ko bang? Madali akong maka-get over? Now you know.

Sinabi ko rin bang parang totoo ang at gumagalaw ang mga theme dito sa kwarto ko at parang buong 1st floor ang kalaki? Ngayon alam niyo na.

Naligo na ako sa tub at pagkatapos ay nag-palit na ako ng damit ko- nagsuot ako ng White sando na pinatungan ko ng black na blazer, naka-leather jeans ako at Galaxy printed ang vans na suot ko, hindi na ako nag-abala na ayusin yung buhok ko at nag-suot narin ako ng nerd glasses kaya mukha na akong stylish nerd gangster.

Linagay ko ang isang pistol at caliber 48 na baril sa likod ko pero syempre tago yun baka mamaya pagkamalan akong mamatay tao.

Dahil malaki naman ang kabuuwan ng kwarto ko at pinalabas ko na ang lahat ng mga cuties ko- muntik ko silang makalimutan. Bago ako lumabas ay pinagsabihin ko sila.

"Wag kayong lalabas ha? Dito lang kayo, kung gusto ninyong gumala ay pumunta kayo dun sa walk-in-closet ko, dun sa pinakahuli ay may magic Portal dun kayo pumasok at makakarating kayo dun sa mansion ko sa human realm, gets?" sabi ko at umalis. I can speak their language kaya.

Nung nasa hagdan na ako ay narinig ko ang tawanan nina Vera, Sum, Miar at Ren. Bumuntong hininga ko bago tulyang makapasok sa sala.

"Vera! Kuhanan mo ako ng cookies!" childish na sabi ni Sum

"Pati rin kami! Paki-dalian!" Ren

"Vera! Pwede ba- Anak ng!? nandiyan ka pala Vera akala ko pumunta ka sa kusina" Gulat na sabi ni Miar kaya napatingin narin sina Ren at Sum sa pwesto ko.

"Galing ahhh... nagpalit agad! Astig mo Girl!" Sum

"Saan mo nabil-" hindi natapos ni Miar ang sinasabi niya dahil dumating yung kambal ko sa kusina.

"Hooyyy! Mga gag* anong tingin niyo sakin, Maid niyo!?- Ohhh, nandyan ka na pala TWINNIE" Ngising sabi niya, yung totoo anong trip nang babaeng ito.

"Kanina pa SISSY" sabat ko anong gusto niya magpapatalo ako. Anak ng birheng maria!! Ano bang trip ng tatlong to! MASISIRA EAR DRUMS KO!

"Vera! May dalawang Vera!" Miar

"Wahhhh! Sino ang intruder sa inyo!? Wahhhhh" Sum

Luhhh... anong nangyari sa kanil- ayyy oo nga pala! Yung memory Alternation ni Krieger!

"We're twins" ako

"Oo nga! Nakalimutan niyo bang may kambal ako? Kakasabi lang naming kagabi ehhh? May alzheimers ba kayo?" binatukan ko naman si Vera sabay sabi through Telepathy na-

'Nag-cast ng Memory alternation si Krieger kagabi at ang tanging naalala nila ay magkapatid tayo or for short hindi nila alam na magkambal tayo!'- sigaw ko

'Ahhh! Ate naman ehhh, masakit ear drums!' –Vera

Tiningnan ko siya ng ubod ng sama kaya nag-peace siya.

Her Secret [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon