(ZAYNAH POV)
Napahinto ako nang mapagtanto kong dead end na.
Hindi naman as in dead end talaga. Delikado lang."Wala na bang ibang daan ? " Jester asked
Napatingin ako sa kaliwa at may napansin ako pero hindi ko siya maaninag dahil sa fog.
Agad kaming lumapit doon.
A hanging bridge.Its old. Siguradong marupok na ang tulay na to.
I stepped on it. Naglaglagan naman ang mga maliliit na bato. Wala pa akong pwersa na ginamit pero ganun na ang epektoNapasigaw pa ang mga babae sa gulat.
Pssh
Tama nga ako. Hindi ligtas daanan to.Inilibot ko pa ang paningin ko baka may makita pa akong pwedeng daanan
Meron nga pero bato. Patong- patong na bato
Damn it. Isang tapak lang. Bubulusok ito pababa.
I roamed my eyes around looking for another way to get out of here.
But damn. It's nothing , there's no other way .If only I could teleport but I don't know what exactly that place is.
Napatingin ulit ako sa hanging bridge at sa mga bato.
Hindi ko makita ang hangganan nito sa sobrang haba.
Napatingin ako sa kanila na mukhang hinihintay ang balak kong gawin. TskNapapikit ako nang lumamig ang hangin.
Then an idea popped out in my mind.I grinned. Well let's give it a try.
(HAYDEE POV)
Nakatingin lang kaming lahat kay Zaynah. Masyado itong seryoso at titig na titig sa tulay. Nagulat pa kami nang ngumisi ito. Hindi iyon nakakatakot. Iba 'yong ngisi niya e. Parang na-eexcite ang dating sa akin. Ano kaya ang iniisip niya?
Napanganga ako nang maging Ice ang buong bridge. Wow! So pretty! Para akong nasa Ice land. Kyaaah! Nagtakbuhan naman kami doon na parang bata maliban kay Ace. Sus siya pa! Siya ang male version ni Zaynah.
"Sh*t! Ang sakit ng puwet ko!" sigaw ni Zach habang sapo-sapo ang puwet niya. At hindi lang naman siya. Kaming lahat napahawak sa puwet namin. E paano? Lahat kami nadulas. May dadaanan na nga kami, pahirapan naman sa paglakad.
"Tss." at ayon na naman ang sikat na linya ni Zaynah. Napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang mag-iba ang suot na stilleto ni Zaynah. May matulis na bagay sa ilalim nito at gawa iyon sa Ice. Gulat na napatingin ako sa paa ko nang mapansing meron din ako.
"Who knows how to skate ?" she asked. Skate? Ano daw? Hindi naman ako galing sa mortal world e. Malay ko ba diyan.
Walang may sumagot sa amin at nakita ko pa ang mabilis na pag-irap niya. Gosh, attitude talaga siya. Nagsimula naman siyang mag... ano ba tawag do'n? Right! Balancing! So that's the skate. Pero wow! Ang galing ni Zaynah! Nakakamangha talaga siya. May hindi ba siya kayang gawin?
But anyway, alam ko naman pala kung paano. Hindi ko lang alam na skate pala tawag rito. Hehe. Sumunod na kami kay Zaynah. Lahat kami ay marunong nito kasi parte ito ng training namin at ang tawag namin ay Balancing. Dahil talagang kailangan mong i-balance huwag ka lang matumba. Pero hindi ganito ang suot namin. Ang cool kasi nito. 'Yong amin ay may gulong at hindi gawa sa blade. Okay enough for that.
Nagpatuloy lang kami hanggang sa may hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Mabilis kaming umiwas nang maglaglagan ang mga malalaking bato galing sa itaas. Gosh! Wala talaga kaming takas sa kapahamakan. Ano na naman 'to ngayon?
Napatigil kaming lahat nang makitang matutumba ang mga pile of rocks at dito sa hanging bridge babagsak. Siguradong mawawasak 'to at hindi na kami makakatawid. Worst, ay mamamatay kaming lahat! No way!
Nagpakawala ako ng tubig at pinigilan ko ito sa pagkakatumba. Gano'n din ang ginawa nila sa ibang bato. Pinuwersa ko ito at pinatumba sa kabila. Pero napayuko ako nang yumanig ang lupa at nagsimulang ma-crack ang bridge dahil sa lakas ng pagyanig. Akala ko ay dahil lang iyon sa mga bato pero natigilan ako nang marinig ang malalakas na yabag na parang tumatakbo. Saka ko naaalala ang kwento ng Lola. F*ck! Ang higante.
"Ang higante! " sigaw ni Ace. "Bilisan niyo at baka maabutan tayo!"
Nagmadali kaming pumunta sa hangganan ng bridge na 'to. Lagot kami kapag maabutan kami ng higante dahil siguradong puputulin niya ang tulay at mamamatay na talaga kami sa pagkakataong ito dahil patalim ang sasalubong sa amin sa ibaba. Bakit ko ba nakalimutan ito ang lugar na tinutukoy ni Lola!? Kaasar!
Mabilis kong hinawakan si Arriane na nawalan ng balanse dahil maging ang Ice ay nagsisimula na din matibag. Anak ng pating talaga! Pinauna kami ni Jester at binalikan ang tatlong magkapatid na naharangan ng bumagsak na bato. Pero agad din ang pagkatigil ko at nilingon ako ni Arriane.
"Mauna ka na! Bilisan mo!" sigaw ko sa kaniya.
"Saan ka pupunta!? Sasama ako " nag-aalalang tanong niya.
"Babalikan ko ang apat! They're trapped! Huwag ka nang sumama, ikaw ang sasalubong sa amin do'n dahil siguradong sina Ace at Zaynah ang haharap sa higante. " Sigaw ko at mabilis na binalikan sila. Pero napaatras ako nang maputol ang tulay nang binagsakan ulit ito ng bato. Napatingin ako sa apat na napatigil na at hindi makatawid. Taranta akong napatingin sa Ice na natutunaw. Siguradong babagsak ang tulay kapag wala ng Ice.
I was about to summon my Water Eagle when I saw them floating in the air. Mabilis kong nilingon si Arriane na tinuro si Zaynah na siyang nagkontrol sa apat. Hindi ko napansin na siya pala ang nahuhuli sa amin. Akala ko ay kasabay niya si Ace.
"Faster. Maaabutan tayo." sabi niya nang maitawid ang apat. Kaya kumilos na kami. Nakakainis! Hindi ko tuloy na-enjoy ang skating! Pahamak kang higante ka!
BINABASA MO ANG
MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESS
FantasíaThere was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a weird, mysterious and creepy one. She's famous! So famous that every pair of eyes would look at her. A disgusting look. But no one knows her r...