Chapter 1

5.7K 101 46
                                    

Vice Ganda POV

Kanina ko pa inaantay ang jowa ko. Date namin ngayon eh. Actually, monthsary namin ngayon. Susunduin daw niya ko dito sa harap ng campus. Wala pa rin siya hanggang ngayon. Naiinis na ko, tatawagan ko na siya.

Calling "Babe/Calvin"

"Hello, nasaan ka na ba? Kanina pa kita inaantay dito. Akala ko ba magkikita tayo ngayon?"sabi ko sa kanya. Nanggigitil na ko sa galit sa ginagawa niya.

"Honey, sino ba yan?" Teka, tama ba yung narinig ko na yun. Babae, may babae akong narinig. Sino yun. Pinsan niya ba yun?

"Babe, sino ba yun? Answer me please." Napapraning na ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

"Ahm, babe. Sorry. Andito pa ko sa condo. Nakatulog kasi ako eh. At yung babae mong narinig ay, pinsan ko yun. Tama, pinsan ko siya. Ang tawag niya sakin Honey. Alam mo na. Close kami eh." Mahabang paliwanag sakin ni Calvin. Hindi ako makaimik.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Sabi ng utak ko, wag akong maniwala. Niloloko niya lang ako. Pero yung puso ko, patuloy pa ring naniniwala sa kanya.

"Ah, ganun ba? Sige. Intayin kita dito. Mag-ayos ka na. I love you."sabi ko sa kanya.

"Sige, Vice. Intayin mo ko dyan. Love you too." Bago niya binaba ang tawag ko.

Napaupo na lang ako sa bench dahil sa sakit na nararamdaman ko. Parang may mali talaga. Pinsan niya nga kaya yun? Hindi ko na talaga alam.

"Hi, Lab. Inaantay mo ba ko dito?" Sabi ni Ion Perez, sabay tabi sakin sa upuan at akbayan ako. Napakayabang talaga ng lalaking ito. Akala mo naman napakagwapo. Alam kong gwapo siya. Pero sobra sobra ang hangin sa katawan nito.

Inirapan ko siya, at aalis na sana ako ng, hinigit niya ang kamay ko. Gosh, mawawalan ako ng balanse nito. Napapikit na lang ako at hinihintay ang pagbagsak. Akala ko matutumba ako at babagsak sa lupa. Pero, hindi pala. Malambot, teka bakit malambot ang nauupuan ko.

"Ang sarap ba, Lab?" May pagngising tanong sakin ni Ion. Gosh, sa kanya pala ako naka upo. Napatayo ako agad. Sasampalin ko na sana siya. Nang sinuntok siya ni Calvin.

"Umayo ka, Ion. Subukan mo pang bastusin si Vice. Hinding hindi ako magdadalawang isip na saktan ka ulit." galit na galit si Calvin.

"Ikaw ang umayos, Calvin. Marami akong alam sayo. Marami kang sikreto huh. Tingnan lang natin. Hindi mo alam ang kaya kong gawin. Vice, magiging akin ka rin." Sabay tingin sakin ni Ion.

Bigla na lang ako hinigit ni Calvin paalis. At kita ko sa mukha niya ang galit. Ano ba ang sinasabi ni Ion. Hindi ko siya maintindihan. Anong alam niya na sikreto tungkol kay Calvin.

P. S. Ibang iba to sa buhay nila ngayon.

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon